Press Release
July 24, 2008

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero

The ways and means committee as you know is in the midst of a critical investigation or probe into the state of smuggling in the country brought about by the chairman of the finance committee , joint un no? senator enrile has decided to inhibit himself from the ongoing probe into the smuggling because precisely of the involvement of port Irene

sa muli magandang umaga. ung anti smuggling hearing na ginagawa namin isang pandinig na hindi pa nagawa nang senado sa mga nagdaang panahon at sa mga nagdaang kongreso ay walang balak kilalanin ang sinumang personalidad at wala ring balak isantabi dahil lamang sa pagiging miyembro nang sinuman dito sa senado. Kaninang umaga pinagbiogay alam sa kin ni senator enrile ang kanyang balak na mag-inhibit sa hearing na gaganapin sa Martes kaugnay nang CEZA na may kinalaman din sa reklamo ng AMCHAM sa pag-i-import diumano nang mga sasakyan sa pamamagitan ng port Irene. Bagaman ang inhibition ay voluntary at personal at para sa isang miyembro binabati ko si senator enrile sa kanyang pag inhibit sa pagdinig na gagawin naming sa Martes kaugnay nang bagay na ito.

sir limited lang for that...

yes, yes, Ung hearing namin sa Tuesday. Kasi dun lang naman kung saka-sakali na may nagdawit nang lugar na dati niyang kinakatawan, nang isang kamag-anak din nya sa isyung ito.

to clarifiy as far as your hearing the matter of port Irene

yes on Tuesday. Sa martes na namin isasagawa ang pagdinig ukol dyan

ung inhibition sir totally absent sya from the room?

CHIZ: I don't know but ang inhibition technically means he will not participate in answering or propounding questions.

but he can be present listening

walang makapagpipigil naman siguro dun kung may nagnanais makinig dahil public hearing un at bukas yan sa lahat.

Particular ung reklamo kaugnay sa smuggling nang mga sasakyan either sports utility vehicles. O ung mga sports cars o mga luxury cars na lumabas sa pahayagan at nadawit gaya nang nasabi ko ang pangalan nang isa niyang kamag-anak.

if who is summoned? I doubt if he would be summoned because if at all, all the officials of CEZA would be there. Papatawag naming lahat kahit na ang mga personalidad ay ipapatawag namin.

we invited AMCHAM as well. We also invited KAMPI hindi ung partido ha.

eh itong Kocher ba un?

lahat nang pangalan na lumabas na nagrereklamo kaugnay nang bagay na ito at lahat nang mga pangalang inaakusahan bibigyan namin sila nang pagkakataong magsalita at matanong na rin.

sir linawin ko lang ano ba ang relation �impounding lot owned by the enrile�

we will find that out in the hearing medyo magulo at malabo pa rin sa amin ung structure ng CEZA kung yan ay pareho ng Subic at nang clark o hindi. Subalit maliliwanagan lahat yan sana sa pagdinig na gagawin natin sa martes.

aalamin din natin ang lahat nang mga bagay na yan, sino nang-i-import? Sino nagpayag nang pag-import? Ano ang legal basis nang pag-import nang second hand vehicles, kung saka-sakaling legal, tamang nga bang buwis binabayaran at sinong nakikinabang at sinong nasa ulo o leader ika nga nang gawaing ito sa CEZA. Lahat nang ito ay bibigyang linaw natin sa martes.

senator enrile threatens..he raised up EO 156�

hayaan na lang natin na si senator enrile ang na lang ang sumagot sa tanong na yan, ilang taon na din naming effective, kung tama ang pagkakaalaala ko apat o limang taon nang effective ang EO na yan. Hanggat hindi sinasabi nang KOrte Suprema na unconstitutional at illegal yan, tama man o mali, mananatiling batas na umiiral yan kaugnay nang bagay na ito.

