Press Release
July 8, 2008

Transcript of Senator Mar Roxas' interview on ABS-CBN's 'Umagang Kay Ganda'

On the proposal to suspend the value-added tax (VAT) on oil:

Q: Kailangan bang alisin talaga ang VAT sa langis, o pansamantala lamang?

MAR: Pansamantalang tanggalin ang produktong petrolyo mula sa VAT. This is 12% na binabayaran natin. Ibig sabihin nito, ang gobyerno mismo ay naka-angkas sa pagtaas ng presyo. Lumalaki ang koleksyon ng gobyerno habang tumataas ang presyo ng langis. Naaalala natin na noong ipinataw yung VAT, $30 per barrel, kaya ekspektasyon ng gobyerno, 12% on $30 o $3.60. E ngayon nasa $140 na. More than four times ang pagtaas. Ang nakokolekta ngayon ng gobyerno ay $16.80 per barrel. Wala naman ito sa plano niya, wala naman ito sa forecast o kalkulasyon niya. Apaw-apaw na ang koleksyon ng gobyerno, kaya sabi ko, panahon na, ibalik na sa tao yung kanilang pera.

Hindi ito pera ng gobyerno, dapat hindi ipagdamot ito ng gobyerno. Pera ng mamamayan ito, at kung ibalik natin, ang tulong ay mga P6 per liter of diesel, at mga P66 per LPG tank. Ibabalik sa tao iyan, at hindi naman mawawala ang pera sa gobyerno, kasi paggastos natin ng perang ito, may bagong VAT na kokolektahin. Palagay ko napapanahon na repasuhin ng gobyerno yung kanyang policy at tanggalin natin yung VAT sa produktong petrolyo.

Q: Palaging sinasabi ng gobyerno na anti-poor ang panukala na ito.

MAR: Mali iyan. Ang anti dito, kung tatanggalin yung VAT, ay anti-pulitika ng Malacañang. Kasi gusto ng Malacañang, kukunin niya yung pera tapos siya na yung magbibigay. May pulitika iyan, may leakage iyan, at hindi naman lahat iyan maibabalik sa atin. Para sa akin, mas mabuti na maiwan ang pera sa bulsa, maiwan sa kamay ng ating mga kababayan.

Q: Ano ang tingin niyo sa pahayag ng gobyerno na babagsak ang ekonomiya kapag tinanggal ito?

MAR: Talagang mahirap ang sitwasyon ngayon, pero hindi babagsak ang ekonomiya. In fact, tutulong ito. Ang problema natin ngayon ay kakulangan sa pagbayad sa ating mga kababayan. Kung ang pera na ito ay ibabalik sa ating mga kababayan, sila rin gagastos, ganoon din, iikot din ito sa ekonomiya. Yung mawawala sa gobyerno na sinasabi nila, nagkaroon kami ng hearing sa Senado. Yung sinabi ng DoF ang mawawala is about P20 billion. At hindi kasama diyan yung makokolekta ng gobyerno mula sa ating paggastos nito. Siguro kalahati lang mawawala, P10 billion. Kayang-kaya ito, at si Juan de la Cruz ang gagastos sa pera niya.

Q: Paano ba yung proseso ng pag-suspinde ng VAT?

MAR: Dapat talagang amyendahan ang batas. Kami sa Senado, ginagawa na namin ang lahat, nag-hearing na si Senador Chiz Escudero sa ating panukala, kasi pinanukala natin ito, at handa na, nakasalang na ang committee report nito, at inaantay namin ang aksyon ng House. Kasi tax measure ito, kailangang manggaling sa House. At alam naman natin na sa House, kung ano ang senyales ng Malacañang, iyan ang masusunod. So inaantay talaga natin dito yung pagmulat mata ng mga nasa Malacañang na hindi ito makakasama. In fact, makakatulong ito sa ating mga kababayan at sa ating ekonomiya.

Q: Ano ba ang pwede nating gawin bilang mamamayan?

MAR: Siguro i-text natin ang ating mga kinatawan, ang ating mga kongresista, i-text natin lahat ng kilala natin, sabihin na dapat tanggalin ang VAT sa produktong petrolyo. Malaking pera ito, P6 per liter ng diesel, iikot iyan sa ekonomiya natin. P66 per LPG tank, at lahat itong paggastos natin, mayroong VAT diyan na babalik din sa gobyerno.

News Latest News Feed