Press Release
August 19, 2008

Interview with Sen. Alan Peter Cayetano Re: MOA- MILF

ASC: Sino ang sumusuporta sa kanila, may foreign support ba to or local support? San nanggagaling ang kanilang logistics? Bakit the last six years na mga budget hearings on Muslim insurgency, ang sinasabi sa atin ng military, ang Muslim insurgency at ang communist insurgency ay pabagsak na at kung dadagdagan lang namin ang kanilang budget na ginawa naming for the last six years ay pahina na ng pahina ito. Bakit yung timing ay eksakto kung kelan nagkapirmahan o kailan to hinaharap yung pirmahan, biglang nagpakita ng ibayong lakas itong MILF? So may failure of intelligence ba dito or niloko din tayo ng AFP leadership dito sa Kongreso and we were misled to believe that they were in control noh and that they were always logistically superior and tactically superior to the MILF pero nangyayari ngayon na para bang although napapaalis nila yung MILF sa ilang mga lugar, para bang ang MILF ay may susi na kahit anong pinto sa lugar na yon ay kaya nila pasukin, or pumasok tapos umalis ulit.

(Sir, is this the best argument not to continue with MOA?)

ASC: You always negotiate from the position of strength especially if ikaw ang gobyerno. Hindi dapat magmukhang tatanga tanga yung gobyerno noh? So pero ginagawa natin na tayo in full faith and confidence, in good faith nakikipagnegotiate tayo, part naman ng political process yun na may sumangayon, may tumuligsa diba? Alam naman natin na demokrasya to. Hindi naman to military dictatorship katulad ng MILF na pagsinabi ng isa sa kanila na dapat sundin, lahat sila susunod. Tayo, may democratic process tayo. But on the other hand, sila naman, parati silang may excuses: na may hindi sumusunod, etc. noh? So I think it's time that the government really look at the MILF and ano ba talagang classification nito, ito ba'y mga rebelde na political ang pinaglalaban, sila ba ay terrorist? Dahil kung makikita niyo sa United States Institute for Peace, isa sa hiningi ng mga MILF na confidence building measure ay wag kasuhan ang mga bumomba sa Davao at wag kasuhan ito. Tapos ngayon umaangal itong Chief of Staff, si AFP Chief of Staff Yano na may panununog, may pagpapatay so sabi niya criminal acts. So what is he saying? Terrorists na ba ito o mga freedom fighters sa Mindanao. So it's getting very confusing noh. So I think the government should take a step backward and ayusin muna yung kausap nila. Tanong talaga nila sa MILF kung ano talaga gusto nyo, kapayapaan o gera. Ipakita na sa bawat baril ng MILF, mas madami tayong baril at sa bawat lugar na papasukin nila ay talagang hahabulin sila. Then and only then, I think, would we be able to negotiate on equal terms. Ang lumalabas ngayon ay imbes na tayo ang negotiating from strength, parang ang pinapakita ng MILF na pagka hindi tayo nakipagnegotiate ay kaya nilang guluhin ang Mindanao. And that does not speak well of the six years na nagbribriefing ang AFP dito sa Kongreso at sinasabi nila na kayang kaya na nila yung mga pwersa ng mga insurgents. So ito ba ang strong republic nating pinagyayabang noh?

(The President yesterday, hindi gaanong mabigat yung statement niya about the MILF. Do you think...)

ASC: Yun nga ang problema eh. Hindi one voice ang ating gobyerno. Iba ang sinasabi ng AFP Chief of Staff, iba ang sinasabi ng spokesman, iba sinasabi ng Presidente. These are small details but they send mixed signals. Halimbawa, yung iba inaadmit nila na ito ay loss command. Si AFP Chief of Staff, declaration of war to, virtual declaration of war on MILF noh. So parang kung ako man ang nasa MILF, itutuloy ko ang ginagawa ko kasi napapakita sa gobyerno na they can negotiate doing that. So we have to teach them a lesson that we are sincere, that we want the Bang sa Moro people to be satisfied or to be able to have what they are fighting for. But kung peace talks, peace. Kung war, war diba? Eh masyado ngang magulo ang systema nila. Kaya tactically, tama ang ginagawa ng MILF for MILF. Ang pumapalpak yung gobyerno na parang naging napaka na�ve sa ginagawa nila unless nga there's a bigger plot or there's an unseen hand,possible foreign hands entering into the picture because of the geo politics or different interests that may come about if there is really a BJE that will be created. So the government should be fort right diretso sabihin sa atin ano bang balak nilang sabihin ano bang balak nilang gawin ditto at malinaw ang mensahe nila sa MILF kung peace talk peace talk kung gera.. gera.

Dapat bang magkaroon ng all out war?

