Press Release
March 5, 2008

Transcript of interview with Senate President Manny Villar over DZRH with Joe Taruc and Karen Golpo

Q: Ano po ang reaksiyon ng Senado kaugnay ng alok na compromise ng Korte Suprema kahapon tungkol dito sa petisyon ni Sec. Neri?

SPMBV: Kami dito ay nalulungkot sa nangyari dahilan sa inaasahan namin lalong-lalo na sa pakikinig sa mga tanong ng mga justices na inistablish nila na talagang hindi puwedeng magamit ang executive privileges.

Q: Walang factual basis po yung petisyon?

SPMBV: Oo, kaya nga medyo nalungkot kami na compromise na lang ang mangyayari. Ang ikinakaba lang kasi naman namig dito ay baka ito ay magamit sa mga darating na mga panahon ng mga cabinet member o sa mga nanunugkulan sa gobyerno na lahat sila kapag may ipapaliwanag at ayaw nilang ipaliwanag yun ay dudulog sila sa Supreme Court at gagamitin nila itong compromise formula ng Supreme Court na precedent, wika nga. Iyon ang ikinakaba namin na kaming mga nanunugkulan ngayon sa Senado ay gumawa ng isang bagay na kukuwestyunin kami ng mga darating na Senador sa mga darating na panahon kung bakit kami pumayag sa ganito na pagbabawas ng malaking kapangyarihan ng Senado.

Q: Saka hindi lang yun, dito pa sa kompromisong alok ng Korte Suprema, malamang maulit lamang ang mga nangyari sapagkat yung mga hindi sinagot na mga katanungan noon ay puwedeng hindi sagutin at ibabalik ulit sa Korte Suprema.

SPMBV: Kasi katulad nito, bawal tanungin ang pangulo. Ang sa amin naman ay kung hindi mo matatanong, papaano mai-establish o malalaman man lang kung sino talaga ang ulo nitong ZTE deal na ito dahil so far, nagtatanggihan naman lahat. So far, walang umaamin. Paano mo malalaman kung kanino ba talaga ito at kung saan napunta iyong pera? Saan napunta iyong lagay? Kaya ito yung mga katanungan na ito, hindi puwede kasing hindi sagutin ang mga katanungan na iyon.

Q: Ang napansin lang kasi namin Mr. Senate President ay walang nagmungkahi para malaman kung ano talaga ang dahilan at ini-invoke ang Executive Privilege ay walang nagmungkahing mag Executive Session na lang ang Korte Suprema upang itanong nila dun sa petitioner kung ano ang dahilan at ano ang batayan ng pag-iinvoke ng Executive Privilege. Ano yung impormasyon na naging dahilan kung bakit ini-envoke yung naturang pribilehiyo?

SPMBV: Pero maski sila ay mag Executive Privilege, normally yan po ay kapangyarihan ng Senado at hindi ng ating Supreme Court. Ang Senado ay mahihirapang ibigay yan sa kaninumang institusyon sa kadahilanan na talagang maliwanag na ang mga ganyang bagay ay trabaho ng Senado.

Q: Depende siguro sa impormasyon kung may kinalaman sa National Security o maaring makaapekto sa ating diplomatic concerns.

SPMBV: Sa bagay totoo din yun pero palagay ko hindi rin sila magsasabi. Kung hindi nagsabi sa amin ang kung sinumang opisyal, like Sec. Neri, hindi rin magsasabi iyan sa Supreme Court dahilan sa siyempre hindi naman natin maiiwasan na meron ding Supreme Court justice na maaring magsabi noong kanyang sinabi doon. Kaya kapag idinawit din niya ang pangulo doon halimbawa, ay pareho din sa amin iyun.

Q: Kung ano rin ang sagot sa inyo ay yun din ang sasabihin nila.

SPMBV: Oo, iyon ang isasagot diyan. Pero mahirap ito. Ako ay nababahala dito sa compromise na ito. Bagamat mamayang hapon, dahilan sa ito'y malaking bagay sa amin, ako'y tatawag ng caucus ng lahat ng Senador bago kami mag sesyon o baka hindi kami mag sesyon ngayon at pag-open ng sesyon ay dumiretso kami sa aming meeting room para pag-usapan namin ito kung ano ang magiging posisyon ng Senado dito sa compromise formula na in-offer ng Supreme Court.

Q: Sana naman maresolb ito ng maganda kasi kumbaga ay parang papayag na lamang kayo na mabawasan ng malaki ang kapangyarihan ng Senado.

SPMBV: Ako ay hindi pumapayag, hindi maganda ang aking pakiramdam sa bagay na yan sapagkat parang gusto ko na kung gusto na lang nila na mag voting ay ituloy nalang nila kaysa naman kami ay maakusahan na pumayag. Itong pagbawas ng kapangyarihan ng Senado sa mga ganitong bagay, alam namin ay gagamitin sa mga darating na panahon. Alam nyo, marami pa kasing nakalinya na iimbestigahan natin, SouthRail, yung NorthRail. . .

Q: JPEPA din po. . .

SPMBV: Cyber Ed, dito sa Spratlys Island, sa Transco.. Ito iyong mga resolusyon na naka-file ngayon sa Senado na kami ay naka schedule na i-hear namin lahat. Itong mga transaksiyon na ito ay higit na malalaki kaysa sa ZTE.

