Press Release
March 31, 2008

Transcript of interview with Senator Mar Roxas on DWIZ's 'Karambola' (excerpts)

On the rice shortage:

MAR: Itong binibili ngayon ng NFA sa international price, mahigit na $700 per ton. Ang landed cost dito, kapag idinagdag ang freight at kung ano pa ay nasa P30 per kilo. Kung ang pagbili ng NFA ay P30 per kilo, at ang benta ng NFA dito ay P18 o sabihin pa natin P20, de P10 bawat kilo ang lugi ng NFA. Kung isu-summa tutal natin ang pag-aangkat na 2 million metric tons, o 2 billion kilos, at lugi sila ng P10 bawat kilo, P20 billion iyan. Para sa akin, yung P20 billion na iyan, unang-una, pwede na lang palakihin ang ating domestic production. Ibigay natin sa ating magsasaka. Kase yung binabayad ng NFA, ang tumatanggap niyan ay Vietnamese na magsasaka, Thai na magsasaka.

Nakikita naman ito ng matagal na e. Kung sinabi natin, dadating ang panahon na kailangan nating mag-subsidize ng P20 billion, pero ang tatanggap nito ay mula Thailand o Vietnam - mas mabuti na ang P20 billion ay i-release na lang dito sa domestic na sa ganoon, dadami ang ating produksyon, at Pilipinong magsasaka ang makikinabang, para makabili ng pang-irrigation, seeds, fertilizer at iba pa.

Q: The executive is saying Congress does not give enough support as far as agriculture is concerned.

MAR: Palagay ko, nagtututuro na lang iyan, dahilan sa yung budget ng Pangulo, yung budget ng ehekutibo ay ipinasa ng Kongreso. Kung ano ang hiningi ng ehekutibo, ibinigay naman. At palagay ko, kulang talaga sa leadership. Taon-taon, kaunti rito, kaunti doon, tapos mabubulagan na lang tayo, nagmahal na ang bigas. Ano ba talaga ang plano ng pamahalaan dito? Kung talagang ninanais natin na maging self-sufficient sa palay, sa bigas, halimbawa, yung itong nakolekta natin sa VAT, sabihin ng ehekutibo ipasa niyo ang VAT, gagamitin natin para sa agrikultura na sa ganoon magiging self-sufficient tayo at ang ating magsasaka ay makikinabang dito. P35 billion iyon taon-taon. Pero ano ang ginawa? Kaunti rito, kaunti roon, kinalat sa napakaraming bagay na sa sobrang nipis na pahid ng mantikilya, wala nang lasa.

Para sa akin, concentration ang kailangan - ano ba talaga? Is it education? Is it agriculture? At tanggap naman ng sambayanan na hindi natin malulutas lahat ng problema sabay-sabay. Ang importante rito ay linaw sa pananaw at yung leadership na nagsasabi na 'sa dami ng problema, ito ang uunahin, lahat ng pera natin dito, lulutasin natin ito para tapos na ito. Next year, iba naman.'

On the Quality Affordable Medicines bill:

Q: House Speaker Prospero Nograles has said discussions are almost over.

MAR: Inaasahan nga natin na malapit nang matapos, at isang issue na lang ang outstanding, at ito ang generics-only, na ipinipilit ng Kamara de Representante. Palagay ko naman may breakthrough sa pagbalik ng session [April 21].

Q: There have been informal talks during the break. Is there anything clearer now?

MAR: May sinabi naman sa inyong programa si Cong Teddy at si Cong Boying, at ito nama'y pinresenta ko kina Senador Pia Cayetano, chair of Senate committee on health, at Senador Juan Ponce Enrile, chair ng Senate committee on finance, at sabi nila na pag-aaralan nila ang mga kondisyones na ito. Hindi naman nasarado, bukas naman ang kanilang pag-iisip.

News Latest News Feed