ASC:Well ako parati akong for peace talk principally because kawawa din yun ating mga sundalo nasa frontline at kawawa din naman yung mga taing naiipit. Pero there's no such thing as peace talk tapos ikaw ang ginegera. So first choice pa rin natin ang peace talk pero kung peace talk tigil talaga lahat, ceasefire talaga walang hostilities at magusap-usap pero yung sasabihing tayo ang nakikipag peace talk tapos yung kabila naman ay nakikipag gera sa atin e may choice pa ba ang gobyerno natin kung hindi magrespond. So ang response gobyerno natin panay defensive e. Pag tayo ang maghahabol sa kanila sasabihin violation yan dahil may peace talk ongoing pag sila sumalakay e lost command. E baka gusto ng MILF magbuo pa ang gobyerno ng sariling lost command na militar tayo para walang accountability. So babalik tayo sa punto na makikipagusap ka lang sa taong kontrolado ang sarili nyan mga tao kung hindi nya kontrolado theres no point in talking to them.

So at this point what should the government do?

ASC: the government should tell the MILF either they control their whole group or they can even go after their group. Diba sa atin sa military pag may lost command group at hindi sumunod you will also hunt them down ng sarili mong tao so they should stop . They should clear to MILF that if they don't control their people and stop hostilities and if they don't start respecting property and human life hindi makiki;pagusap ang gobyerno sa kanila bagkus ipapakita ang military might ng Republic of the Philippines. But kailangan ipakita din sa atin ng military especially the intelligence community bakit marami pala ang MILF at bakit biglang may mga gamit ito para makipagtatpatan sa military, san nanggaling ang mga ito? After six years of telling us na pahina na ng pahina na sila.

Pointless na nakikipag usap ka at ikaw peace mode ka yung kabila atake naman ng atake...

Sir hindi ba dapat sagutin ng Intelligence kung MILF nga ba ito o...

ASC: Well that's also a good point, we should be the one to make the determination whether MILF yon o hindi, siyempre yung kabila parati nilang idedeny yan e. para din namang extra judicial killings yan e. merin bas a gobyerno na aamin nyan, na sila ang nagpapatay nyan. It's a neutral group who would do that. But precisely baka nga ginugulo tayo para may mga bansa na biglang papasok at sasabihing peace keeping forces .Thats why Im saying the Philippines should look out the interest of the Filipino because hindi lang local ang interest nilo may international play din na maaaring mangyari ditto.

So Sir sapalagay nyo sino itong mga bansang ito na involve...

ASC: Well , mahirap ipinpoint as of now pero definitely there are many countries that are part of their foreign policy is to look into other countries especially pagv sinabi nila na it has something to do with terrorism or it has somethinh to do with economic cooperation. Meaning tayo man ang isang economic power sa region, tayo man ang economic power sa buong mundo e part of our foreign policy is makialam talaga sa ibang bansa. So yon talaga ang dapat nating bantayan at siguraduhin na yung interest natin ang masusunod at hindi yung ibang bansa. Babantayan talaga natin , bakit may mga armas ang mga MILF? Sino ang nagsusupply nito. Lahat ng mga military commander magsasabi sa inyo para talunin ang kalaban I chochoke off mo ang kanilang mga supplies yung kanilang mga logistics maging pagkain nyan...Pero bakit so far sa mga skirmishes na nangyayari sa mga labanan e para bang hindi lamang na lamang ang AFP.

Sir parang mahina daw po ang intelligence natin...

ASC: Either mahina o naloko sila or merong greater plot na nangyayari dito. Di pa natin masabi right now because we don't know all of the facts that's why we wangt AFPand all political leadership na diretsohin ang mga mamamayan, anong objective nila sa Mindanao at ano ang tunay na strength ng MILF.

Sir Parang may Conspiracy theory...

ASC: Well lahat ng conspiracy theory andyan. Ang ibig kong sabihin kung alam ng intelligence community na ganyan kalakas ang MILF na mislead tayo merong objective yan. Ngayon kung hindi naman nila alam may failure of intelligence dyan. Hindi n aman first time nangyari yan remember nung panahon ni Presidente ERAP sinugod ang camp Abu Bakar na yung mga irrigation canals na yung iba fortified na pala. So kinuwestiyon din ang intelligence nung time na yon. Bakit ganon ang nangyari marami tuloy namatay sa mga sundalo natin. So again will that happen again? After we learned our lessons supposedly during that time 1999-2000. Since the President took over 2001 until now seven years later every year humihingi ng budget yan kiuta mo mas malaki ang itinaas ng military kumpara sa lahat ng civilian branches of government.

May pakialam ba ang US...

ASC: I cant say I don't have that information as of now but if you were in the government you should already have scenarios you should have already approximate who are those who have an interest for an independent Mindanao or have an interest for a BJE that they can deal with at bantayan na yon. Kung baga sa terorista may watchlist ka na.

News Latest News Feed