Press Release
June 6, 2008

Transcript of Senator Mar Roxas' press briefing after consultation with labor sector June 5, 2008 with former senator and TUCP Sec-Gen Ernesto Herrera

On the enactment of the Affordable Medicines Act tomorrow, June 6:

MAR: Ikinatutuwa namin na malalagdaan bukas ang Cheaper Medicines Bill. Ito'y simula ng ating pagsisikap para mabenepisyohan ang ating mga kababayan agad-agad nitong batas na ito. Kausap natin ang labor leaders na nandito ngayon at binigyan natin sila ng impormasyon, ng datos at mga pamamaraan para sila na mismo ang maaaring mag-order o kaya mag-angkat sa pamamagitan ng parallel importation nitong mga gamot na ito na siyang pinaka-kinakailangan ng kanilang mga miyembro.

Sa pamamagitan ng kanilang mga organisasyon malalaman nila kung ano ang mga maintenance medicine, ano ang mga gamot na pinaka-iniinom ng kanilang mga miyembro. Ito'y malilista nila, at either sila mismo o sa pamamagitan ng PITC na ahensiya ng gobyerno, makakapag-order sila nitong mga mas abot-kayang presyong gamot, at sa ganoong paraan, makakabenepisyo agad ang ating mga kababayan. Itong mga hakbang na isinasagawa natin para maisakatuparan yung pangarap natin na ang mas abot-kayang presyong gamot ay makarating sa ating mga kababayan.

Itong pag-uusap na ito ay para malaman ng liderato ng labor movements dito sa ating bansa na magiging batas na nga itong Cheaper Medicines Bill na ipinaglaban nating lahat nang halos isang dekada na. Ngayong maisasabatas na ito, isang probisyong nakapaloob dito ay yung pagpapahintulot ng parallel importation.

Sa ngayon, ang nagpa-parallel importation lamang ay itong ahensiya na sinimulan ko noong nasa DTI ako, ang PITC. Pero ngayon, maaari na ang TUCP mismo o ang Alliance of Sugar Workers mismo o ang Alliance of Independent Union of Hotel and Restaurant Workers mismo. Ang bawat unyon, ang bawat pederasyon ay maaari na sila na mismo ang mag-angkat ng mga gamot na ito para rekta na nilang maipaabot ito sa kanilang mga miyembro

Q: What's the mechanism? Saan sila dadaan?

MAR: Kung sila mismo ang mag-i-import, kailangan nilang mag-rehistro sa BFAD kasi lahat ng importasyon ay dapat dumaan sa BFAD. Iyan ay para makasiguro tayo na ligtas ang mga gamot na ito. Ngayon, kapag nakarehistro na sila sa BFAD, maaari na kumausap na sila ng mga consolidator o manufacturer o isang supplier ng mga gamot na ito, at kung sa akala nila ay maganda ang presyo nito, rekta na nilang i-angkat ang mga gamot na ito at ipamahagi na nila sa kanilang mga miyembro.

Ngayon, dahil pasimula pa lang ito, kung maliit pa lang ang kanilang mga orders, maaari rin na ang kantidad ng kanilang mga order ay dadalhin nila sa PITC at ang PITC sa ngayon ang maaaring mag-import muna. At nang sa ganoon, makarating na kaagad ang mga gamot na ito, at pag lumaki na ang kanilang mga orders, doon na sila magsimula ng sarili nilang pag-angkat.

Itong unang mga pag-import na ito, ang mga unyon mismo ang maaaring pumondo nito. Mayroon namang union funds at mayroon namang tulong mula sa DOLE sa ating mga unyon. So meron namang kapital na gagamitin para sa pangunahing importasyon. Ngayon, pag pumasok na ang mga CBA, maaari na maging isang hihilingin nito ng labor sector as a non-wage benefit, na ang gamot ng kanilang mga trabahador ay maaaring bilhin na ng kanilang kumpanya.

Hindi naman ito cash-out dahil bibilhin naman ito sa kanila ng kanilang mga manggagawa. Pero ang kumpanya na ang mag-consolidate ng order, ang kumpanya na ang makipag-usap sa PITC o kaya mag-angkat, at sa ganoong paraan makikinabang ang mga manggagawa sa mas abot-kayang presyo ng mga gamot.

Q: May restriction ba sa quantity?

MAR: Wala, walang restriction.

Q: Paano yung import taxes?

MAR: Sa ngayon, yung ini-import ng PITC na nakikita nating talagang ang laki ng agwat sa lokal, lahat iyan ay fully-paid both ang tariff at ang VAT. Ang agwat sa presyo, dahil sobrang laki kahit fully-paid ka sa tariff at sa VAT, malaki pa rin ang magiging savings. Ang Norvasc, halimbawa, dito sa atin ay P45 ang isang tableta, maaaring bilhin iyan ng P5 sa ibang bansa. At bayaran mo na ang tariff, bayaran mo na ang VAT, doblehin mo pa iyan, gawin mong P10 per tablet, malaki pa rin ang savings, P10 versus P45.