do you agree to the observation that only congress can stop importation of such�

yes and no. ang tariff and customs code ay batas na kongreso lamang ang pwedeng mag-amyenda subalit nasa tariffs and customs code din ang malawak na kapangyarihang binibigay sa pangulo para baguhin ang ilang probisyon nyan kabilang na nga katulad nang ating nakikita ang pag-adjust nang tariff rate pagdating sa mga produktong petrolyo na ginagawa na nga nila sa ngayon. So hindi yan tulad nang ibang batas na pwede lamang nilang baguhin sa pamamagitan nang batas din mula sa kongreso. May ilang mga probisyon ang tariffs and customs code na awtorisado mismo ang presidente na baguhin o amyendahan basta't nasa recess ang kongreso.

what do you expect out of the SONA?

ang SONA ay iisa lamang dapat ang pakay at rason ipapaliwanag sa sambayanan ang presidenteng nakaupo ang kanyang nagawa nitong nagdaang taon at sasabihin nya sa sambayananang direksyon na nais nyang tahakin sa darating o susunod na taon hangga't sya'y muling humarap para na naman sa isang SONA. Un lamang po ang dapat na nilalaman nyan at un ang dapat asahan nang ating mga kababayan na sasabihin ni Pangulong Arroyo kung SONA o SANA yan eh nasa sa kanya na yan. Subalit hindi pwedeng alisin sa panig o parte namin na nasa oposisyon na magbigay nang kontra-SONA na hindi lamang limitado sa pagbibigay nang puna sa kanyang sasabihin sa kanyang SONA, kung hindi dapat saklaw at kasama din ang pagbibigay nang alternatibo at suhestiyon kung ano ba dapat ang ginagawa nang administrasyon para harapin ang crisis na kasalukuyan nating hinaharap.

its almost predictable that she would say something about moves to amend the EVAT wouldn't that dampen your efforts any efforts to suspend or reduce the EVAT on oil?

the president is not my party-mate and I am not bound by any position that she might have on any issue, ibang usapin siguro pagdating sa kanyang mga kapartido dito man sa senado o sa kamara de representantes subalit sang-ayon sa ating saligang batas malayang dapat makapagdedesisyon ang mga mambabatas at kung hindi sang-ayon dito ang pangulo eh di i-veto nya pagdating sa kanya. Suablit ang hamon ko para sa mga mambabatas ditto man sa senado o sa kamara, dinggin ninyo ang sigaw at panawagan nang ating mga kababayan kaugnay nang pag-alis nang VAT at natitiyak ko na kapagka pinakinggan nyo lamang ito iisa lamang ang direksyon na dapat tahakin ninyo at yan ay patungo sa pag-alis, pag suspende, o pagpapababa man lamang nang VAT sa produktong petrolyo na sobra na ang pahirap at pabigat sa ating mga kababayan sa ngayon.

binabati ko si senador recto sa kanyang pagkaka-appoint without taking anything away from him hindi ko minamaliit ang kanyang kwalipikasyon, hindi lang talaga ako sang-ayon sa kanyang pagkakatalaga. Una dahil sa basic concept na hindi employment agency ang pamahalaan, hindi obligasyon nang sinumang nakaupo sa Malakanyang na bigyan nang trabaho ang nais nyang bigyan nang trabaho o walang trabaho. Pangalawa sa isang sensitibong ahensiya tulad nang NEDA maganda na rin sigurong career ang nakaupo dyan at hindi political appointee dahil na rin sa nakita natin sa ZTE maraming malalaking proyekto ang dumadaan sa NEDA at iba na rin ung may sariling isip at independent ang magiging pinuno nang NEDa upang sa gayon matiyak nating maipagtatanggol ang karapatan nang sambayanan. Pangatlo, sa usaping kaugnay nang VAT kung kanyang itatalaga sa NEDA ang may akda mismo nang VAT marahil pinakamaliwanag na senyales ito na wala talagang plano ang pangulo na alisin ang VAT sa mga panahong ito.

