Press Release
March 5, 2008

Transcript of ambush interview with Senator Mar Roxas on Malacañang's lifting of EO 464

MAR: Malinaw na malinaw naman na matagal na dapat i-lift ito. Mabuti na-lift na ito, at dapat yung spirit ng pag-lift nito ay siyang manatili. Huwag naman sa isang kamay ay pinawalang-bisa itong EO 464, samantala mananatili pa rin ang MC 108 na naglilimita sa pag-attend ng mga opisyales dito sa Senado at sa ibang imbestigasyon, o sa malawakang paggamit nitong executive privilege.

Halimbawa, dito sa mga dokumento ng NEDA, tayo ay dumulog mismo sa Korte Suprema para ma-release itong mga dokumento ng NEDA na dati-rati ay public domain, dati ay naka-publish ito sa website ng NEDA. E sinasabi ngayon na executive privilege naman ito. Itong 464 ay ginamit sa pag-coverup nitong mga anomalyang ito, kaya ang paglift nitong EO 464, bagamat okey ito, sana huwag naman na makahanap o makagamit ng iba pang mga kasangkapan sa pag coverup nito.

Itong memorandum circular ay ginagamit pa ring kasangkapan. Dapat kung tinanggal nga itong EO 464, huwag naman palitan ito ng ibang kasangkapan katulad ng executive privilege o MC 108 na siyang gagamiting kasangkapan sa pagtakip o pagtago ng mga anomalya.

Transcript of press briefing of Senator Mar Roxas before caucus to vote on the Supreme Court's proposal for a compromise on the executive privilege case (excerpts)

March 5, 2008 - 4 p.m.

MAR: Kausap ko sina Senador Biazon, Senador Pangilinan at Senador Noynoy Aquino, at kaming apat sa Liberal Party ay pabor dito sa compromise na ito. As of last night, an informal caucus, we had 12, and I think that in the caucus today we will be able to get more. Kagabi, ay nagtanong kami sa mga mahistrado tungkol sa compromise. Ito ang sagot nila: hindi ito precedent-setting, ito ay limitado lamang sa case ni Secretary Neri, at ito ay voluntary, hindi ito inuutos ng Korte Suprema. Para lamang makaandar na ang imbestigasyong ito.

Para sa akin, mas mabuti makapagtanong tayo ng kung anumang tanong, kaysa sa antayin natin isang buwan, dalawang buwan, tatlong buwan, anim na buwan, bago nilang desisyunan itong tatlong katanungan. Mas masama yung sitwasyon na dine-deliberate ng Korte Suprema, one month, two months, hindi naman natin alam, wala namang time table yung Korte Suprema, and in the meantime naka-standstill tayo.

Q: Do you think other senators are on the same page?

MAR: I think we are, and our conversations indicate to me that we are. I was there at the Supreme Court last night, five of us Senators were there when it happened. We all heard the Supreme Court give this suggestion, we were able to ask for elaboration on what exactly would happen. This was not a secret, the counsel of Secretary Neri was also inside those chambers. Ang ninanais ng Supreme Court ay isang amicable na pagtuloy ng imbestigasyon na wala namang maaaresto at hindi naman mawawala sa Korte Suprema yung kanilang scope kase dumating na sa kanila itong issue.

Q: Why in a caucus and not on the floor?

MAR: Sa aming pag-iisip, the voting will be individual, para hindi action ng Senado, para proteksyunan ang Senado from institutional action. We have structured it para ako, at sino pang iba, sumasang-ayon na hindi natin papaaresto si Neri kahit mag-invoke siya muli ng executive privilege sa susunod na hearing, sang-ayon sa kasunduan doon sa Korte Suprema. Hindi ito botohan sa floor, hindi ito Senate action. This is an individual action, at sa ganoong paraan, pinoproteksyunan natin not just this present Senate, but all future Senates in the decades and centuries to come, on the issue of whether the Supreme Court can dictate to the Senate. We are not yielding that the Supreme Court can dictate to the Senate, on whether we can ask questions or whether we can have somebody jailed or not.

What is an issue at the Supreme Court is, tama ba yung pag-invoke niya o hinde? Kapag sinabi ng Supreme Court ay tama, hindi ko na pwedeng tanungin iyan, kase executive privilege, highest court na ang nagsabi. Kung sabihin ng Supreme Court na mali ang pag-invoke niya, babalik siya rito at sasagutin niya rin. The issue of executive privilege must be specific to a question, it can not be generalized. Kung na-generalize iyon, lahat na ng conversations ay nakatago.

That's why we need 12, we need a majority of senators individually committing to this, so that any time there's a motion to be made, any motion to arrest, mayroon kang boto ng mga kumite na magsasabi na "huwag, kase may kasunduan, may commitment kami na hindi naman papaaresto ito."

News Latest News Feed