Press Release
February 8, 2008

TRANSCRIPT ON LOZADA HEARING

SEN. JINGGOY: G. Lozada, kayo po ay dumating Martes ng hapon, Pebrero 5. kayo'y nakasakay sa Cathay Pacific na eroplano. Samakatuwid kayo ay lumanding sa Terminal 1 ng NAIA. Pamilyar kayo sa corridors ng lumang airport, ng Terminal 1?

LOZADA: Opo.

SEN. JINGGOY: Sinabi niyo kanina, hindi ninyo kilala ung mga sumundo sa inyo?

LOZADA: Opo.

SEN. JINGGOY: Saan ka sinundo? Sa mismong tube ng eroplano?

LOZADA:Pagka-apak na pagka-apak ko sa Pilipinas, paglabas ko sa eroplano, kinuha na po ako..

SEN. JINGGOY: Ilan po ung mga taong kumuha sa inyo?

LOZADA: Mga apat..Mr. Senator, kung maaari ko pong idagdag, kaba-biyahe ko lang po mula isang jatropha conference sa Indonesia. Marami po akong biyahe, pero hindi po ako sinusundo kahit kalian.

SEN. JINGGOY: So you felt very important at that time?

LOZADA: Mukha po..

SEN. JINGGOY: Pwede mo bang paki-larawan sa amin ang hitsura nila, sila ba'y naka-polo barong? Sila ba'y naka uniporme. Ung sumundo po sa inyo pagkababa ninyo sa eroplano..

LOZADA: Mga naka-sibilyan po sila lahat. Ung normal day-to-day suot ng isang tao.

SEN. JINGGOY: Kayo po ano po ang suot ninyo?

LOZADA: Naka-amerikana po ako.

SEN. JINGGOY: Wala po kayong kurbata?

LOZADA: Wala.

SEN. JINGGOY: Noong nakita mo itong apat na lalaking kumuha sa inyo, o kumidnap sa inyo, kayo po ba ay natakot?

LOZADA: Nung umpisa po, nag-alala po ako. Sabi ko sa kanila, "sino kayo?" Kasi ang una kong narinig nandito na ung subject.

SEN. JINGGOY: Ano ang initial reaction niyo?

LOZADA: Ayoko kong sumama sa kanila, dahil alam kong naghihintay ang pamilya ko. Hindi po ako pwedeng dumaan dito, kailangang dumaan tayo sa immigration. Ang bilin sa akin ni Secretary, dumaan ako sa immigration. Ayaw nila, they grabbed my bag. They grabbed me by the arms. Then, dinala na nila ako.

SEN. JINGGOY: Wala po ba kayong nakitang palatandaan, identification, ID?

LOZADA: Wala po.

SEN. JINGGOY: Kayo po ba ay hindi humingi ng police assistance?

LOZADA: Hindi po...

SEN. JINGGOY: Now I will show you a picture. Magpapakita po ako sa inyo ng litrato, at i-identify niyo kung kayo ba talaga ang nasa mga litratong yan. At kung sino ung mga nakasama niyo. Medyo maliit e, pinalaki ko lang. Lalagyan ko po ng arrow kung kayo po ba itong lumalakad sa airport...kung malabo yan buibigyan kita ng mas maliwanag.

LOZADA: Ako nga po itong nasa kaliwa, Mr. Senator.

SEN. JINGGOY: Kayo po itong naka-amerikana?

LOZADA: Opo.

SEN. JINGGOY: Ito ungmnasa sumundo sa inyo.

LOZADA: Hindi po natin Makita ung mga mukha..

SEN. JINGGOY: Magpapakita ako sa iyo ng mas maliliit na litrato, halos kaparehas din niyan, para ma-identify mo kung ikaw yan. LOZADA: Kung mapapansin niyo Mr. Senator, wala po akong dalang bag. Kinuha nap o nila ung bag ko.

SEN. JINGGOY: So meron kang hand carry bag?

