Press Release
September 1, 2008

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero

Interview at the session hall:

On proposed salary increase for government workers, including the president's...

Tutol ako sa salary increase para sa Pabgulo, para sa mga senador, mga kongresista at matataas na opisyal ng gobyerno pero susuportahan ang pagtaas ng suweldo sa mga ordinaryong kawani tulad ng mag teacher, ordinaryong clerk, mga pulis, sundalo at kung isasama pa nga nila, mga barangay officials natin. Mas maraming dapat paggastusan kaysa sa suweldo namin. Maliban doon imposible namang hindi alam ng administrasyon na hindi naman pedeng ipatupad ang salary increase para sa congressman at mga senador, dahil maliwanag ang probisyon ng Article 6, Section 10 ng Saligang Batas na nagsasabi, pede lamang itong maging effective kapagka yung pinakahuling senador at kongresista na bumoto pabor ditto ay natapos na ang termino. So ang pinakamaagang mapatupad ito ay sa 2014 pa, bakit nila nilalagay nay an sa 2009 budget, maliban na lamang kung hindi nila nakita at nalaman yan, marahil ginagawa yan para pagtaguan ang gastusing mga pondo para sa darating na taon o election.

This is in preparation for 2010 elections...

Ang pondong inallocate at inappropriate yan nasa ilalim ng batas at ng constitution hindi pedeng gastusin, ang problema nandoon yung allocation so meron silang leeway para i-charge at kung saka-sakali magkaroon ng available appropriations para mare-align. Dahil maliwanag ang sinasabi ng saligang batas, hindi ito pedeng maging effective sa 2009.

Kung mare-align?

At least may ceiling sila.

Kung ako imbes na dagdagan ang suweldo ng mga mambabatas, ng president, bise presidente o ng mag senador, humigit kumulang isang bilyong piso yan. Sa isang bilyong piso pede ng magpagawa ang gobyerno ng hindi bababa sa sampung kilometrong kalye, kaya nilang magpagawa ng humigit kumulang na 300 classroom, kaya nilang magbigay ng P500 subsidy para sa kinukonsumong kuryente para sa 228,000 household, mas maraming pede at dapat paggastusan ang perang ito, hindi naman kailangan para sa suweldo pa ng mga matataas na opisyal.

Sabi ni Sen. Joker na hypocrite naman daw yung pagtutol...

Hindi pagiging ipokrito ang pagtutol ditto, pagkakaroon lang ng tamang prayoridad tungkol sa tamang gastusin ng gobyerno. Government is one thing only, allocating scrace resources. Dati ng kulang ang pondo ng gobyerno, ang tanong lamang ano ba ang uunahin natin. Mababa nga at kulang ang suweldo naming pero mas marami ang mababa at kulang ang suweldo, mas maraming dapat ginagawa ang gobyerno kaysa sa dagdagan at pagtuunan pa ng pansin sa panahon nito ng krisis yung suweldo naming.

I-allocate nila (P1 bilyon) doon sa mga nabanggit kong pedeng paggastusan. Hindi ako naniniwala sa teorya na kapagka dagdagan mo ang suweldo ng mga mambabatas kung saka-sakali biglang mabubura ang korapsyon. Samantala ang kaunting dagdag sa suweldo namin malaking bagay para sa suweldo ng ordinaryong empleyado na marahil mas makakatulong pa sa panlaban nila sa graft and corruption. Ang solusyon sa graft and corruption sa mataas na opisyal, ipakulong yung nagkasala, yung nagnakaw at lumalabag sa batas, gaano man siya kalaki, gaano man siya kaimpluwensiya.

The proposed salary increase has a senate bill or it's in the budget?

It's in the GAA, but that cannot be because we cannot benefit from an increase so why put it in the bill knowing fully well that it cannot be implemented in 2009.

Na sinama na sa budget, nasa GAA. Kasi lumabas na sa balita GAA submitted to the House, kasama na yung salary increase ng government officials. Ang problema in-adjust nila yung salary grade kasama kami, kasama kami sa salary grade. Okay lang yun basta wag nila isama sa budget yung increase ng salary namin dahil we cannot benefit from it, kahit na ipasa pa naming yan we cannot benefit from it.

Salary increase to address corruption...

Kapagkadinoble natin ang suweldo ng mga mambabatas, mula P35,000 gawin nating P70,000, yan ba ay garantiya na ni iisa sa kanila wala nang magnanakaw at yan din ba ay garantiya na sinoman ang magnanakaw ay makukulong na. kapagka dinoble natin ang suweldo ng presidente mula P60,000 patungong P120,000 (a month) yan ba ay garantiya din na hindi na magnanakaw ang gobyerno at sinomang pangulong nagnakaw ay tunay na makukulong at tunay na makakasuhan.

Nasa pagpapatupad pa rin ng batas at wala sa panibagong batas ang solusyon kaugnay ng problemang ito at kung mag pandagdag din naman tayo ng suweldo ng mga kongresista at ng presidente mas marami tayong pedeng paggastusan nyan tulad ng mga nabaggit ko.

Hindi nito mapipigilan at hindi nito kayang pigilan ang katiwalian kung ang tao gusting gumawa ng graft and corruption, dahil ang rason nga kung bakit nagnanakaw sa gobyerno ang mga taong ito palaging kualng at kailanman hindi sapat anumang hawak nilang pera.

On MOA on ancestral domain, scapegoat lang daw ang pag-scrap...

Kaunti na lamang ang panahon ng administrasyong ito para gumawa ng kabutihan, sana wag na itong aksayahin para sa anumang MOA o cha cha na ang layunin ay pansarili. Kakaunti na lang din ang panahon para sa 2010, sana bawas bawasan na din ang pamumulitika ng magkabilang panig upang matutukan natin ang mga problema, kabilang na ang kapayapaan sa Mindanao.

News Latest News Feed