Press Release
September 9, 2008

Transcript of ambush interview with Senator Mar Roxas before session

On allegations of a 'double-entry' road project in 2009 budget:

MAR: Isang halimbawa ito ng maling paggastos ng pera ng aming kababayan, na siyang pinagmumulan ng napakababang pagtitiwala ng mga mamamayan sa gobyerno. Kailangan ng gobyernong tumulong para malaman nga kung ano ang nasa likod nitong dobleng paggastos ng pera natin.

Ang nalalaman lang naman natin ang bunga ng sinabi ni Lacson. Ang pinakamahalaga rito ay malaman ang kabuuang istorya nito. Hinihikayat natin ang administrasyon na tumulong, nang sa ganoon yung tama o yung wasto o yung tuwid na paggastos na pera ng mamamayan ay siyang umiral dito.

Q: This appears to be a personality clash between 'presidentiables.'

MAR: Kung napansin niyo, wala akong nababanggit na pangalan. Ang point lang dito is, isang senador ay nakatuklas ng isang anomalya o mukhang anomalya. Dapat lahat tayo ay magtulong-tulong nang sa ganoon malaman natin ang buong istorya. Ang aming mga kababayan, talagang walang tiwala sa gobyerno. Wala nang tiwala sa tama at wastong paggastos ng kanilang pera. Iyan ang dahilan kung bakit popular na popular yung VAT - imbes na ang gobyerno ang gumastos, ibalik na lang sana sa tao ang nakokolekta sa VAT. Iyan ang puno't dulo nitong lahat, yung kawalan ng tiwala ng ating mga kababayan sa kanilang mga lider, sa kanilang gobyerno, sa mga pulitiko. Dapat magtulong-tulong ang lahat para matuklasan kung ano talaga ang nasa likod nito.

Q: Such allegations are said to be related to 2010.

MAR: Ang importante rito ay lahat tayo ay magbantay na nasa tama ang paggastos ng pera ng ating kababayan.

Q: Ang Senate ba ang dapat mag-imbestiga?

MAR: Natuklasan ito sa budget committee, at siguro doon na muna. Kasi hindi pa naman natin sinasabi na mayroong senador o kung sino man ang naglagay nito sa budget. Ang pinakamahalaga rito ay malaman yung kabuuan ng sa likod nitong paggastos ng perang ito, nang sa ganoon makasiguro tayo na nababantayan ang paggastos ng pera ng ating mga kababayan.

News Latest News Feed