Press Release
May 13, 2008

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero

On tax exemption bill...

Tapos na ang mga hearing ng committee on ways and means tungkol sa extension hindi lamang ng mga minimum wage earners, pero sang-ayon din sa panukala ng Kamara yung kumikita ng hanggang P50,000, kasama ang kanyang asawa at may extension para sa kada dependent ng P25,000, layunin ng panukalang batas na ito mapataasan ang take-home pay ng ating mga kababayan para may pantustos sila sa pagtaas ng mga pangunahing bilihin. Inaasahan namin na sa loob ng linggong ito ay masa-submit na naming ang committee report for plenary debate and discussion at sana matapos at matutukan ito ng senado hanggang sa darating na lingo para hindi na magtagal at mabigyan na natin ng tulong at ayuda ang ating mga kababayan.

Ano ang difference sa House version...

Sinabi na naming noon na hindi kami papayag sa panibagong buwis na ipapataw ng administrasyong ito dahil efficiency ang dapat I-improve, discretion ang dapat alisin para mabawasan ang corruption sa mga ahensiya na nangongolekta ng revenue. Hindi namain papayagan ang SNIT na isiningit sa Kamara de Representantes bagkus ang iaalok ng committee on ways and means ay 40 percent OSD or optional standard deduction hindi lamang sa mga kumpanya pati na rin sa mga individual taxpayers. Objective ng 40 perecnt OSD bababain ang discretion ng BIR at bigyan ng mas malawak na latitude kung saka-sakali ang mga taxpayers natin at sa computation ng STSRO ng Senado positibo pa ang makukuha ng senado maski na matapos taasan pa natin ang exemption.

Ang SNITS ang kondisyon ng DOF...

Parang yun (SNITS) ang kanilang panukli, pero panibagong buwis pa rin yon kasi may increase sa tax base at tinataasan yung babayaran at kukunin yung mawawala sa minimum wage earners mula sa professionals at self-employed. Para sa amin yung pagpapaganda ng collection sa pamamagitan ng 40-percent OSD at mas efficient na collection sa pamamagitan ng mekanismong yan mas matutulungan ang BIR na makakolekta nang mas malaki ng hindi kailangang dagdagan ang buwis. At ito ang posisyon naming noon pa.

Mao-offset ba nito ang effect ng price increase...

Kulang pa rin dahil ang minimum wage dati ng mababa at kulang. Ayon sa Department of Labor mismo ang standard of living halimbawa sa Metro Manila ay P852 a day, yan ay patungkol sa living wage na sinasabi sa ting Saligang Batas, kanya nga lang ang depinisyon nila kada pamilya daw ay dalawa ang nagtatrabaho, pero maski na sabihin natin na dalawa ang nagtatrabaho yung P362 na minimum wage kahit na doblehin mo pa ay hindi pa rin aabot sa P852 na siyang living wage para ditto sa Metro Manila. So klarong kulang yung sinusuweldo ng ating mga manggagawa na nasa minimum level.

On senate version of exemption bill...

Hopefully malagay naming sa plenary yung exemption bill tomorrow at the earliest, at the latest Monday para magsimula na agad ang debate kaugnay nito. Nako-coordinate din kami closely sa House of Representatives at sa DOF para wala nang masyadong kuskos-balungos at hindi na masyadong tumagal sa bicameral conference committee kung dumating man don at sa lalong madaling panahon maibigay na natin ito sa ating mga kababayan. Hopefully next week we'll be done with it. Nakausap ko na rin si SP kung kailanagng I-OT next week, I-OT next week.

