Press Release
February 21, 2008

Transcript of interview with Sen. Chiz Escudero at Kapihan sa Senado

The first question that needs to be asked is where is this ZTE broadband hearing going? You're still stymied by the absence of Neri so how do you intend to resolve this?

Pending sa Korte Suprema ang pag-attend ni Secretary Neri. Aantabayanan at ginagalang namin ang Korte Suprema kaugnay ng bagay na iyan pero ayon kay Chairman Cayetano may iba pa naman daw na testigo na mag-aapear sa Senado. Marapat na ipagpatuloy ang pagdinig para mabigyan ng tsansang makapagsalita ang sinumang nais magsalita. Dun sa nagsasabing balewala at panggulo lamang ang pagdinig ng Senado, magandang nga't may naibibigay na lugar at pagkakataon ang Senado para sa kung sinuman na may nais sabihin na katotohanan ay pwedeng masabi dito sa pamamagitan ng isang pormal, legal, at naiintindihan na paraan at ito para sa akin ang maganda at importanteng papel na ginagampanan ng Senado sa ngayon.

Anong tingin nyo rito sa ngayon na sabay-sabay na 3 hearings, inbestigations on one case by the Ombudsman, DOJ, and Senate investigation?

Isang kanta, isang kasabihan, at isang prinsipyo sa batas. Yung kanta: bakit ngayon ka lang? Yung kasabihan, huli man daw at magaling huli pa rin.yung pangatlo yung probisyon ng batas at prinsipyo ng batas na nagsasabi na dahil iba ang layunin at ng Ombudsman sa kabilang banda at iba naman ang layunin ng senado sa kabilang banda, na mapanagot ang dapat managot at inquiry in aid of legislation respectively, hindi dapat maapektuhan ng isa ang imbestigasyon ng isa ang imbestigasyon ng kabila.

You intended to wind up the hearing on the so called abduction, pero maraming nagsasabi na hindi ho ba nakasagabal pa yung kasong isinampa ni Sen. Madrigal that's why the security behold it ...

Mababaw na dahilan yan na ginamit ng abugado ng mga pulis. Una, akala ko ba matagal na nilang sinasabing dalhin sa tamang forum at tamang venue. Noong dinala dun, inalipusta, inapi at kinontra yung pagsampa ng kasong sinabing nagpapapogi lamang yung nagsampa ng kaso. Aba'y ano ba talaga ang gusto nila: magsampa ng kaso o dinggin sa Senado? Kapagka nasa Senado, sabi nila dalhin sa tamang forum. Pag dinala sa tamang forum, ang sabi nila iba naman ang motibo ng pagsamopa ng kaso. Bukod pa dyan, maliwanag ang desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa pag attend ng mga testigo at pagsagot sa mga tanong dito sa Senado. Hindi pwedeng gamitin ang right against self incrimination dahil pwede lamang gamitin yun pag napukol na ang katanungan hindi para gamiting dahilan na wag mag attempt ng anumang session, pagdinig o hearing ng Senado.

Kelan nyo matatapos itong abduction issue so that you can go to the meat of the issue?

Tatanungin ko si Senator Cayetano, hindi ko rin alam dahil hanngat hindi siguro kumpleto ang litrato at hanggat hindi siguro nabibigyan ng sapat na pagkakataon ang lahat ng resource persons na maibigay ang panig nila, mahirap na isara ito dahil baka sabihin nila nilabag namin ang karapatan nila sa due process.

Bakit hindi pinasubpoena...?

Pina-subpoena na nung huling pagdinig sinabi ni Senator Cayetano na ang ipapa-subpoena yung mga pulis na hindi nag-attend. Ito yung labing-isa o labindalawang pulis, kundi ako nagkakamali na inassign ni General Razon na magsecure kay Ginoong Lozada. At ang hindi ko maintindihan sa mga pulis na to. Kinommend sila for a job well done. Kapagka ikaw ay kino-commend, dapat siguro pinagmamalaki mo yung magandang trabahong ginawa mo. Sa kasong ito tila ikinakahiya at nahihiya sila sa trabahong ginawa nila kung talaga nga bang kapuri-puri yan.