Q: Kung dadaan sa PITC baka lumaki pa gastos?

MAR: Dapat hindi, baka ang PITC naman ngayon ang iimbistigahan kung bakit nila pinagkakakitaan ang bagay na ito na government service dapat. Ang dapat naman lamang sa PITC ay recovery of cost, up to and including administrative and other such cost. Hindi naman dapat na kumita sila kasi hindi naman sila pangkaraniwan na commercial enterprise.

Q: Are they prepared to do this?

Sen. Herrera: Iyon ang dahilan why we are here, because we would like to know kung ano ang mga procedure, kung ano ang kailangan so that we can take advantage nitong Cheaper Medicine Bill that will become a law tomorrow. As I understand, it will be signed tomorrow by the President. Ang kailangan namin, walang delay, so we can take advantage of this. Ang katotohanan diyan, matagal na namin itong hinihintay. That is why we're very thankful to Sen. Mar Roxas here for sponsoring this bill. We are so thankful that through his initiative, kahit hindi pa napirmahan ang bill, mayroon nang preparatory meetings with the PITC in order that we can start immediately the importation of cheap medicine.

Q: Ano po ang klase ng mga gamot na kailangan ng laborers?

Sen. Herrera: Marami iyon eh. Alam mo, I understand, ang statistic diyan 40% ng mga Filipino ay may sakit sa diabetes. So ang medisina kailangan natin diyan. Yung sa high blood, yung Norvasc, yung mga maintenance medicines siguro ang i-una natin. After that, we'll go to other medicines. Yung tanong earlier, may pera ba ang unyon? Ay siguro kung hindi lang kailangan na milyon-milyon ay may pera ang unyon. At ang manggagawa, right now, they are forced to buy yung mahal na medisina, they are only too willing to contribute na makabili ng cheap medicines. So malaking bagay ito sa amin. Pumupunta tayo sa mga sektor dahil sila, hindi naman nila lolokohin ang kanilang mga miyembro, kung hindi, mawawalan sila ng kredibilidad sa mga miyembro nila.

Q: Pag hindi naman ba bumaba ang presyo ng gamot?

Sen. Herrera: Kung mayroong problema sa implementation ng batas, problema na iyan sa executive department, hindi sa legislature.

MAR: Dagdag ko lang, kung sila mismo bumibili nang mas mura, eh diba iyan ang pinaka-patunay na maaaring makinabang sa mas abot-kayang presyo?

Q: Is it simple?

MAR: The simple answer is yes. I don't know if it's just as simple as showing a piece of paper to Customs. But the answer is, under the law, any private individual, duly-registered with BFAD for the safety of the medicines, can be an importer of these medicines. Any business, any individual, any group, corporation, association. Kahit sino. Kaya sinisimulan natin dito sa mga organisadong sektor na, kasi para sa kanila, mas malaki ang kanilang mai-o-order. Mahirap naman kasi kung isang indibidwal, darating ka sa isang bansa na wala kang kakilala, mag-o-order ka ng 100 tableta, baka hindi ka pansinin ng mga manufacturer doon. Pero that's a function of the market. But the short answer, under the law, anybody can do that.

Q: Will BFAD probe into the quantity?

MAR: BFAD should not care to whom you're selling it, or what purpose. BFAD will only care about two things. One, do you have the security and the product audit trail para makasiguro tayo na magmula sa importasyon hanggang sa destinasyon hindi mapapasukan ng peke iyan. And number two, ano ba ang sampol, sino ba ang kausap ninyo at ano ang sample ng produkto ninyo para ma-testing namin. Iyon lang ang sa BFAD.

Pagka pumasa doon, you now do your commercial, walang pakialam ang BFAD kung magkano iyan, you now bring it in. Pagdating niyan, kukuha muli ng sample ang BFAD. Kasi gusto nilang malaman kung ang sample na binigay ninyo iyon din ang dumating. Tetestingin iyan. Pagka-testing, ibenta mo na iyan o ipamahagi mo na iyan sa asosasyon ninyo.

On the Pre-Need Code:

MAR: Ikinatutuwa ko rin na kahapon, ipinasa ng Senado yung Senate version ng Pre-Need Code. Inaasahan na nadagdagan na talaga, napatibay natin ang proteksyon para sa mga magulang, lalong-lalo na sa mga bumibili ng mga education plans. Napakaraming halimbawa, daang-libo ang pamilya na talagang nasaktan sa katiwalian na nangyari noong nakaraan. Hindi natugunan ang mga pangako na magkaroon ng tuition para sa kanilang mga anak. Sa ngayon, sa bagong Pre-Need Code, palagay ko, hindi na mauulit ito.

