Press Release
February 27, 2008

Transcript of Senator Mar Roxas' ambush interview in Davao

MAR: Well nakita natin na ang istorya ng mga opisyales ng administrasyon ay mahirap lunukin. Saan ka nakakita ng opisyal na text lang ng 'tulungan mo ako' 500,000 kaagad ang pinadala, na dalawang beses pa lang niyang nakilala itong si Mr. Lozada? At ipinagpipilit na itong perang ito ay supposed to be pera niyam, na supposed to be pera pangayos ng kanyang bahay, pero, basta-basta lang, ganyan lang, walang papeles, walang collateral ay binigay niya kay Mr. Lozada. Isa nanamang halimbawa ito ng hindi pagtugma, hindi maganda ang istorya na ibinibigay sa atin ng mga opisyales ng gobyerno. Parang ginagago tayo.

Q: Ano ang gagawin ng Senado?

MAR: Well magpapahearing pa tayo. Marami pa tayong mga hearing. Si Neri, hinihintay natin dahilan sa may kaso. Nag-file tayo ng kaso sa Supreme Court at didinggin na ito ng Supreme Court para mapilitan si Sec. Neri na hindi na magtago sa EO 464 o kaya sa Executive privilege.

I think he is a very important component in the story. Siya mismo ang nagsabi sa kay Pangulo na na-bribe siya, may bribe attempt. At kung anuman ang sinagot sa kanya ng pangulo ay siya rin ang makakapagsabi niyan.

Q: If you were President Arroyo, what will you do?

MAR: Well, my recommendation to the President would be to save the Republic, to save the institution of the Presidency, to save our country from Constitutional crisis by doing the following: first, to lift EO 464; second, to instruct all her cabinet officials and police officials to attend all investigations, not just the Senate's but also the Department of Justice, the Ombudsman and the Senate, so that they can tell the truth and tell everybody kung ano talaga ang nangyari rito; third, to suspend such officials who do not follow this; fourth, to instruct the NEDA to release to the Senate the documents that the Senate is asking for, relative to the NEDA hearings on the ZTE contract.

Q: Ano po ang pananaw ninyo kung magkasalungat ang resulta ng investigation ng dalawang kampo?

MAR: Well, tingnan na lang natin pag dumating doon. Palagay ko sa napakabaluktot na istorya ng maraming opisyal ng pamahalaan ay iisa man lang ang konklusyon na makikita natin dito. Si Juan Dela Cruz nga in fact ay nag-desisyon na. Palagay ko sa mga survey yan din ang lumalabas na sila ay naniniwala kay Lozada, na may suluhan dito, na may katiwalian dito, na ang matataas na opisyals ng gobyerno ay kasama dito.

Q: How do you think the Senate inquiry would end? Will end with an impeachment complaint against the President?

MAR: No. The Senate inquiry itself is unconnected with any kind of impeachment or resignation call. What we want to know is first, what were the anomalies here, who perpetuated them and cases should be filed against them, that's the first. Second, how can we amend our laws para hindi na ulit maulit itong gawain na ito.

This is a situation where the stated government policy, first of all, was bidding sa lahat ng bibilhin. Pangalawa BOT. Pangatlo, walang government guarantee. Pang-apat, walang government na utang. Pang-lima, hindi gobyeno ang puwersado na gagamit nito, yun ang stated government policy. Abrakadabra. Kinaumagahan, naging government project ito, government ang gagamit nito, government ang uutang nito, government ang mag-gagarantiya nito at walang bidding ito.

Kaya malinaw na malinaw na kahit pa mayroon tayong ODA Law, mayroon tayong Procurement Law, mayroon tayong Anti-Graft and Corrupt Practices Law pero nangyayari pa rin ang mga bagay na ito. Kaya kailangan talagang malaman natin kung ano talagang nangyari dito para hindi na nga maulit ito.

Q: How do you assessed Madriga? Is he a credible witness?

MAR: Well as I told you yesterday I will hold my judgment of him until he finally signs his affidavit and provide details to his numerous allegations.

Q; How would you describe our country?

MAR: Broken. Our country is broken. The institutions have low credibility. The executive itself has low respect from the people. And we need to fix this. Ang ating mga kababayan, yung tiwala nila sa ating pamahalaan, sa ating mag opisyales ay mababang-mababa na o kaya wala na. Kaya magagamot lamang natin ito, aayos lamang ang ating bansa kung maibalik natin ang tiwala ng ating mga kababayan sa kanilang pamahalaan sa pamamagitan ng tuwid at tapat na paggo-gobyerno.

