Press Release
June 6, 2008

Transcript of Interview of Senator Mar Roxas on DZMM's Dos por Dos

On the need for giving additional 'emergency powers' to the President:

MAR: Palagay ko hindi naman kailangang magkaroon ng emergency powers. Lahat naman ng kapangyarihan ay nandiyan na sa tanggapan ng Pangulo. Ang kontrol over P1.2 trillion na budget ay nasa sa kanila na. Ang mga batas, tulad ng Price Act para sa mga kalamidad o sakuna ay nasa sa kanila na. So, hindi na kailangan na bigyan pa ng emergency powers.

Q: Maliwanag naman po na pinapahintulutan iyan ng ating Konstitusyon, tama po ba?

MAR: Sang-ayon sa ating Konstitusyon, mayroong mga powers ang tanggapan ng Pangulo, halimbawa, in times of war, na mag-take over ng kahit anong negosyo na nag-o-operate. Halimbawa, ng public utilities. Lahat ng negosyo na mayroong prangkisa o humihingi ng prangkisa sa pamahalaan ay maaaring ma-take over in times of war. Ang kasalukuyang sitwasyon natin ngayon, kung iyon ba ay katumbas ng 'times of war,' ay malinaw na hindi.

Q: What are the problems of the declaration of a national emergency and a taking over of public utilities?

MAR: Malaking disadvantage iyan. Unang-una, alam naman nating lahat na ang isa sa pinaka-inefficient--ibig sabihin, ang hindi mahusay magpatakbo dito sa bansa natin�ay ang gobyerno natin mismo. Lahat ng hinawakan ng gobyerno ay palpak. At iyan nga ang dahilan kung bakit pina-privatize ito. Iyan din ang dahilan kung bakit ipa-privatize din ang Napocor, sang-ayon sa EPIRA, because yung singil ng Napocor, yung mga pangungurakot sa pagbili ng coal at iba pa, ay litaw na litaw. Yung fertilizer scam, isang halimbawa iyan.

Yung paghawak lamang ng gobyerno sa anumang gawain ay hindi naging maganda ang pamamalakad. Yung sa tubig, prinivatize iyan, gumanda yung serbisyo. Naging abot-kaya ang presyo. Yung sa airline, ganoon din. Yung sa PNB, ngayon gumaganda, hindi na nababangkarote, prinavatize iyan. Lahat itong mga negosyo ng gobyerno dati ay talagang humina.

Q: Who's to say whether emergency powers are needed?

MAR: Yang national emergency, malaking sakuna talaga iyan, hindi yung katulad ng sitwasyon natin eh. Halimabawa dito sa langis, mayroong kapangyarihan ang gobyerno na uriratin ang libro ng mga oil companies na iyan. Talaga bang pinagsamantalahan ba tayo o hindi? Ginamit ba itong probisyon na ito o hindi? Hindi na kailangan ng emergency powers. Gamitin na lamang ang kapangyarihan ng batas.

Q: Sa ngayon po ba hindi iyan ginagawa ng gobyerno?

MAR: Wala pang sagot eh hindi ba? Bakit natin tinatanong iyan? Na gamitin ang probisyon na nakapaloob sa Oil Deregulation Law? Ngayon, kung dine-regulate ang oil industry, naglagay ang mga mambabatas ng probisyon noon na pwedeng uriratin, pwedeng buksan, pwedeng hingin lahat ng invoice, transaksyon, lahat pwedeng buksan ang libro ng mga kumpanyang ito para makasiguro tayong hindi tayo pinagsasamantalahan.

Q: Baka sabihin ng iba na kailangan ng bagong batas para malusutan ang krisis natin ngayon?

MAR: Ang batas, hindi naman nagbubunga ng mali ito eh. Ang importante dito ay yung mga probisyon na, sa kasalukuyang batas, ay gamitin natin. Simpleng simple. Masagot ba nila ngayon, itong binebenta ngayon sa mga oil importer, kasi yung ini-import na ay yung finished product na, whether it is unleaded, or diesel or kahit kerosene, finished product na binibili iyan. Magkano binili ito? Magkano transportasyon? Kailan nag-landing iyan? Ilan dito ang pinaglagyan niyan? Gaano nagtagal iyan sa depot? Saan napunta iyan? Nasa gasolinahan na ba iyan? Ilan ang nabenta ng produktong iyan? Masasagot ba iyan? Sigurado akong hindi masasagot iyan. Bakit? Eh hindi pa binubuklat ang mga libro niyan eh. Hindi ginagamit ang mga kasangkapan na nakapaloob na sa batas ngayon.

Q: Dito sa atin, ang langis ay P54-P55 kada litro na.

MAR: Maaari na nasa buwis. Tanggalan mo12% ang gasolina, tanggalan mo ng 5-6 pesos. Mataas pa rin.

Q: Mataas pa rin?

MAR: Kaya nga, yun nga ang sinasabi ko na buklatin natin ang libro nila eh. Alamin natin kung ano ang mga taxes doon, ano ang mga taxes dito? Ano ang mga costs nila doon at ano ang costs natin dito? Hindi ko sinasabi na tama ang ginagawa ng oil companies, ang sinasabi ko siguraduhin natin na hindi tayo pinagsasamantalahan. At mayroon tayong kasangkapan. Kumbaga sa tool box, mayroon taong screwdriver, mayroon tayong lagari. Bakit hindi natin gamitin?

Q: Pwede po bang sabihin niyo iyan sa Pangulo pag nagkita kayo ngayon?

MAR: Babanggitin ko. Iyan naman talaga, matagal na natin yang minumungkahi. Iyan ang dahilan kung bakit sinasabi nating tanggalin natin ang VAT sa prouktong petrolyo. Pero ino-objectionan nila ito.

Noong ipinataw itong VAT na ito, $30 ang langis. Ang ine-expect lamang ng gobyerno ay 12% on $30. Eh ngayon ang lagay nasa $120-130 per barrel. So sobra-sobra na, umaapaw na ang nakokolekta ng gobyerno na dati, hindi natin inaasahan. Ngayon, ang hinihingi natin, ibalik natin sa tao iyan. Wala naman sa projections nila iyan eh. Noong ipinataw itong VAT noong 2005, wala namang nagsasabi na papatak ng 60, 100 dollars ang langis. Ang point ko is, ngayon, sobra-sobra ang nakokolekta ng gobyerno, ibalik natin sa tao, ibalik natin sa mga misis. That is equivalent to 60 pesos per LPG tank, and 5 pesos per liter.

On the signing of the Affordable Medicines Act:

MAR: Ngayon nga po lalagdaan ng Pangulo yung Cheaper Medicines Bill. At nais kong ipaabot sa ating mga kababayan, hindi ito katapusan ng ating laban. Ito yung pagsimula ng laban. Dahil sa ngayon, mayroon na tayong sandata, mayroon na tayong kapangyarihan para magkaroon ng kompetisyon, itong talagang abusong kumikita dito sa ating bansa. Itong mga pharmaceutical companies na ito, malaki ang kita dito sa ating bansa. At talagang hahadlangan nila ito, gagawin nila ito para hindi maisakatuparan, hindi magtagumpay itong batas na ito. Pero itutuloy natin ang laban sa pagsulat ng IRR, babantayan natin iyan. Para walang comma o ni isang salita ay mailagay diyan na makakalusaw sa bisa nitong batas na ito.

News Latest News Feed