Q: Ano ang mga salient points ng Pre-Need Code?

MAR: Ang salient points sa Pre-Need Code ay, una, nagkaroon ng prudential measures. In the old Securities Regulation Code, the regulation on pre-need was one paragraph. Now we're up to 40 pages. Talagang nilista what are the securities that a trust fund can invest in. Number one, sa bawat bayad ng isang bumili ng plano, sa bawat premium payment, anong porsyento ang dapat ipasok sa trust fund. Malinaw na malinaw iyan.

Sa mga direktor at officer na may ari ng mga pre-need company, kailangan wala silang kakone-koneksyon, direct or indirect, doon sa mga magma-manage ng trust fund. Hindi katulad dati na, ang may ari ng CAP, sila rin ang may-ari o may interes doon sa trust fund department ng bangko na nagma-manage ng trust fund ng kumpanya.

Ito yung mga halimbawa ng mga prohibitions, mga prudential measures na nilagay natin sa Pre-Need Code. May probisyon doon na kung ano ang expected na babayaran ng pre-need company, kung ano yung obligations niya in the coming year, halimbawa, mga tuition, the year before, kailangan nasa cash na iyan, para hindi yung naghahagilap, hindi yung kailangan mag-fire sale, o kung ano pa. Iyon ang tawag na liquidity fund, kailangan nasa cash na iyan para makasiguro na may pambayad doon sa mga pangako na isinagawa.

Mayroong probisyon doon, hindi maaari magbayad ng dibidendo ang kumpanya kung mayroong impairment ang trust fund. Ibig sabihin, bago nila bayaran ang mga sarili nila sa pamamagitan ng dibidendo, punuin muna nila yung trust fund. Kase diyan nagmumula ang pambayad sa mga bumili ng plano.

Ito yung mga halimbawa na ipinasok natin diyan para mas makasiguro tayo na hindi mauulit ito. Of course, kung talagang may fraud iyan, kung mayroon talagang pagkokontsaba iyan, babantayin natin iyan, pero hinigpitan natin ang regulation.

On a possible reinvestigation of the fertilizer fund scam:

MAR: Mahalaga na malaman natin kung ano talaga nangyari doon sa fertilizer scam, lalo na ngayon, madami na naman tayong gastos sa fertilizer. Ito ay isang dahilan kung bakit nagrereklamo ang ating mga kababayan. Bayad sila ng bayad ng matataas na buwis, pero hindi naman ito napupunta sa mga proyekto na siyang kinakailangan nila.

Technically, there is not going to be a resumption of the fertilizer scam investigation, because that was closed. Senator Jun Magsaysay, as committee chair, already wrote a committee report on that. That was conducted by the committee on agriculture. So it will be a new investigation, if any.

Mahalaga na malaman natin kung ano yung view ni Joc-Joc Bolante. This could be one hearing, five hearings, ten hearings, so hindi natin alam. Ang pinaka-importante rito ay, ano ba ang hakbang ng Ombudsman? Hanggang sa ngayon, wala pang kaso ang Ombudsman.

Natapos na yung imbestigasyon ni senator Jun Magsaysay sa committee on agriculture. Nakalista na roon yung mga kasalanan na isinagawa dito sa fertilizer scam na ito, pero hanggang ngayon, apat na taon na ata ang nakalipas, wala pa ring aksyon ang Ombudsman. Okey yung investigation in aid of legislation, pero mas mahalaga yung prosecution.

Q: Senator Angara suggested that to prevent a repeat of the scam, for the fertilizer money to be given directly to governors.

MAR: I think in some places, very well-developed yung DA extension program and farmers' organizations. Siguro iyon ang pinakamagandang gamitin.. There are other places na hindi developed, maybe other mechanisms can be used. The point is, dito sa pamamahagi ng fertilizer support, it can not be 'one size fits all,' dahilan sa yung farmers organizations, yung agriculture extension is not the same all over.

Maaari na ang sagot ay paraanin sa mga LGU. Maaari na ang sagot ay paraanin sa DA. Maaari na ang sagot ay paraanin sa mga farmers' associations. Ang pinakamahalaga rito ay ang fertilizer na dati-rati P300 per bag, ngayon ay nasa P1,500. Supposed to be 6-8 bags per hectare ang ginagamit. Swerte kung 1-2 bags ang magagamit ngayon. In fact, I think the average is just 2 bags per hectare nationwide. So kulang na kulang ang fertilizer. Iyan ang dahilan kung bakit kulang na kulang yung aanihin na volume.

Sa bawat maitutulong natin sa ating mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbaba ng presyo ng fertilizer, malaking tulong ito. By the way, kung P1,500 per farmer, ang equivalent n'on is 1 bag of fertilizer. Walang saysay iyon.

News Latest News Feed