I don't want to raise our hopes here in the senate but I hope we will be pleasantly surprised na ung mga records nang NEDA ay bubuksan ni senador recto dahil na rin naman sya ay dating miyembro nang institusyong ito at dhail na rin naman naiintindihan nya kung bakit hinihiling ito nang senado at mga miyembro nang senado. Kung wala mang ganung uri nang pang-unawa si dating secretary Neri marahil mas malawak ang dapat asahan nating magiging pag-unawa ni senator recto kaugnay nang kahilingang ito nang senado na buksan ang records nang senado. I hope but im not expectant but nevertheless we wished to be pleasantly surprised in the coming days or weeks.

hindi ko alam at ayokong pangunahan ang mga kasamahan ko dito sa senado o sa kamara dahil hindi naman ako miyembro nang commission on appointments.

ano nakikita nyong future nang ZTE investigation�.

iisa lang naman ang nag-uurong-sulong na nagsasabing magtetestigo yan ay si dating Speaker De Venecia marahil un gang inaantabayan nang tatlong co-chair na nangunguna sa imbestigasyong ito. Sina senator roxas, cayetano at biazon. Decision nila kung saan, kelan at paano isasagawa ang susunod na hearing o kung tatapusin na nila ba yan o kung hindi na tetestigo si speaker de venecia.

kasama na ang northrail?

ibang imbestigasyon ang northrail alam ko may ibang resolusyon na isinampa at inihain sa senado kaugnay nang northrail na hiwalay dito sa ZTE.

KAPIHAN: do you really see speaker de venecia incriminating himself?

CHIZ: I honestly don't know. Matagal na sa pulitika si speaker de venecia at sa paninilbihan sa publiko. Alam na nya ang tama at mali, alam na nya kung ano ang dapat nyang gawin at hindi nya dapat gawin, kung ano ang pwede nyang gawin at di dapat gawin. Hindi para sa akin na mas bata sa kanya na pagsabihan sya kaugnay nang dapat at marapat nyang gawin at hinahanap nang tao mula sa kanya bilang isang public servant.

added to that siguro at a different angle do you see him testifying before the senate?

noong mga unang panahon na narinig ko na magtetestify daw sya. Sa totoo lang umasa ako at naniwala akong magte-testify nga sya. Subalit sa tinagal-tagal na rin nang panahon eh ayoko nang pigilan ang hininga ko sa kahihintay dahil baka hindi na ako makahinga. Maliban dun bagaman ang katotohanan ay walang hinihintay na panahon hindi rin naman dapat siguro pinag-hihintay nang ganung katagal.

On reproductive health bill�

sa reproductive health bill, pano ko ba sisimulan? Ang Simbahan may karapatang sabihin kung anong opinion at pananaw niya kaugnay sa isyung ito, dahil maliban s apagiging taong simbahan ang mga arsobispo, mamamayan pa din naman sila, Pilipino citizens na may karapatang ipaalam sa atin kung ano ang kanilan gopinyon patungkol sa anumang lehislasyon. Pangalawa hindi at wala sa interes ng bansa ngayon na mag-away at magbangayan ang Simbahan at gobyerno sa gitna ng krisis pang-ekonomiya at panglipunan na kinakaharap natin, siguro hindi tama sa ngayon na dagdagan pa natin ng away at bangayan pa sa pagitan ng gobyerno at ng simbahan. Pangatlo kung ako ang tatanungin kaugnay ng reproductive health bill, dapat imbes na population bill iprinisenta yan, dapat iprisinenta yan bilang isang affirmative action at right to information bill, hindi dapat panghimasukan ng pamahalaan o ng simbahan man kung ilang anak ang nais magkaroon an kada pamilya, subalit pagdating sa pagkakaroon ng impormasyon at pagbibigay ng impormasyon at kaalaman, dapat trabaho talaga ng gobyerno yan sa kanyang mga mamamayan, so nang walang kinakampihan kaugnay ng kanialgn mag pananaw sa populasyon, na dapat mabawasan ito o dapat patuloy na madagdagan ito, basta't may kaalaman at karunungan na ninanais na makuha ang sinomang pamlilyang Pilipino na may kinalaman man sa kanyang pamilya, sa kanyang kalusugan kaugnay sa kalikasan o may kinalaman sa gobyerno, obligasyon ito ng gobyerno na ituro o ibigay ito sa kanya.

