Press Release
February 14, 2008

ASSASINATION PLOT KAY PGMA, POSIBLENG TOTOO, MAARING DALA NG MATINDING GALIT NG MARAMING MAMAMAYAN SA KURAKOT, KIDNAP AT COVER UP --- KIKO

Hindi na umano ipinagtataka ni Senate Majority Leader at Independent senator Kiko Pangilinan ang assasination plot kay PGMA, ani Pangilinan "Maaaring totoo ang sinasabing banta sa buhay ni PGMA at ito ay maaaring dahil na rin sa matinding galit at pagiging 'frustrated' ng napakaraming tao sa nakikita nilang pangaabuso at panunuhol ng mga pinakamataas na opisyal ng kanyang pamahalaan.

Kinumpirma ngayon ng Presidential Security Group o PSG na totoo ang banta sa Pangulo.

Dagdag pa ni Pangilinan, "Marahil totoo ang banta dala na rin ng galit ng dumadaming mamamayan sa lantarang pagsisinungaling at tangkang pagtakpan ang katotohanan. Marahil paubos na ang pasensya ng maraming mamamayan kaya naman lumulutang ang ganitong mga banta."

News Latest News Feed