Q: At kung hindi makikipagtulungan ang mga taong tatanungin tungkol dito, ay walang mararating ang inyong mga imbestigasyon.

SPMBV: Kung maa-aprove naman lahat nang ito, kawawa naman ang bayan. Papaano naman ito, magbabayad na naman tayo ng pagkalaki-laking halaga para sa mga bagay na hindi naman kailangan ng bayan natin o may patong na malaki.

Q: Kung minsan hindi rin natin maiaalis dito po sa ating mga kababayan na medyo mag-alinlangan kaugnay ng ikinikilos ng Korte Suprema? SPMBV: Iiwanan ko na po sa ating mga nakikinig iyan.

Q: Kasi nagtataka sila bakit walang desisyon? Kung talagang hindi pa kailangang magkakaroon ng desisyon, sana naman walang compromise na iaalok tulad niyan. Sapagkat kinakailangang maging malinaw kung ano ang posisyon ng Korte Suprema ukol dito. Sila ba ay pabor o hindi, or sila ba ay naniniwala na nasa lugar o wala sa lugar itong ginawa ng Senado. Yun ang kuwestiyon sa kanila e, ang pag iisyu ng arrest order. Kailangan iyon ang ma-resolve.

SPMBV: Totoo naman yun. Iyon ang gusto naming i-resolve nila.

Q: Kailangan malaman natin in black and white tama ba o hindi tama ang ginawa ng Senado sa pagi-issue ng arrest order?

SPMBV: Iyon ang aking gustong resolbahin nila. Kung matalo, matalo. Kung manalo, manalo. Pero mahirap iyong compromise

Q: Kung wala sa lugar, dapat i-deklara nila na hindi kayo pwedeng mag-issue ng arrest order.

SPMBV: Totoo iyan. Sapagkat ayaw kong masisi rin sa mga darating na panahon, sa mga darating na mga senador kung bakit ako pumayag na labagin ang Konstitusyon natin.

Q: Tsaka bakit ang simpleng bagay na tulad niyan ay masyadong ginawang complex ng Korte Suprema.

SPMBV: Hindi ko naman sasabihin na karamihan ng justice natin ay inappoint ng pangulo. Iyan ay iiwanan ko na sa ating mga nakikinig.

Q: Bahala ang publiko para makita ang kanilang ginagawa... mukhang walang resolusyon.

SPMBV: Ito ngang compromise, nakakatakot ito. Kami naman ay nakahandang i-resolve nang maayos iyon. Talaga namang ang Amerika na siyang pinagbasehan ng ating pamahalaan ay standard iyan na ang Senado ay talagang nakakapag-order ng arrest. Ni hindi controversial sa America iyan na siyang pinagayahan natin ng ating sistema.

Q: Kasi dito malalaman natin kung iyong future investigations ay magagawa pa natin ng mabuti o hindi

SPMBV: Totoo iyan.

Q: Biruin ninyo, kung hindi kayo pwedeng mag-issue ng arrest order, babalewalain ang inyong mga summons at order...

SPMBV: Dadami ang anomalya kapag ganyan. Gaganahan pa lalo dahil hindi na nila kailangang magpaliwanag.

Q: Hindi na natatakot?

SPMBV: Wala nang takot ngayon. Lalong-lalo na kapag ikaw ay makapangyarihan, talagang wala nang takot dahil wala namang magtatanong sa iyo. Kakampi mo naman iyong mga normal na nag-iimbestiga. Kami na nga lang ang nag-iimbestiga na talagang sa kabilang panig. Subalit kapag mag-iimbestiga na ang mga kapanalig ng administrasyon, talagang magkakalakasan na ng loob iyan. Iyong mga anomalya na binaggit ko kanina ay madadagdagan pa ng higit na malalaki pa.

Q. Natatandaan ko noon ang Senado bago mag-Martial law, hindi pupuwedeng hindi sisipot ang mga pinatatawag ng Blue Ribbon committee.

SPMBV: Totoo iyan. Kinakampihan kasi ng Armed Forces natin at ng PNP.

Q: Mag-uusap kayo at pagpupulungan kung paano kayo maninindigan dito sa naturang alok ng Korte Suprema?

SPMBV: Gusto ko lang sabihin na habang ako ang pangulo ng Senado, ang Senado natin ay magiging independent at malaya. Iyan ang ating ipagpapatuloy na patakaran sa pamamahala ng Senado.

Q: Dito po sa kapangyarihan ng Senado na magpakulong o magpa-cite in contempt ng witnesses na hindi sumusunod sa inyo, do you have one voice sa Senado, maka-adminsitrasyon man o maka-oposisyon?

SPMBV: Oo, palagay ko dito sa isyu na ito halos nagkakaisa kami.

Q: Malaki po ang posibilidad na ipaglalaban n'yo po talaga ito?

SPMBV: Unang-una, mahirap namang pangunahan ang mga kasamahan natin. Nakakahiya rin sa mga kasamahan natin. Bagaman alam ko na kapaga mga bagay na nakakaapekto ng sa Senate mismo as an institution, nagu-unite ang mga senador. Pero hahayaan ko munang matapos ang aming caucus mamaya.

News Latest News Feed