Are you in favor of the two-child policy?

Pitong taon kaming naghintay ng misis ko bago kami nagkaanak, buti humabol at nagging dalawa agad at kambal, hindi para sa akin na limitahan, hindi ko pedeng hilingin na limitahan ang dami o anak ng isang pamilya dahil grasya palaging ibinibigay ng Diyos ang anak, at dahil nahirapan kami bago nagkaroon ng anak, hindi para sa akin ipagkait yan doon sa nagnanais.

Kung sino yung naghihirap siya pa yung maraming anak�

Kung kaya't marapat nga na turuan, kung kinakailangan at kung hinihiling nila turuan ng pamahalaan ng mga pamamaraan ng marahil hinahanap din nila subalit hindi dapat panghimasukan o diktahan ng pamahalaan kung hanggang ilan lamang, desisyon pa rin yon ng bawat pamilyang Pilipino kung ilan ang kanilang ninanais. Kugn kailangan silang turuan kung hindi mo rin naman kaya huwag na at tama na eh di ituro yon pero hindi mo pa rin pedeng diktahan at sabihan sila.ang mga ibang bansa sa Europa at Asya nagpatupad ng isang istriktong family planning at population control, ang resulta masyadong tumanda ang kanilang populasyon na sa ngayon medyo pinagbabayaran nila. Ayon sa isng mananaliksik yon ang isa sa mga dahilan kung bakit napakataas ng demand para sa OFWs sa Europa, sa Middle East at ibang parte ng Asya, dahil sa sobrang pagtanda ng kani-kanialng populasyon kinailangan na nila ng mga taong mas bata na gagawa ng ilan sa mga gawain na ayaw nang gawin ng kanialng mga mamamayan. Pagdumating tayo sa puntong yan hindi naman gayong kayaman ang Pilipinas at ang Pilipino para kumuha ng banyagang mga manggagawa na gagawa ng mga Gawain at trabahong yan tulad ng ginagawa ng mga Pilipino sa ibang bansa.

On reproductive bill, paano ito uusad?

Pagdatin sa plenaryo ng bill at hindi ko pa nakikita yung version ng komite ng bill, palagi kong isa-suggest na ito'y iliko, gaya nga ng nasabi ko, bilang isang affirmative action bill at right to information bill, dahil wala sa interes n gating bansa sa ngayon na magbangayan, mag-away ang simbahan at ang pamahalaan.

Iba yung pagbibigay ng contraceptives sa right ti information, ang pagkakaroon ng kaalaman ay iba sa aktuwal na pagkaakroon ng gamit para ipatupad yung kaalaman, subalit dapat Malaya at dapat may pondo ang local na pamahalaan man o nasyunal na pamahalaan na ipatupad at gawin kung ano man ang ninanais nila base sa kahilingan ng kanilang mga kababayan. Bagaman mahigit 90% tayong Katoliko merong porsiyento pa rin naman na hindi naniniwala sa katolisismo at marahil walang rehiyon, Pilipino pa rin naman sila at kung nais nilang malaman at matutuhan ang ilang mga pamamaraan obligasyon at trabaho pa rin ng pamahalaan na turuan sila at gabayan sila.

So para choice nila kung gagamit ng artificial contraceptives...

Dapat galangin yun ng gobyerno at kung ano man ang opinion at pananaw ng simbahan o relihiyon kaugnay non yan na ay sa pagitan niya, ng tao, at ng kanyang Diyos.

Bahagi din naman dapat sila at sinasabi din naman ng Simbahan, nabasa ko na sa ilang pahayagan, na ang information dissemination at pagtuturo sa mga Ktoliko kaugnay sa kanilang responsibilidad bilang mga magulang ay ginagawa naman din daw nila at wala akong rason para isiping hindi totoo yon at hindi nga nila ginagawa.

