Press Release
September 19, 2008

TRANSCRIPT OF INTERVIEW in DZMM with Neil Ocampo with Senate President Manny Villar 19 September 2008

Totoo bang may nadobleng pondo diyan sa proyekto ng C5?

Villar: Ipinapaliwanag nga namin ito pati ng DPWH na ito ay dalawang parsela ng isang malaking project. Ang karagdagang P200M sana ay magagamit sa another flyover na kokonekta sa Coastal Road . Ito kasing proyektong ito ay napakalaki at makikinabang dito ang 3 milyong taga Southern Metro Manila, Cavite, Las Piñas, at Parañaque. Itong sinasabi nilang double entry, dalawang bahagi iyan ng proyekto. Yung pagkakapareho ng wordings o paglalagay ng wordings, wala akong kinalaman. Di ko naman itinatanggi na gusto ko nang matapos ang proyektong iyan subalit yung paglalagay ng double entry, wala akong pwedeng maging papel doon dahil hindi ako kasama sa bicam. Pangalawa, wala pang release ito at walang anomalya dito. Ito ang paulit-ulit kong sinasabi kaya pulitika lamang ito. Walang pondong na-release diyan. Sinabi na ng DBM na wala silang na-release na pondo. Ang magdedetermina at mag-iimplementa ng project ay ang DPWH. Walang kinalaman ang Senado diyan. Walang anomalya dito.

Ito po bang binabanggit na double insertion ay talaga nga bang para sa dalawang magkahiwalay na proyekto?

Villar: Iyong isa, flyover na magko-cross sa Sucat, at iyong isa ay flyover na ko-connect sa Coastal Road. Matagal na namin itong pinapaliwanag. Walang mali diyan at iyan ay iimplementa sa DPWH. Nitong nakaraang araw, medyo nasaktan ako. Ako ay isang iskwater, at lumaki sa Tondo. Nagtinda ako ng hipon at hanggang magtinda ako ng bahay. Kung ano man ang kalagayan ko ngayon sa buhay ay diyan galing. Masama ang loob ko sa mga nagsasabi na gumawa ako ng pera at may balak akong gumawa ng pera. Maski kailan, hindi ako gumawa ng maski pisong pera sa gobyerno at wala din akong balak gawin ito sa mga darating na panahon.

At saka ang tanong ng iba, iyan bang si SP Villar, ay sisirain niya ang kanyang sarili sa harap ng mamamayang Pilipino sa pag-iinsert ng pera na siya ang makikinabang?

Villar:Iyan nga ang sinasabi ko. Tatlong milyong tao ang nag-aabang para matapos na ang proyekto na iyan. Kaming mga taga Las Piñas, Parañaque at Cavite , gusto naman naming makabit sa Makati . Ito kasing C5, ikakabit kami sa Makati. Napakalaking bagay na matapos iyang kalye na iyan para lumuwag ang daloy ng trapiko.

Sinasabi din po na ang mga properties niyo at maging ang mga properties ni Bro. Mike Velarde ang makikinabang sa kalsadang iyan.

Villar: Kung kami ay may lupa diyan, kami naman ay di namin kailangan ang DPWH para gumawa ng kalye. Iyon ang hanapbuhay namin. In fact, mas maganda na kami na lang ang gagawa ng kalye dahil exclusive pa sa amin. Subalit, kailangang paraanin mo iyong C5. Pag hindi mo pinaraan iyan, paano magtutuloy-tuloy ang proyekto na iyan? Paano matatapos iyan? Ang makikinabang dyan, uulitin ko ay ang 3 milyon nating mga kababayan sa southern Metro Manila at ito ay napakahalagang proyekto ng gobyerno. Ang ganitong proyekto na ito ay dapat nating suportahan?

Mr. SP, handa ba kayong ito maimbestigahan? Sinasabi kasi ng iba na kayo ay nag-aalangan na ang Senado ay mag-iimbestiga ukol dito?

Villar: Nakakatawa iyan. Kasi last week pa namin inirefer sa committee iyan. Last week pa namin sinasabi na imbestigahan na iyan. Pulitika lang naman ito dahil noong mag-announce ako na tatakbong Pangulo, nagdatingan na ang mga intrigang ito. Hindi ako nag-aalangan na iyan ay maimbestigahan. Gusto kong maimbestigahan iyan para magkaroon ng kaliwanagan at matapos na iyan.

Ito pong bangayan ng Senado ay makakaapekto sa sambayanang Pilipino at sa ating imahe sa buong mundo.

Villar: Iyan ang aking kinakalungkot dahil sa ngayon, marami tayong nakapending na trabaho sa Senado. Yung mga makakatulong sana sa ating ekonomiya lalo na ngayong may krisis sa buong mundo. Kami ay nahihiya na ang Senado ay nagbabangayan at iyan ang dahilan kung bakit di ako nakikipag-away at di ako sagot ng sagot kasi ayoko nang lumala ito. Maliwanag namang dalawang proyekto na ayaw nilang tanggapin.

News Latest News Feed