Q; Reaksyon ninyo sa bagong statement ng CBCP?

MAR: Nabasa ko, nadinig ko sa news kagabi yung stand ng CBCP. Sumasang-ayon ito smga sinabi kong hakbang na dapat gawin ng gobyerno. I-lift ang EO 464, utusan ang mga opisyal na humarap sa lahat ng imbestigasyon, isiwalat ng NEDA ang kung ano ang nilalaman ng lahat ng mga records, transcript ng NEDA na nabaliktad ang government policy, utusuan o suspindehin ang mga opisyales ng gobyerno na hindi mag-fully cooperate sa pagtuklas ng anomalyang ito.

Q; There are calls for the resignation of PGMA. Will you join these calls?

MAR: That's the president's decision if she said she will not resign. I think that the Senate's action and investigations will continue separate from political actions. No I will not. What is important for me is to find out the truth relative to this contract, to stop graft and corruption and to reinvigorate democracy by having the people trust the government again.

Q: Do you think that the truth would come out soon?

MAR: May kasabihan nga tayo na ang isda, sa bibig nahuhuli, hindi ba? Kaya, yung sinabi ng Pangulo na immediately itinigil na niya ito. Well, hindi naman immediately - 5 months. At nangyari lang itong pagtigil ng gobyerno matapos na-TRO ito ng Supreme Court, matapos magsimula ang Senate hearings dito sa anomalya na ito, matapos lumabas itong mga whistle-blowers tulad ni De Venecia at ni Neri na nagsabi na ito nga yung katiwalian na nangyari kasama ng kontratang ito.

We must work in order for the truth to come out para hindi lamang yung bubukol yung panunuhol pero yung bukol ng kasinungalingan ay lumitaw.

Q; (inaudible)

MAR: 100% na may matutunguhan ito. In fact, ang pinakamalaking obstruction dito ay ang mga government officials mismo, ayaw humarap, ayaw magsabi ng katotohanan, ayaw magdala ng dokumento doon. Kaya yung sinasabi ng administrayon na walang patutunguhan ito, sila rin ang may kagagawan nito. Ang mga opisyales nila hindi pumupunta. Ang mga opisyales nila hindi nagsasabi kung ano ang mga dokumento na kasama dito. Eh di ba sila rin ang may kasalanan kung bakit matagal itong imbestigasyon na ito?

Q: What can you say about the growing restlessness? There seems to be no abating in their sentiments? That they're fed up with these allegations.

MAR: Well its natural they will be fed up because nakikita nila na may katiwalian, nakikita nila na may ma-anomalyang kontrata. Nakikita nila na itong si Mr. Lozada, dinampot sa airport, yung kanyang passport walang immigration, hindi dumaan ng customs, nilibot siya sa buong Southern Tagalog hanggang sa Calamba, Laguna. And so, yan ang nakikita ng ating publiko at hindi naman ito sinasagot ng gobyerno ng tama.

Q: Sir ano po ang laman ng Vis-Min Development agenda ninyo?

MAR: Well, itong Vis-Min Development Agenda ay pamamaraan ito na madala ang supposed to be na kasaganahan na nababasa natin sa dyaryo sa mga localities, komunidad dito sa Visayas at Mindanao. Yun nga may konsultasyon at rekta sa paggastos ng government money dito sa mga communities na ito.

Ako naniniwala ako na ang pera ng gobyerno kung saan-saan ginagastos pero hindi naman nating nararamdaman. Ang budget natin ay 1.3 trillion pesos, ang budget natin last year ay 1.1 trillion pesos. Dama ba ninyo itong budget na ito? Dama ba natin kung ano ang epekto nitong perang ito?

Supposed to be masaganang masagana tayo - 7% growth, pero saan ito? Bakit ang ating mga kababayan gutom pa rin? Bakit ang ating mga kababayan OFW pa rin? Bakit ang ating mga kababayan wala pa ring trabaho na mahanap? Kaya sigurado, mas maganda kung anuman ang pera ng gobyerno ay rektang i-gastos sa mga proyekto sa bawat komunidad dito sa atin.

News Latest News Feed