Pero kung maging uncompromising ang Simbahan mukhang matatag sila sa posisyon na only natural method...

Only natural method subalit pede nilang ipataw at i-insist lamang yon sa mga ktoliko bilang Simbahan pero sa panig at parte ng pamahalaan hindi naman puro Katoliko ang pinangungunahan at pinamumunuan ng pamahalaan kugn kaya't kung may nagnanais mang matuto ng pamamaraan labas sa isina-suggest at minimungkahi ng Simbahan, obligasyon pa rin ng gobyerno sa ilalim ng isang right to information bill na ituro yan sa kanila.

Yung nagsasabing lumalaki ang populasyon natin at hindi natin kaya silang pakainin, ang rason dyan hindi rin naman kasi nag-invest ang gobyerno para pakainin yung lumalaki nating populasyon, kung nag-invest tayo sa agriculture halimbawa, noon pa man, hindi naman natin kailangang harapin yung problema ngayon at maghahabol tayo kaugnay sa kakulangan sa pagkain. Ang problema sa pamahalaan, hindi lamang ito, pati ng mga nagdaan, hindi nagplano, hindi naghanda, hindi nag-invest sa ilan sa mga infrastructures gayundin sa mga pasilidad upang matugunan ang mga pangangailangan ng lumalaki nating populasyon. Nang hindi ka naghanda tapos sasabihin mo ngayon sobrang dami na natin, mali yata yon, kung naghanda ka at ginawa mo rin ang lahat pero kulang pa rin, doon ka magreklamo.

On Pichay to OWWA...

Hindi ko alam at mahirap magreact sa tsismis hanggat wala pa mahirap naman pangunahan ang isang bagay na hindi pa naman nangyayari.

Fomer Senator Oreta daw sa CHED...

Sa uulitin, tsismis pa lang, haka haka pa lamang sa ngayon at mahirap mag-react sa tsismis at haka haka.

Confirmed na daw sa Pichay sa OWWA...

Tatanggapin bad aw niya? Ang posisyon ko hindi magbabago kasi may mga ahensiya naman talaga ng pamahalaan na hindi dapat nasa kumpiyansya ng Pangulo kundi kumpiyansiya ng sambayanan. May mga ahensiya ng pamahalaan na technical expertise ang kailangan at hindi loyalty sa pangulong nakaupo, kapagka umuupo ang bagong pangulo mahigit 5,000 na puwesto ang pinupunuan niya, sa gobyerno man o sa GOCCs, sobrang dami nyan at dapat limitahan yan, dapat hanggang 70% allisin na sa appointing power ng president at hayaan natign career na ang manilbihan sa mga puwestong yan upang sa gayon magkaroon ng continuity ang mga programa ng pamahalaan.

Kabilang ang OWWA, NEDA, education, DOE, para sa akin ha, kung ako ang tatanungin, kabilang ang DOTC, DPWH dahil pangmatagalan at kinakailangan ng mas mataas na level at expertise ang mga ahensiyang yan.

May expertise daw si Pichay...

Hindi ko alam ang background niya (Pichay) pero natitiyak ko na mayroon din naman career na opisyal doon na sa palagay ko'y kayang gumanap sa tungkuling yan.

Are you in favor to the move to let CoA to open the books of oil companies...

Hindi pedeng gawin yon maliban na lamang kung aamendahan ang batas, hindi awtorisado at walang kapangyarihan ang Co Ana gawin yan dahil pridabong kumpanya. Ang nakakatakot pa dito baka magset ito ng masamang precedent, na kung may kumpanyang kagalit o hindi kasundo ang pamahalaan baka padalhan sila ng CoA para buksan ang kanilang mga libro. Sa ilalim ng Oil Deregulation Law Department of Energy ang may kapangyarihang gumawa ng audit nay an. As early as October in-announce na secretary Reyes na ia-audit daw nila yung oil companies pero hanggang ngayon tila wala akong nakita o narinig na resulta kaugnay sa audit na diumano ay gigagawa o gagawin ng Department of Energy.

