Press Release
September 25, 2008

Transcript: Senator Mar Roxas' DZXL interview w/ Doris Bigornia and Rey Mercaral

On corruption in the Philippines:

Q: How have you ensured that your political influence is not used for personal profit?

MAR: Wala tayong ka-record-record na ganoon. Wala tayong project na ako, o pamilya ko, o negosyo nila, ang makikinabang. In fact, noong ako ang umupo sa DTI, lahat ng aplikasyon ng pamilya ko sa DTI ay pinaatras ko dito sa pagiging ecozone. Sa ganoon, ayaw ko na ako yung magdedesisyon para sa kanilang kapakanan. Halimbawa, ako ang nagsimula nitong BPO-IT sa bansa natin noong 2000. Ginawa nating ecozone itong mga IT centers. Pero sa pamilya ko, hindi ko sila pina-apply. Hindi sila nag-apply. Nakikita iyon sa records.

Q: May tinukoy si Sen. Legarda na ang pagsulat ng batas para sa pansariling kapakanan ay nagco-contribute sa corruption.

MAR: Agree ako diyan, kaya ako, maingat na maingat ako diyan. Halimbawa, ang amusement tax sa mga sinehan. E may sinehan kami, hindi ako bumoto doon. Malinaw na malinaw at conscious na conscious ako na hindi ko pinapayagan na may ibang interes ang mangingibabaw sa interes ng bansa.

Isa akong nag-file ng isang panukala na lahat nitong mga insertions at amendments, lahat ng pagbabago sa budget ay dapat i-publish, nang sa ganoong paraan, malalaman talaga kung sinong nagbabago ng budget, at kung sinong tumutulak nito. Isa rin ako sa nag-file ng panukala, kasama si Senator Lacson, na yung bank deposits, mga bank accounts ng mga nanunungkulan ay dapat walang sikreto. So wala tayong tinatago, at ako'y isa sa pinakamasugid na tumutulak ng anti-corruption dito sa bansa.

Q: Pero naniniwala kayo na ang dahilan ng corruption dito ay mga vested interests?

MAR: Talagang masama ang corruption dito sa atin. Bureaucrat man, decision-maker man. Itong linggo lang, halos araw-araw ang mga reports ng CoA, yung sa gulay, yung sa pagbili ng palay, yung sa fertilizer. Lahat iyon ay pangungurakot, at hanggang sa ngayon, wala pang nakukulong diyan. Itong si Jocjoc Bolante, dalawang taon nang nakabinbin sa Ombusdman iyan. May rekomendasyon ang Senado na dapat file-an ng kaso iyan. Hanggang ngayon, wala pang na-file na kaso. Iyan ay dahilan kayo tayo ay lubog sa kahirapan, dahil nga sa corruption.

Q: So hindi talaga kayo kasama sa mga ito.

MAR: Dapat yung iba ang tatanungin ninyo, yung nagpapagawa ng kalye, yung may mga double insertion. Noong panahon pa ni Marcos, panahon ni Cory, panahon ni Ramos, panahon ni Erap, hanggang sa kasalukuyan, yung negosyo namin, doon lang sa Cubao, wala kaming bago. Makikita naman ng tao na iyon din lang ang aming negosyo. Wala naman kaming bagong binili, wala naman kaming bagong pinagawan ng kalsada.

News Latest News Feed