Press Release
August 11, 2008

Transcript of Senator Mar Roxas' interview with Doris Bigornia

On the GRP-MILF MoA and the ARMM elections:

Q: Ano ang nakikita niyong mangyayari dito sa kasunduang ito?

MAR: Dudulog tayo sa Korte Suprema mamaya para hintuin itong MoA na ito, itong maanumalyang kasunduan ng GRP Panel at ng MILF.

Q: Ano yung inyong ihahain sa Korte Suprema?

MAR: Mayroon tayong reklamo na yung mga probisyon na sinang-ayunan ng GRP Panel ay labag sa Konstitusyon dahilan sa "tsina-chop-chop" niya yung ating bansa at hindi ako papayag na ma-chop-chop ang ating bansa.

Q: So yung sinikreto na sinasabi na MOA ay iyan ngayon ang puno't dulo nung pagwawala ng mga kapatid nating Moro doon sa North Cotabato?

MAR: Tama ka diyan. In fact, nangyari na yung ikinakatakot ko. Itong kasunduang ito, halos nangyari ito sa brasuhan eh. Nabraso ng MILF yung gobyerno, natakot yung gobyerno. Binigay na ang lahat pero ganoon pa man, nandito tayo ngayon sa gulo. Madaming patay, maraming na-evacuate, umuulan pa doon hanggang sa ngayon. Nagbobombahan na. Kawawang-kawawa ang ating mga kababayan..

Q: Imbes raw na relief goods ang ipadala, ay bigyan daw sila ng bala at armas.

MAR: Sobra naman siguro iyan, dahilan sa nagnanais naman tayo ng kapayapaan.. Ang importante dito ay gampanan ng Armed Forces, ng PNP yung kanilang trabaho na protektahan ang ating mga civilian na populasyon.

Q: Ano ang pagkakaiba ng motion niyo sa mga petisyon diyan sa Korte Suprema?

MAR: Ang dagdag po rito ay yung pananaw ng pang-national. Yung inihain na ng mga local government units, ang kanilang prayer doon ay ayaw nilang mapasama doon sa BJE. Ako naman, bilang isang national government official, nakikita ko na malaking bahagi, halos 1/3 or 30% ng ating karagatan ay mawawala.. Pinamigay nung ating GRP Panel at ni ha ni ho, hindi man lang natin alam nababawasan na pala ang likas yaman ng ating bansa. Kaya kailangan kasama tayo diyan. Hindi lamang yung mga komunidad doon sa Mindanao. Hinahanda natin ang papeles ngayon.

Q: Makakapagpatigil ba ng petisyon yung nagaganap na bombahan ngayon?

MAR: Well, wala namang koneksiyon ito. Ang importante dito, na itong MOA na ito ay hindi maituloy at kung kinakailangan magsimula muli ng bagong negosasyon na batay sa hayag atsaka transparent na proseso. Hindi ito yung patago, na ngayon ay isinasalaksak sa lalamunan natin, pinipilit na lang tayo na tanggapin natin ito.

Nananawagan po tayo na, para sa ating mga kababayan, ay huwag tayong pumunta sa karahasan dahilan sa kapayapaan ang ninanais nating lahat. Pero dito nakikita rin yung karupukan nitong "Strong Republic," e hindi nga ma-impose ng gobyerno yung peace and order diyan sa mga lugar na supposed to be hindi kasama sa BJE. E ano pa kaya kung natuloy na itong BJE? Matsa-chop-chop po ang ating bansa. Dapat tutulan natin ito. Huwag nating payagan na mahati ang bansa natin.

News Latest News Feed