Wala naman talaga dahil sa gitna ng krisis natin sa kuryente, sa gitna ng krisis pagdating sa langis at sa presyo ng langis, ang tila ginagawa lamang ng DoE ay magpromote ng bagong bumbilya, bagaman nakakatulong ito hindi ito sagot sa napakalawak na problema n gating bansa sa ngayon na may kinalaman sa enehiya.

The DoE claims it has been asking the SGV to audit the oil companies...

Last year pa nga nila nasabi yan pero wala pa akong nakitang resulta, ang energy ay isang technical na field at dapat siniseryoso at hindi dapat binabalewala, lalong mong babalewalain yan lalong lalaki ang problema natin. Nang hindi tinatawaran ang kapabilidad ni Secretary Reyes, pang-apat ng departamento ito, either sobrang galling na niya na nakakaapat na siyang departemento o hindi mahanap ni Pangulong Arroyo kung saan nga ba siya ilalagay. Pero sa dinami-dami ng dapat na pagpilian sana hindi department of energy dahil yon ang problema natin ngayon, sana hindi energy dahil teknikal yan at pangmatagalan ang mga plano at programa na dapat pinapatupad dyan at hindi yong panandalian lamang. Ang nakakalungkot pa minsan imbes na makatulong pang nagsisilbing tagapagsalita pa si Sec. reyes ng mag oil companies nang siya ay sumang-ayon na isang bagsak na lamang na P10 dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ang dapat nating gawin para da magising ang mga tao, matagal na pong gising secretary reyes ang mga tao, marahil ang dapat gisingin ang mga opisyal sa pamahalaan.

As of now he is not yet confirmed sa DoE.

Ano yung complication kugn CoA ang mag-aaudit?

Hindi authorized under the law ang CoA, CoA is a constitutional body whose mandate is specific, to audit agencies of the government, both the revenue side and the expenditure side, hindi authorized ang Co Ana mag-audit ng private firm, so kailangan mo muna ng batas bago magawa yan. Pangalawa kung gagawin natin yan sa mga oil companies bagaman galit tayo lahat sa mga oil companies baka masamang precedent yan kugn saan papadalhan na rin gobyerno ang CoA sa anumang pribadong kumpanya na maaaring hindi nito kasundo, o kagalit.

Sa corporation law daw may visitorial power ang CoA...

May visitorial power ang President through the Securities and Exchange Commission if at all but not through CoA.

Silently daw ang ginagawang audit ng DoE through SGV, can the Senate compel the DoE to submit the result...

the committee on energy of the senate should do that, ang problema sa silent audit nay an ng DoE sobrang silent at tila walang nakakaringi o nakakaramdam man lang. bakit ni hindi ang DoE ang nanghulit at nagsabi 'hoy sobra ng P1.50 yang tinaa ninyo, ibaba nyo nga yan,' kailangan pang makiusap ang si pangulong Arroyo bago yan magawa. At kung nakikiusap din naman ang presidente sa mga oil companies bakit hindi na lang payagan ng pangulo na amendahan ang oil deregulation law na sa panahon ng krisis dapat may kapangyarihan ang pangulo, anumang ahensiya ng pamahalaan na panghimasukan ang pagppresyo ng mga oil companies, ang nakakatakot kasi sa pakiusap pag pinagbigyan baka may hilingin pang kapalit ang oil companies, pag hindi pinagbigyan baka naman personalin ng pangulong humuhiling ng pabor sa kanila. At ang oil deregulation law ay isang nang matagal na batas na hindi tumupad na pangako sa ting mga kababayan. Ang pangako ng oil deregulation law at bababa ang presyo ng langis. Nang ipinasa ang oil deregulation law P20 kada litro ang presyo ng langis, ngayon times 3 na P60.

