Press Release
September 13, 2008

'Kilos mga Pinoy,' ani Loren para sa climate change

Dapat isipin ng Pilipino ang mabilis na takbo ng climate change at mapagtanto kung gaano kaliit na ang panahon na natitira para ayusin ang kapaligiran.

Ito ang panggising na tinuran ni Senador Loren Legarda kahapon nang sabihin niya ang napipintong peligro na kinakaharap ng buong bansa kung hindi umaksyon ang mga Pilipino ngayon.

"There is something lacking in stewardship of our environment, and that's the sense of urgency of things," ani Legarda, bilang reaksyon sa mga sinabi ni Dr. Josefino Comiso, isang US-based Filipino physicist na ngayo'y nasa bansa dahil sa "Balik-Scientist Program" ng Department of Science and Technology (DOST).

"The truth is climate change is more serious than we can possibly imagine, and yet Filipinos are seemingly not paying attention to this matter of great concern," anya.

Dahil sa kumplikadong porma n gating bansa na may mahigit na pitong libong malaki at maliliit na isla, at dahil na rin sa lokasyon nito sa Pasipiko, dapat ay matagal nang may programa ang Pilipinas para labanan ang epektong dulot ng mapanirang mga disaster na dulot ng climate change.

"We have obviously not learnt," sabi ni Legarda. "Call for tree planting is not a new idea. It was also a call of past administrations, yet Filipinos are not hell-bent on heeding it."

"We seem to have totally lost our respect for the environment. Indiscriminate and criminal logging practices including our failure to replant and reforest are fast converting our once verdant forest into bald mountains," aniya.

Ang "warning bell" kamakailan ay ang disaster sa dalawang barangays sa Compostela Valley, na nauwi sa trahedya matapos na maguhuan ng rumaragasang mga putik at mga bato ang marami sa paanan ng bundok, Dahil din ito sa malakas na ulan dala ng Typhoon 'Marce.'

"Little do most of us realize that our present discomfort is only a warning signal of the danger facing our archipelago," ani Legarda, isang ecological warrior na nagpasimula ng proyektong Luntiang Pilipinas.

Si Legarda, chair of the Senate Sub-Committee on Climate Change, ay naasiwa din sa kawalan ng gobyerno ng pananaw sa climate change, sapagka't yung pagpapakalat ng geo-hazards maps ay noong isang araw lamang ginawa..

"We're fond of acting in the eleventh minute when the danger is facing us right in the face. It's sad but true," ani Legarda.

"And we're dealing only about the effects of intermittent rains. What about the extreme heat?" aniya.

Tag-ulan o tag-init, ang Pilipinas ay nasusuong sa peligro, na maaaringmagdulot ng magkakadugtong na epekto, sa pananim, sa gawain, sa pangingisda, at sa lahat, na hindi natin lubos mapagtanto.

Halimbawa na lang ang nangyari sa Compostela na maaaring tuluyan ng lisanin ng mga tao roon ang disaster area, at panibagong umpisa na naman ang kanilang kinakaharap.

"Needless to say, we have to put in place measures to mitigate climate change, and at the same time find ways to sustain development and renewable energy as fashionable and profitable in the short term but effective against climate change in the long term," paliwanag ni Legarda.

"It's because whatever methods we have in mind to ameliorate climate change will surely need much time," dagdag pa niya.

News Latest News Feed