Press Release
February 21, 2008

Transcript of interview with Senate President Manny Villar -- Senate Reporters

Q: Ano ang pinirmahan niyo?

SPMBV: Itong mga pinirmahan natin ay subpoena para sa 17 pulis at nakakagulat ang dami nitong aking pinirmahan. Nagpapatunay lamang na maraming involved talaga dito sa kidnapping na nangyari. At humihingi kami ng paliwanag dahil kung hindi naman ay masisira ang ating pulisya. Kawawa naman ang mga pulis na ginagawa ang kanilang tungkulin at nagpapakahirap, kung may mga iba na nag-va-violate ng ating batas at masisira ang magandang pangalan ng ating pulisya. Kaya sana ay maipaliwanag nila ng husto ang kanilang naging papel dito sa kidnapping ni Mr. Lozada.

Q: Ilan po ito?

SPMBV: 17. Ito ay nakakalungkot dahil andami. Andami nila. Nakikita natin na maraming involved dito. Maaring may mga involved dito na hindi natin alam. Ito lamang yung alam natin at na-identify nating involved dito sa operation.

Ito ay subpoena. Arrest order ang susunod dito. Ako ay maghihintay ng rekomendasyon ng committee. Bagamat alam natin na mahirap magpaaresto ng mga pulis. Subalit ang mahalaga ay ginagawa natin ang ating tungkulin at kung makakapag-issue tayo ng arrest order, sila'y magkakaroon niyan kahit hindi sila nahuhuli. At ang alam nila ay mayroon silang order na ganyan. Palagay ko'y ayaw din naman nila na may nakakabit na ganyang order sa kanilang pangalan.

Q: Mula sa anong departamento itong mga pulis?

SPMBV: Sa pspo at airport. Mayroon tayo sa aviation security group, meron sa pspo. Karamihan sa pulisya. Hindi pa namin ma-identify ang psg kung sino.

Q: Sir kasama pa uli si valeroso diyan.

SPMBV: Kasama rito si valeroso.

Q: Ibig sabihin hindi pa matatapos, yung abduction alone

SPMBV: Gusto sana nating tapusin ito subalit mahalaga na maipaliwanag nila ang kanilang role dito at mahalaga na makumpleto natin. Kung hindi naman natin bibigyan ng pagkakataon ang mga pulis na magkwento ng kanilang mga panig baka naman sabihin tayo ay biased at hindi natin sila binibigyan ng pagkakataon na maipaliwanag ang kanilang panig.

Q: Si gaite, will he be summoned again

SPMBV: Ito yung subpoena. Maaring may inisyu tayong imbitasyong wala dito. Ang mga pinipirmahan ko lamang ngayon ay ang mga subpoena pero merong mga inimbita bagamat hindi ko alam ang kanilang kumpletong listahan subalit bukod dito meron pang mga inimbita. Yung mga hindi pa naiimbita hindi pa natin na-iisyuhan ng subpoena. Dahil ang rule natin kelangan imbitasyon muna bago subpoena.

Q: Lozada will be there still?

SPMBV: Imbitado pa rin.

Q: Si gina de Venecia?

SPMBV: Walang masama do'n kung gusto niyang magpahayag dito sa senado ng kanyang nalalaman. Sa ngayon kaya lamang zte ang ating iniimbestigahan. Bagamat marami siyang gustong sabihin ay baka hindi tungkol sa zte ay wala tayong dahilan para imbitahin siya. Maliban na lamang kung panibagong issue na naman.

Q: Merong call si neri for political ceasefire, at least one year daw.

SPMBV: Ah, wala kasi sa konstitusyon na break. Kasi dun sa konstitusyon hindi sila naglagay ng break. Kaya gustuhin man natin na magpahinga na lagi ay meron tayong sinumpaang tungkulin at kailangan nating ipatupad yan.

Q: Do you think uncalled for yun, siya na nga ang hindi humaharap...

SPMBV: Sa akin naman, lahat ay merong gustong mangyari subalit nililiwanag natin na ito naman ay sistema ng ating gobyerno at sinusunod lang natin ang sistema ng gobyerno. ginagawa lang natin ang ating tungkulin at nakalagay naman sa ating konstitusyon, wala naman tayong magagawa diyan. Wala namang suspension muna ng implementasyon ng batas. Talagang yan ang nakalagay diyan.

Hindi ko malaman ang kalagayan ni sec neri ngayon, nakakasalita naman siya. Subalit hindi ko alam kung ano ang kanyang plano sa buhay. Hindi natin maiaalis na mag-aapear siya dito kung sasabihin ng supreme court na legal ang arrest order sa kanya, palagay ko aapear pa rin sya dito.

Q: Tinawag si gma na evil at bitch

SPMBV: Ito ay kanilang opinion at lahat ng tao ay may kanilang mga iniisip na bagay tungkol sa ibat ibang tao kasama na ang pangulo diyan. At kung ano ang kanilang iniisip kaninuman, iyon ay sa kanila at hindi naman natin pwedeng sabihing hindi tama. Yun ay opinion nila at iginagalang ko ang kanilang opinion.

Q: Ang ang nasa isip niyo

SPMBV: Ako ay ginagawa ko lamang ang aking tungkulin bilang pangulo ng senado.

Q: In one word, how would you describe gma?

SPMBV: Mahirap, sapagkat pagka dinescribe natin ang pangulo na hindi maganda baka masabing may bahid ang ginagawa nating imbestigasyon. Parang may konklusyon na tayo kung anong klaseng pangulo meron tayo.

Q: Ang nangyayari ngayon pangit talaga sa pangulo?

SPMBV: Hindi talaga maganda sa pangulo yan dahil kung ako ang pangulo, titingnan ko kung bakit ganyan ang tawag sa akin. Hindi naman dapat ignorin lamang ng sinuman pag ikaw ay tinawag na ganyan. Isipin mo kung talagang galit lamang sayo lalong lalo na pag tinatawag ka ng iyong mga kaalyado. Iisipin mo din baka hindi lamang sila ang nakakaisip ng ganyan. Dapat ding alamin kung ano ang kadahilanan para mabago yon. Ayaw ninuman na matawag sa ganyang mga pangalan.

Sa palagay ko kung harapang sasabihin yan yan ay kawalan ng paggalang subalit opinion nila yan at mga bagay na ito ay nasabi sa impormal na usapan. yan ay sa demokrasya kasi tayo. Malaya tayong magsalita at hindi natin pwedeng pigilan sinuman sa pag-express ng kanilang naiisip.

News Latest News Feed