Or at least amendahan ang batas sa mag sitwasyong tulad nito may kapangyarihan ang gobyerno na manghimasok at magregulate, hindi naman kailangang permanente at pangmatagalan ang regulasyon, pero dapat maisingit ang probisyon na imbes na pakiusap pedeng orderan ng pangulo ang mag kumpanya ng langis.

It is a fact that diesel is indeed price higher than gasoline in the world market.

I don't want to be a prophet of doom at hindi rin naman ako manghuhula subalit nakikita natin sa pandaigdigang merkado ang isang malawakang market failure kung saan yong batas ng law of supply and demand eh tila hindi nasusunod, bagaman supisyente ang suplay pataas pa rin ng pataas ang presyo, bagaman bumababa ang demand pataas pa rin ng pataas ang presyo, sa mga pagkakataong tulad nito na may market failure, marapat at dapat lang na manghimasok at pumasok ang pamahalaan upang maiwasto bagaman pansamantala ang market failre na ito.

On ARMM elections..

tutol ako sa pagpostpone ng ARMM elections, una kailangan gn batas bago magawa yan at hindi kailangan dikta lamang ng pangulo. Pangalawa ang Comelec na mismo ay tutol sa pagpapaliban ng ARMM election. Pangatlo kung ito ay dahil sa pakiusap ng OIC at ng MILF hindi ko Makita ang rason kung bakit. Sa halalan lamang nagpapantay-pantay ang bawat Pilipino, particular sa ARMM, pati ba naman yan ay kukunin at babawiin sa kanila. Papaano magreresulta sa digmaan ang isang mapayapang election at pagpili ng mga lider n gating mga kababayan sa ARMM. Hindi ko Makita ang rason at logic doon. Maliban dyan sa mga nagdaang panahon ilang beses nang napostpone ang ARMM election, rason yan kung bakit may instability sa lugar nay an. Kung matutuloy ang election ngayon stability ang maidudulot nyan sa rehiyon at pangalawa kung sakasakaling manalo ang mga lamang ngayon sa ARMM ngayon pa lamang siguro ay may marereelect na ARMM opisyal na magbibigay pa rin ng stability sa lugar na yan. Para sa akin kung dadaan din lamang yan sa Kongreso sa aking abot na makakaya tututulan ko yan dahil hindi ako sang-ayon sa pagpapaliban ng election, pagkitil, pagbawi at pag-alis ng karapatan sa ating mga kababayan na piliin kung sino ang magiging lider.

Ano ang sentiments ng majority?

hindi ko alam kung ano ang sentiment ng aking mga kasamahan, pero August 11 na yan, ipo-postpone mo pa ba yan pagkatapos mangampanya ng mga kumakandidato doon kung sino man sila. Bakit mo ipo-postpone eh noong binoto sila ng mga taga ARMM noon ang intinde nila ang termino at hanggang August 11 lamang at magkakaroon ng election sa August 11. parang niloko mo ang taing mga kababayan na sumali sa halalan noong sa pagboto ng ARMM officials kung papahabain mo rin naman ang termino nila.

On computerization of election...

Tila maganda yung pilot test na isinasagawa ng Comelec sa computerization at parang yung mga nagnanais na ma-postpone ito eh takot talaga sa computerization. Bakit hindi nila hayaang magawa at Makita natin kugn uubra nga ba o hindi at nang sa lalong madaling panahon magawa nay an sa mas maraming area maski na hindi pa sa buong Pilipinas sa darating na election.

Sa abot naming makakaya tututulan naming ang panukalang batas nay an o joint resolution na yan na nagpapaliban sa ARMM election.

Dadalo ba kayo ng SONA...

Oo, tulad nang nasabi ko 7 years na tayong nagtiis na makinog sa SONA ng Pangulo ano ba naman yung 2 years na pagtitiis na lamang. Pangalawa noong ako ay minority leader nagbibigay kami palagi ng kontra SONA, ito ay pagkakataon para doon mismo mapakinggan at makasagot at magbigay ng panig ang opposition kaugnay sa mga sinabi at hindi sinabi ng Pangulo sa kanyang SONA.

News Latest News Feed