Press Release
March 26, 2008

Transcript of interview with Senator Mar Roxas and PIMRO through phone patch

On the Supreme Court decision upholding Sec. Neri's claim of executive privilege:

MAR: Nais ko sana na imbitahin namin si Sec. Neri at magtanong sa kanya bukod sa tatlong katanungan na iyon. Ni-reject itong offer ng kasamahan natin sa Senado, bagamat ako, pabor ako sa pagtanggap ng Supreme Court accommodation.

Q: Sang-ayon po kayo sa sinabi ng Supreme Court na walang kinalaman sa legislation ang three questions?

MAR: That may have been referred to by the nine [justices], but in the dissenting opinions, that was referred to precisely by the other justices. Hindi ako sang-ayon sa desisyon, pero ginagalang ko ito, dahilan sa palagay ko, ang tatlong katanungang ito ay may koneksyon doon sa proposed amendments, proposed legislation na gagawin ng Senado.

Q: What is the status of the other case you filed, asking the Supreme Court to order the NEDA to produce the NEDA-ICC documents related to NBN?

MAR: Itong isang petition natin sa Supreme Court, kataka-taka, dahilan sa matagal na nating inihain ito, tatlong beses, amounting to more than 60 days ang hiningi ng Solicitor General na extension. Talagang ayaw nilang harapin itong issue na ito.

Q: So should the Senate probe end already if unable to get the NEDA documents?

MAR: Iyan ang pinaka-open item, iyan ang pinakamahalaga, kung papaano naabot ng gobyerno ang desisyon na ituloy ang transaksyon, bagamat kontra sila rito sa pamamaraan nito. Noong una, ayaw nila ng government, ayaw nila ng guarantee, ayaw nila ng utang, ayaw nila ng take-or-pay na nangyayari sa mga IPP ng power sector. E sa katapusan, iyan ang nangyari. Government contract ito, take-or-pay ito kase gamitin natin o hindi, magbabayad tayo, pangatlo, utang ito na may government guarantee, at sa dulu-duluhan, ante mano, hindi naman ito ang priority natin. Pinasukan natin ang kontrata na hindi naman natin pinakakinakailangan, na salungat doon sa policies ng gobyerno, na utang at mukhang overpriced.

Q: Do you think SC Justice Arturo Brion's vote was questionable?

MAR: Palagay ko binasa niya yung transcripts. I will not opine on how Justice Brion arrived at his decision. Ang mahalaga rito ay ituloy natin ipaglaban na ang executive privilege ay hindi dapat gamitin para itago o ikubli ang anomalya sa transaksyon sa gobyerno. Ito'y magkakaroon ng chilling effect, dahilan sa yung mga Cabinet secretaries, yung mga opisyales ay makakapagtago sa executive privilege whenever they are held accountable for their decisions.

Q: So will you hold hearings next week as scheduled?

MAR: Kung may hearing man, dapat makabuluhan ang hearing. Kung wala namang bagong witness, walang bagong information, bakit pa. Pero kung kinakailangan mag-meeting, hindi hearing, yung mga member ng tatlong kumite para pag-usapan o desisyunan yung response doon sa Supreme Court decision, then why not.

Q: Is a motion for reconsideration an option?

MAR: I think that we should avail of every judicial process available, including filing an MR, pero huwag naman tayong umasa sa isang bagay na hindi mangyayari.

News Latest News Feed