Yung nakalagay basically sa bill, P50,000 income mo, P50,000 income ng asawa mo, plus P25,000 additional exemption per child, up to four. Kung ikaw minimum wage earner ka, exempted ka na hindi ka magbabayad ng buwis. Kung ikaw minimum wage earner ka at wala kang anak, exempted ka pa rin. Kung single ka exempted ka pa rin sa ilalim ng proposal. Ngayon yung exemption tinaas, P50,000 plus P25,000 per dependent na nanggaling sa P8,000, so ang exemption mo nasa P200,000, so kung ang kinikita mo sa isang taon hindi aabot ng P200,000 at apat ang anak mo wala kang babayarang buwis. Isa-isahin natin ha, kung individual ka at minimum wage earner ka exempted ka, kung individual ka at hindi ka minimum wage earner at wala kang anak ang exemption mo P50,000, ang bibigyan lang ng tax ng gobyerno above P50,000, dati P10,000 lang yon. Ngayon kung may asawa ka ang exemption ninyo P50,000 each kahit wala kayong anak. So kung kumukita kayo at hindi kayo minimum wage earner at kumikita kayo more than P50,000 a year , ita-tax ka yung balance lang on top of P50,000. kada anak ngayon hanggang apat may exemption ka pa na P25,000. (Kung single na may dependent?) P25,000 up to four. Remember ha ang minimum wage earner is at P95,000 a year, highest yon ha Metro Manila rate, so technically hindi siya covered so kung P50,000 lang ang exemption mo, yung P47,000 papatawan pa ng buwis yon, that's why may catch-all provision na kapagka minimum wage earner, hindi na kayo kailangang bumalik sa Kongreso pag tinaas pa yung minimum wage, kung ano man ang minimum wage automatically exempted ka which is per region, so nagbabago din yung exemption, yung level of exemption per region, yung kumpanya naman kasi kung saan mang rehiyon alam nila may listahan sila kung sino man ang minimum wage eh.

Sa bagong exemption, in effect tinaasan nyo rin ang exemption...

Makikinabang.. kasi ang exemption mo tataas na, dati on top of P32,000 taxable na yon, anything above P32,000 taxable na yon, ngayon anything above P50,000 ang taxable lang, so nadagdagan ka ng exemption na P18,000. Dati P8,000 (present tax exemptions for up to four depedents) ngayon P25,000.

On 40-percent OSD...

Yung ipro-propose naming 40-percent OSD, optional standard deduction, ang average na kini-claim na deduction ng kumpanya ay 79 percent, according to NTRC or National Tax Research Center, so bibigyan natin ngayon ng option ang kumpanya to claim only 40 percent pero parang administrative amnesty yon, no questions ask, if you claim only 40 percent, then ang magiging taxable income mo is 60 percent, compared to ngayon na ang taxable income is only 21 percent dahil ang average deduction na kini-claim 21 percent. So ang tanong bakit gagawin ng negosyante yon, simple lang para walang hassle sa BIR dahil parang administrative amnesty yon, if they claim 40 percent OSD, no questions ask ang BIR doon, so mawawalan ng discretion ang BIR na 'hoy, ganito yan eh, pedeng ganito, pedeng ganyan,' mawawala yon, it will essentially improve collection efficiency and lower the overhead expenses not only of the BIR but also of the companies dahil hindi nila kailangang magtago ng ganoong karaming records para patunayan lahat ng deductions nila. Ang BIR hindi na rin ganon karaming dokumento dapat ang nire-review bago sila maka-audit at magsabi magkano ba ang dapat mong bayaran. So ang estimate ng NTRC at DOF, positive pa ang gobyerno ditto, but you did not increase the tax base or tax rate, you simply improve collection efficiency.

How much is the government stand to lose with the exemption...

For the exemptions, there's an estimate vary but the highest estimate is P11 billion a year. Yung SNIT na pino-propose nila, low of P9 billion high of P11 billion, yung SNIT na pino-propose nila madagdagan daw ang gobyerno ng P14 billion, so neto sila ng approximately P3 billion, but in the OSD we're proposing, we're looking at the conservative figure of P36 billion, assuming the availment rate is only at 20 percent, so mas marami at mas mataas ma-avail, mas malaki pa yung makukuha ng BIR, that's why we're sitting this afternoon with DOF officials to convince them with respect to this position and affirm their earlier position in the hearings we conducted last December.

News Latest News Feed