Press Release
April 23, 2008

Transcript of interview with Senate President Manny Villar

Q: On attendance in LEDAC meeting

SPMBV: Iyan ay trabaho natin. Kapag merong kumperensiya sa abroad na kailangan ang Senate president, ako ay uma-attend. Kapag merong meeting na kailangang may mag-represent sa Senado, uma-attend tayo. Hindi pa naman nagsasara gobyerno natin. Ito pa rin ang gobyerno natin sa ngayon, hindi pa rin nagbabago. Sa palagay ko naman hindi naman magbabago ang paniniwala mo kapag makatabi mo ang isang tao o hindi.

Q: Did you raise with the President the issue in the Supreme Court?

SPMBV: Hindi naman. Kasi ang pinag-usapan kahapon ay ang suliranin ng bansa sa bigas.

Q: Hindi n'yo ba sinabi sa kanya na mali ang ginagawa ninyo, halimbawa sa rice?

SPMBV: Nagkaroon naman ng pagkakataon ang lahat na sabihin ang kanyang iniisip. Parang nagkaroon ng diskusyon kung ano ang magandang approach. Kasi sa tingin ko, sa laki ng problema ng bigas, hindi dapat nating ipakita sa ating mga kababayan na tayo sa ngayon ay naghiwa-hiwalay. Sa tingin ko, dapat siguraduhin muna natin na bago tayo mag-away-away, hindi magugutom ang ating mga kababayan.

Q: Ano ang chance ng bill ni Sen. Bong Revilla na P125 wage increase?

SPMBV: Puwedeng i-consider iyan kung walang ibibigay na malaki ang mga wage boards. Pero kung malaki na rin naman at iyon na rin ang sentiment ng ating mga kasamahang senador, okay na rin.

Q: Ano ang reaksyon ninyo sa sulat ni Sen. Jamby Madrigal sa CA?

SPMBV: Ire-refer ko sa CA, sa Rules. Parati namang nire-raise iyan. Kasi only a court can order us. I will take a look at it. It's not my decision. It's the decision of the Senate. The Senate sends a delegation to the CA. Ang Senado naman ay base sa kanilang agreement. Anybody who questions that agreement can go to court.

Q: Ang posisyon ninyo, walang suspension?

SPMBV: Oo.

Q: Kung gusto niyang i-suspend, pumunta siya sa court?

SPMBV: The first order muna, sana kung i-bring up niya sa body. Kung ayaw niya, diretso siya sa court, puwede na rin. Sa tingin ko para hindi na mag-away dito, sa court na lang. Kami naman kung utusan ng court ay puwede rin kasi ngayon may case na ganyan sa CA. The Liberal party is questioning the lack of representation of the LP sa House contingent.

Q: She's barking at the wrong tree?

SPMBV: No, she's not barking at the wrong tree. If she feels na tama siya, and if the Senate feels na tama din siya, alam mo naman sa sistema ng gobyerno natin, the court decides.

News Latest News Feed