...inamin ba?

Inamin ni Lozada pero spliced daw yung recording. Inamin nya yung boses nay un pero hindi daw kabuuan ng kanyang mga sinabi at hinati-hati daw ito. Para po sa akin, magandang marinig mula sa testigo ang katotohanan partikular sa mga boses at tape recordings ng kanyang sinasabi at kung may dapat kasuhan man dapat sigurong alamin muna sino nga ba ang nag-wiretap? Sino nga ba ang nag-engage sa violation ng wiretapping at hindi naman siguro automatic na pwedeng sabihing si Abalos na agad yan.

Gagamitin po bas a Committee yun?

I think one of the senators intend to present that in the next hearing come Tuesday dahil makakadagdag ito kunsaka-sakali sa credibility ng testigo kaugnay ng mga ipinupukol sa kanya na kayang-kaya naman niyang sagutin at minamani-mani lang niyang sagutin.

Hindi ba additional issue ang wiretapping?

Matagal namang additional issue ang wiretapping. Panahon pa lamang ng pagtestigo ni Joey De Venecia, panahon pa lamang ng pagtestigo ni Ginoong Lozada sa parte ng ilang opisyal ng pamahalaan, issue naman talaga yung wiretapping. Kaya't ang nabanggit ko ngang mga krimen na nalabag na o krimeng nagawa na kaugnay ng testimonya ni Ginoong Lozada maliban sa wiretapping, nandun pa ang coercion, ang grave threats, violation ng mga proseso ng Kongreso, nandun pa yung kidnapping. Pero dahil hindi pa binabalik ang passport nya at dahil yung pinamili raw nya sa Hong Kong ay hindi rin binalik sa kanya, kidnapping with robbery na siguro yung maaaring maisampang kaso pa laban sa mga pulis.

On abduction, parang walang effort na pagpaliwanagin ang PSG. Inaaccept na lang natin na nandun daw sila para sumalubong kay FG which is the following day pa. Hindi ba pagpapaliwanagin yun?

Hindi pa naiprepresenta ni SenatorCayetano yung logbook na nagpakita ng pangalan ng PSG sa loob ng pagdinig o ng committee hearing upang maging basehan ng mga pagpapatawag ng mga tetstigo marahil sa darating na martes ay gagawin ito.

Depende sa pagsagot o sa presentasyon ng mga testigo kung saka sakalina ibibigay ng mga testigong iimbitahan kaugnay nun. Kaya nga ipinakuha ko ke atty. Verano ang larawan ng kaniyang mga kliyente para makita ni g. lozada kung yun nga ba ang itsura ng mga taong sumundo sa kaniya o yung mga pulis na diumano'y inassign o hindi naman inassign sa kaniya.

Dun sa 2 krisis na tumama sa admin, which do you think is really shaking the admin, the garci tape o this one?

Pareho perong klarong mas responsive, klarong mas ininda, klarong nabawasan yung tila walang pakialam n gating mga kababayan sa mga nagaganap sa pamahalaan.marahil nung unang isyu katulad ng garci hindi pa puno an gating mga kababayan. Pero sa mga pinagpatong patong na mga isyu sa administrasyon pinapakita na nito na nararating na ang saturation point ng pasensya n gating mga kababayan kung kayat pagdating sa epekto mas malala ito sap unto de bista ng administrasyon.pero pagdating sa kasalanan sa sambayanan parehong kasalanan lamang ito dahil sa kaso ng zte pagnanakaw ng pera ang isyu, sa kaso ng kaso ng garci pagnanakaw naman ng boto ang isyu, sa parehong isyu pagnanakaw pa rin ang kinukwestyon at sinasabi natin.

How about the statement that Mrs. Arroyo is evil? Ayon ke neri na kinu-quote ni mrs. De venecia ay oo. Pero para sa akin pitong taon na ang ibinigay natin sa administrasyong ito para magpakitang gilas, para gumawa ng tama, at par asana pagsilbihan ang taong bayan. 2 taon na lamang naiiwan sa termino nila, palagay ko kung di nila natutunan ang dapat nilang natutunan sa loob ng 7 taon, mahirap ng matutunan pa sa loob ng 2 taong nalalabi. Ika ngayoyu cannot teach old dogs new tricks.patapos na ang kanilang termino at marahil patapos na rin at paubos na ang kanilang panahon upang mag-aral at matuto pa.

