Press Release
February 26, 2008

Transcript of interview with Senator Chiz Ecudero on PAGCOR

- Judging from today's hearing malinaw na may significant amount of leakage dahil sa mga ginawang interpretasyon ng Pagcor at isa pa lamang licensee yung Fontana...

Iisa lamang ang prangkisa na mag-conduct ng gaming sa bansa, Pagcor lamang, kaya dapat yung 5% franchise tax applicable sa lahat ng licensees. Sa ngayon ang computation naming nakikita aabot sa bilyong piso ang hindi nababayaran sa pamamagitan ng franchise tax. At ang malungkot kinukwestyon pa ng Pagcor ang income tax na dapat nilang bayaran, ang VAT na dapat nilang bayaran, at hindi ko maintindihan bakit hindi nagkakasundo ang gobyreno sa interpretasyon Panay ang singil nila sa private sector magbayad ng tamang buwis, eto ang isang GOCC wholly owned by the government na tila nakikipag-argumento, nakikipagdebate at nakikipagtalo pa sa gobyerno kung magkano ang buwis na dapat niyang bayaran. Hindi naman siguro tama yun.

- Sir mayroong lumabas na mga report na yung mga pro-administration rallies Monday ay pinondohan ng Pagcor using its funds, do you think may katotohanan din ito given the proximity of Mr. Genuino (Pagcor president) to the First Family...

Matagal ng may tsismis kaugnay sa paggamit ng pondo ng Pagcor para sa pulitika, hindi lamang rally pati sa nagdaang eleksyon, hindi lang sa buong bansa, pati marahil sa lungsod ng Makati. Subalit yan yung isang bagay na tinitingnan namin sa ngayon kaya nga kinuha namin yung audited financial statement ng Pagcor dahil hindi sila nagsa-submit ng financial statement sa DBM na basehan ng budget na isina-submit sa Congress. This is the first time perhaps that the audited financial reports of Pagcor is being demanded by Congress because they have failed to submit this perhaps ever since I became a congressman in 1998.

News Latest News Feed