Press Release
June 23, 2008

STATEMENT OF SEN. LITO LAPID ON TYPHOON FRANK AND SEA TRAGEDY

Nakakalungkot na daan-daan na namang buhay ang nawala at libu-libong pamilya ang mga nasalanta ng bagyong si Frank. Taus-puso ang aking pakikiramay sa mga naiwanan ng mga nasawi sa lumubog na barko ng Sulpicio Lines gayundin sa iba pang mga nawalan ng buhay sanhi ng bagyo.

Kaisa ako sa layunin ng mga kasamahan kong senador sa pagbibigay ng karagdagang ayuda sa Pagasa upang maisa-moderno nito ang kanilang mga kagamitan, ng sa gayo'y maibigay nila sa publiko ang tamang paalala at mabilisang babala kapag may dumarating na bagyo at kalamidad.

Dahil na rin sa naging karanasan namin sa Pampanga ng pumutok ang bulkang Pinatubo, nararapat rin na ang bawat Disaster Coordinating Center sa bawat bayan at probinsya ay mabigyan din ng kaukulang suporta at mapag-ibayo pa nito ang kanilang mga kaalalaman sa pagliligtas ng buhay at ari-arian ng ating mga kababayan, sa tulong na rin n gating pamahalaan.

News Latest News Feed