LOZADA: Meron po.

SEN. JINGGOY: Sino ang kumuha ng bag mo sa mga sumundo sa iyo rito?

LOZADA: Un po sigurong nasa likod. May dala siyang bag, eh.

SEN. JINGGOY: Hindi mo kilala? Bakit mo naman binigay ung bag mo?

LOZADA: Hindi ko naman po ibinigay eh. Kinuha po. Hinablot.

SEN. JINGGOY: By force?

LOZADA: Opo. Kung mapapansin niyo po kung uuwi ka, ung hand carry mo aydala-dala mo ung bag mo. Dito kinuha na po nila ung bag ko.

SEN. JINGGOY: Sa mga maliit na litratong yan, ikawba iyang naka-amerikana?

LOZADA: Opo, maniopis ung buhok eh.

SEN. JINGGOY: Itong nasa harapan mo na naka-polo barong, sinabi mo kanina walang ID, pero dito may ID.

LOZADA: Oo, nga po. Hindi ko napansin.

SEN. JINGGOY: Hindi mo ba tiningnan ung pangalan niya?

LOZADA: Hindi po. Mr. Senator sa ganyang pong mga (pagkakataon) kung may script, pwede kong gawin un. Pero walang script eh. Nakikipag-usap nga po ako n asana dalhin ako sa labas. Tsaka gusto ko pong dumaan sa immigration.

SEN. JINGGOY: Hindi mo ba alam na itong nasa harapan mo ay si Ret. General Angel Atutubo.

LOZADA: Hindi po.

SEN. JINGGOY: Lahat ng mga sumundo sa iyo, ung apat, wala kang kilala?

LOZADA: Wala po.

SEN. JINGGOY: Pero you confirm na you are in this picture.

LOZADA: Ako po yan. Salamat po at may picture po ako sa inyo.

SEN. JINGGOY: Bibigyan din kita may autograph pa. Diyan ba sa mga litratong yan, mukha bang hina-harass ka?

LOZADA: Ano ba ang ibi ninyong sabihin ng hina-harass?

SEN. JINGGOY: Ngina-ngarag.

LOZADA: Ang sinasabi po nila sa akin, basta sumunod kayo sa akin.

SEN. JINGGOY: Dyan sa mga litratong ipinakita ko sa iyo, may hagdan yan sa baba. Pag kumanan ka, un ay immigration.

OZADA: Hindi ko po...

SEN. JINGGOY: Pagkatapos po nito, saan kayo dumaan?

LOZADA: Idinaan po ako sa elevator, ibinaba ako sa tarmac.

SEN. JINGGOY: I know. I'm familiar with that. Tapos, sumakay ka na sa..

LOZADA: Isang Altis na Toyota, sabi po sa akin, ililipat ako sa mas malaking sasakyan.

SEN. JINGGOY: Nailipat ka naman?

LOZADA: Hindi po..

SEN. JINGGOY: The rest is history...inikot ka na sa Los Baños, sa Calamba..tapos ibinalik ka sa La Salle...

LOZADA: Sa Outback (Libis, steak house) po muna..

SEN. JINGGOY: Kumain ka?

LOZADA: Opo.

SEN. JINGGOY: Sino ang nagbayad?

LOZADA: Nagalit nga po si Atty. Bautista. Dahil ang mahal ng binayaran niya.

SEN. JINGGOY: Magkano naman ang binayaran?

LOZADA: 6000 plus po..

SEN. JINGGOY: Ilan kayong kumain?

LOZADA: Hindi ko po alam, eh. Basta nagalit si atty. Bautista, dahil ang mahal naman ng pagkain niyo rito,.

SEN. JINGGOY: Paano siya nagbayad? Cash o credit card?

LOZADA: Hindi ko matandaan. Pero siya angnagbayad. Siya ang nag-reklamo eh.

SEN. JINGGOY: Kasama niyo si Atty. Bautista sa dinner ninyo?

