Press Release
April 21, 2008

Transcript of ambush interview with Senator Mar Roxas before session

On anti-JPEPA demonstrations:

MAR: Nirerespeto natin ang pananaw ng iba na hindi sumasang-ayon sa JPEPA, pero sa aking masusing pag-aaral, makakasama sa ating bansa kung hindi tayo sumali rito. Ang ating mga karatig na nasyon katulad ng Thailand, Vietnam, Indonesia at Malaysia ay mayroon nang sarili nilang 'JPEPA,' at kung tayo ay hindi sumama rito, ibig sabihin yung mga investment, yung mga pagawaang pabrika ng bansang Hapon ay pupunta sa kanila imbes na sa atin. Una iyon.

Pangalawa, itong mga bansang ito, ang mga produkto nila katulad ng coconut, sugar at iba pa, makakapasok sa bansang Hapon na mababang taripa kaysa sa mga produkto natin na mananatiling mataas ang taripa kung hindi i-ratify yung JPEPA. Kaya malulugi rin tayo at mawawalan tayo ng markets para sa ating mga exports. Sa aking pag-aaral, mas mabuti na makasama tayo rito kaysa mapag-iwanan tayo.

Q: Those against JPEPA are saying it would aggravate the rice problem.

MAR: Hindi tama yung interpretasyong iyan. Mabibigyan pa nga ng mas dagdag na pagkakataon ang ating mga magsasaka, dahilan sa ating mga agricultural products ay makakapasok sa bansang Hapon sa mas mababa o walang taripa. Hindi ito ang pinaka-perfect na treaty. Hindi ito pinakamagandang treaty. Sa aking palagay, kung mas maganda o mas mahusay ang ating pag-negotiate, mas maganda ang ating nakuha. Pero nandito na tayo, okey na rin lang ito, palagay ko, tabla-talo ito. Kung i-ratify natin ito, mabibigyan tayo ng pagkakataon pero nasa atin pa rin na maisakatuparan ang mga pagkakataong ito. Pero kung hindi tayo pumasok rito ay talagang makakalkula natin yung talo natin dito in terms of jobs, in terms of investments, in terms of pagkakakitaan natin.

Q: What do you have to say about environmental concerns?

MAR: Yung sa environmental issue, hindi naman kasi ang JPEPA o ang treaty and siyang iiral. Ang iiral dito ay yung Republic Act 6969, na siyang nagbabawal ng pagpasok rito ng mga old, used or toxic wastes. Mayroon tayong batas diyan, at iyon ang iiral sa ating bansa.

On the Senate trade committee price hearing:

MAR: We will be resetting that, dahil nagpatawag ng LEDAC para bukas, also on that issue, kaya aalamin natin kung ano ang ipe-present ng executive bago natin i-hearing dito sa Senado

Q: What have you as Mr. Palengke been doing to address the shortage?

MAR: Nag-iikot tayo, at minumungkahi natin sa gobyerno yung tamang pagsagot, yung tamang pag-responde sa krisis na ito. Hanggang sa ngayon, ang ginagawa ng gobyerno ay doon lamang sa simptomas ng krisis. Nandoon sila sa pag-distribute ng bigas, sa pila, sa military na nagbabantay nitong foodstuffs. Pero yung buod nitong problema, ang kakulangan ng harvest sa domestic, ay hindi pa talaga napagtutuunan ng aksyon. Iyon ang ating minumungkahi, iyon ang ating dadalhin sa LEDAC bukas, na yung domestic production ay dapat pagtuunan ng pansin, at iyan lamang ang makakapagbigay ng garantiya sa ating pangangailangan.

News Latest News Feed