Do you see the cabinet being able to sustain the unity facade?

Hindi kung kasaysayan ang pag-uusapan natin ginawa ni pangulong Estrada ang unity walkilang araw ang makalipas iniwanan si pangulong Estrada ng karamihan sa mga nakatayo niyang nakasama sa paglalakad. Nung panahon ni pangulong arroyo kaugnay ng garci issue ilan sa mga cabinet members na kasama niyang naglakad ay kabilang sa hyatt ten. Ngayon sa panahong ito ang magandang katanungan sino sa mga kasama ni pangulong arroyo sa unity walk ang ika nga mananatili sa tabi niya at hindi siya lilisanin sa mga susunod na araw at linggo.

Sir ang imbestigasyon daw na ito ayon kay sec. neri ay hindi naman daw napapakinabangan ng pamayanan at pag-iingay lamang.?

Kung puro santo sana ang mga nasa pamahalaan ay sang-ayon ako kay sec. neri. Pero sya na nga ang nagsabi na evil pa nga daw, bat mo bibigyan ng kapayapaan ang ganyang uri ng administrasyon? Kung walang kasalanan ang adminsitrasyon, wala naman kaming ingay ng gagawin. Subalit kung me kaslanan, me atraso, me paglabag tapos me pang-aabuso siguro napakalaking kasalanan sa parte namin kung kami'y mananahimik, magwawalang bahala at magkikibit balikat na lamang.

Hanggang kailan ho mapipigilan ng political opposition ang pagasali sa mga namumuong street rallies and protests?

Magaang sa akin ang bagay na iyan partikular na ang pinakamagandang makita maski na sa parte ng political opposition na ang nangunguna sa bagay na ito ay ordinaryong mamayan at taong bayan mismo.

Dapat ba ilifestyle check si gaite?

Pinapakuha ko na ang sal ni dep exec. Sec gaite upang malaman nating kung ganun ba talaga kagaang sa kaniya ang magpahiram ng kalahating milyong piso, ngunit tila nagising sila sa katotohanan binabago na naman ang kwento. Galing daw kay gaite pero kinuha naman ni gaite sa isang pribadong tao, ayon sa anti-graft law corruption pa rin yun dahil nanghingi siya ng pera para ibigay sa ibang tao. Tila palalim na ng palalim ang libingan na hinuhukay ng malakanyang sa kanilang kagustuhan na matakpan lahat ng butas at kapalpakan na kanilang pilit na pinagtutugma tugma nitong mga nakaraang panahon.

Ano po ang consequence pag napatunayang hindi kayang magbigay ni gaite nang ganun kalaking pera?

Kaya namin hinahamon ang mga testigo sa senado magsalita dahil sinumpaang salysay ang binibigay diro. Hindi pwedeng kasuhan ng perjury si gaite dahil hindi naman sya ang nagsabing galing sa kaniya. Tagapagsalita niya ang boss niya si sec. ermita na siya ring bumawi sa kaniyang uang sinabi na hindi naman pala galing kay gaite ang perang ito. Kung saka-sakali ang kaso lamang ay ang paglabag ng anti-graft law, paglabag ng provision ng code of ethical standard na pagbibigay ng tamang deklarasyon sa kaniyang sal.

Sa totoo lang ginagawa tayong mangmang ni sec. ermita. Nakakainsulto ang ginagawa nilang sagot na tila hindi natin nalalaman at hindi nati alam ang kalakaran sa mundo na anapakalayo sa katotohanan ang kanilang sinasabi, ika nga makalusot lang sa tanong, makasagot lang sa mikropono, makasagot lang sa kamera. Maski na anong salita ay bibitiwan na nila, kahit napakalayo sa ordinaryong pwedeng paniwalaan para din sa ordinaryong mamamayan.

News Latest News Feed