LOZADA: Opo.

SEN. JINGGOY: Mr. Chairman I would like to submit these pictures to the committee as part of our records.

SEN. JINGGOY: Mr. Lozada kilala mo ba si Joey de Venecia?

LOZADA: Opo.

SEN. JINGGOY: Paano niyo siya nakilala?

LOZADA: Ipinakilala po siya sa akin ni Sec. Neri.

SEN. JINGGOY: Kailan yon? Mga ilang beses kayo nag-meeting?

LOZADA: Para po sa project, marami-rami na rin.

SEN. JINGGOY: Particular lang dito sa project.

LOZADA: Siguro po mga..ito naghuhula na lang po ako. Mga limang beses po.

SEN. JINGGOY: Limang beses kayo nakipag-meeting, kasama si JDV III?

LOZADA: Opo.

SEN. JINGGOY: Kasi sinabi ni Joey, na nakikipag-meeting ka rin daw sa Wack-Wack, sa NEDA office kasama ang ZTE officials.

LOZADA: Opo.

SEN. JINGGOY: Noong nag-meeting kayo sa Wack-Wack, nandun ka ba noong sinabi ni Chairman Abalos kay Sec. Neri, "Sec, may 200 ka dito."?

LOZADA: Malamang po, kasama kami...

SEN. JINGGOY: Narinig mo ba galling sa bibig ni Chairman Abalos na sinabi kay Chairman Neri, "Chairman o Romy, may 200 ka dito."

LOZADA: Meron po akong personal experience sa ganun..

SEN. JINGGOY: Paki-salaysay...

LOZADA: Nasa wack-wack po kami minsan, pagka-laro po naming ng golf. Tapos naming maglaro nadun ung mga taga-ZTE nga sa clubhouse. I was assuring kasi mga taga-ZTE that the project is moving forward. Natuwa po ata sa akin si Chairman Abalos nung papaunta na ako sa locker room, inakbayan niya ako ng ganito tapos sabi niya sa akin, "Wag kang mag-alala Jun, basta ma-approve-an na ito ng NEDA, ung 200 million ninyo, ia-advance ko na. hindi ako katulad ng iabang kausap ninyo na maghihintay pa ma-release ung loan bago kayo mabigyan.

SEN. JINGGOY: Samakatuwid, Mr. Lozada, hindi lamang si Chairman Nerio ang in-offer-an ni Abalos ng pera?

LOZADA: Hindi po, para p okay Sec. Neri yon. Hindi naman po ako bibgyan nun, dahil alam niya alalay lang ako.

SEN. JINGGOY: Hindi ka in-offer-an?

LOZADA: Baka po makiki-balato na lang po ako kay Chairman Neri kung sakali man.

SEN. JINGGOY: Sa tingin mo naman, bibigyan ka ni Chairman Neri?

LOZADA: Malamang po siguro.

SEN. JINGGOY: Tatanggapin mo naman.

LOZADA: Kung balato po siguro. Hindi naman po ako...

SEN. JINGGOY: Sa tingin mo, base sa evaluation mo nitong kontrata ng ZTE, in your own opinion, ito ay disadvantageous sa ating gobyerno..

LOZADA: Ang inangalan ko naman po ay ung cento trenta, eh. And with that, sobra talaga.

SEN. JINGGOY: Sobra ung commission.

LOZADA: Opo.

SEN. JINGGOY: Ito bang kontratang ito, beneficial ba sa ating bansa? O talaga kinakailangan?

LOZADA: I think it will be ggod for the government to have its own network. But the price..

SEN. JINGGOY: You are corroborating the statements ni Joey de Venecia?

LOZADA: Opo. To the effect na may commission, nagiging pangit tuloy ang project.

SEN. JINGGOY: Naka-advance na ung mga Chinese officials kay Chairman Abalos?

LOZADA: According sa mga sinabi po sa akin ng mga taga-ZTE, alam ko po, opo.

News Latest News Feed