Press Release
August 29, 2008

TRANSCRIPT OF INTERVIEW WITH SENATE PRESIDENT MANNY VILLAR

Iligan City

SPMBV: Tatalakayin namin ang budget, siyempre mahalagang ma-assess natin, gusto kong maramdaman ang kaba ng mga kababayan natin dito kasi continuous naman ang coordination natin at alam ko na patuloy pa ring nababahala ang mga kababayan natin sa Iligan. Gusto ko na pumasyal ng madalas dito para rin makita na full ang support ang ating gobyerno sa mga kababayan natin sa Mindanao.

Q: Paano natin babalansehin ang opensiba?

SPMBV: Ang sa akin, number 1, isa lang ang Armed Forces of the Philippines natin at mayroong armed group na lumabag sa batas at sa ngayon walang choice ang ating armed forces kundi ipatupad ang batas at yung mga gumawa ng krimen na yon ay dapat namang mahuli o magdusa. Hindi kasi pwedeng tumigil basta basta ang armed forces. Kung inaakala nila na ito ay makakatigil ng kanilang operasyon subalit hindi rin naman tama na masyado nating painitin yung damdamin ng ating mga kababayan dito. Ang mahalaga ay magawa ng armed forces na in control sila at mapanatag nila ang kalooban ng ating mga kababayan dito.

Q: Seguridad sa mga lugar?

SPMBV: Sa ngayon ang pinakamahalaga ang budget--yun immediate. Ano ba talaga ang ibibigay natin, kasi mahalaga ang seguridad ng Mindanao lalo na ng mga lugar na gaya ng iligan. Na makikita nila na ang armed forces of the Philippines ay maaasahan. Kaya dito in fact nag-file ako ng resolution para tingnan yung status ng modernization. Kasi may 10 billion modernization noon na ngayon ay hindi pa fully naiimplement. Ang gusto kong malaman bakit hindi maimplement yun para mapondohan na kung kinakailangan at gusto kong malaman kung magkano sa budget ang nakalagay para sa ating armed forces of the Philippines because if need be, kakausapin ko si senator enrile na madagdagan natin ang budget ng ating armed forces dahil baka nung ginagawa ang budget hindi pa nangyayari ang gulo na ito. Para mapalakas pa natin. Hindi natin pinapalakas ang armed forces dahil sa gulo, pinapalakas natin yan para mapanatag ang kalooban ng ating mga mamamayan dito na meron silang masasandalan sa oras ng pangangailangan at panganib.

Q: Yung sinasabing pinagmulan ng gyerang ito, naniniwala po ba kayong dapat pang ituloy ito?

SPMBV: Itong pinagsimulan ng gulo maliwanag namang labag sa constitution natin at hindi ko nga malaman ang nagging motibo ng ating pamahalaan sa pagpasok sa ganitong klaseng agreement. Nakakagulat ito at lahat halos ay nagulat sa laman ng agreement na ito. In fact nun pa lang sona ako ay nagsasabi na bakit hindi ko nakikita o ayaw ipakita ang laman ng agreement na ito. Baka merong mga laman yan na hindi kinukunsulta ang mga apektado ay pagsimulan ng gulo. At yun na nga ang nangyari.

Q: Tuloy ba dapat ang renegotiation?

SPMBV: Sa akin tapusin muna at liwanagin muna ang nangyari. Unang una may obligasyon ang ating afp na hulihin ang mga lumabag sa batas. Until such time na maayos na yan ay napakahirap na bumuo ng anumang agreement dahilan sa kailangang i-establish muna sino ang kakausapin at iisa lamang ang armed forces sa ating bansa at yun ang afp.

Q: Views mo on reactivation of ilaga?

SPMBV: Hindi natin dapat lalo pang pag-apuyin ang galit ng ating mga kababayan. Ang mahalaga ay palakasin natin ang armed forces. sila ang may obligasyon na panatilihin ang katahimikan dito sapagkat pag nagkaroon ng mas malawak na gulo sa Mindanao, mas maraming kababayan natin ang maaapektuhan at madidisgrasya.

News Latest News Feed