Press Release
February 7, 2008

Transcript of Interview with Sen Alan Cayetano 11:25 nn Press Briefing

Sen. Alan Cayetano:

Well, unang una yung 3 day rule refers to a committee meeting na makikita natin sa rules, pero yung blue ribbon committee it conducts usually hearings so we don't want to split hairs naman pagdating sa rules but, tiningnan na namin ay merong precedent nung araw na kapag may order of arrest at dumating yung inaresto ay nagkakaroon ng hearing kaagad kung yung mga senador lang naman ang problema pwede ko naman tawagan isa isa. Pero ang problema, Tuesday po dumating si Mr. Lozada at hindi pa siya nakakatulog except this morning. So, mahirap naman umpisahan natin ang hearing ng mga alas dos alas tres mamaya at alam naman natin na hindi matatapos ang hearing ng siguro 6,7 hours baka kalahati pa lang ng hearing yon so, mahirap din naman na hindi tingnan yung health nya. That's why we combine those two reasons at tingin namin it will be better for all, makaka-prepare yung mga senador, yung mga gustong sabihin ng palasyo etc. mailalabas lahat . So, it will be more sober and unemotional for everyone dahil nailabas na yung initial na news at nakapagpahinga na rin sila. So yung kwento nya at questions ng mga senador tingin namin mas maganda kung hindi ngayon ihohold yon.

So bukas yon ?

Sen. Alan Cayetano: Yes! But of course we have to consult because we don't want to spend six hours debating whether or not we should have a hearing during the hearing.

So mas probably bukas na sir?

Sen. Alan Cayetano: Ill be able to tell you siguro in a few hours.

Sir, lawyers point of view what happens to the affidavit and letter na kanyang pinirmahan nagiging invalid ba yon?

Sen. Alan Cayetano: Well, precisely why I said kanina na its my personal opinion that the president should take a leave of absence sapagkat yung fear kong mangyari ay nangyari na. Ngayon sa malacañang parang may contest kung sino pinakamagaling magsinungaling at ginagamit pa yung podium para dun magpaliwang sa malacanyang instead of sa hearing o isa isa na lang mag prescon. Alam mo hindi kami nandito right now to say eto ang tama eto mali and even my strong statement is about the kidnapping iba yung ZTE pabayaan natin silang mag-testify at tignan natin yung laman. Iba yung nandun yung sargeant. at arms namin na nakita mismo natin hindi sila pinapasok samantala yung kumuha kay Mr. Lozada pinapasok and I remind Sec. Bunye who said na hindi kami makapaghintay unang una im not calling for snap election number two pag leave of absence kung hindi ka guilty makakabalik ka pa baka guilty kaya iniisip nya hindi na makakabalik dahil mali yung statement nila. The point here is this, we have a witness and he wants to tell his story why not let him tell his story then we judge from there. Kami naman ang inaangal namin yung pinagawa namin sa sgt. at arms ang inabot namin na deception at inabot namin na panloloko dun sa airport hanggang sa time na nilabas sya klaro sa amin yon. So, I'd make a distinction between judging what he's going to say sa ZTE, what they're fighting about sa affidavit etc. and about nung kinukuha natin sya at kinukuha sya ng ibang tao dun sa airport.

Sir sa mga pinirmahang dokumento what happen?

Sen. Alan Cayetano: Again I'll let him testify on that but he said nga kanina na nung kinuha sya that's precisely why pinapirma sya ng mga yon diba? All of these naman remember any affidavit that is sign should not be under duress di ba? Dapat of your own free will yon, kahit na ako pag may nagsasabi ng ganito biglang napakita sa camera may nakatutok sa aking baril not counted yon. So, sa testimony nya sa senado under oath yon magtatanong ang lahat kung malaya siya then we'll take it from there.

Sir sa sinasabi ni Sec. Bunye na parang lumalabas daw na yung hearing ay para pabagsakin yung Arroyo Administration?

Sen. Alan Cayetano; Hindi namin witness si Mr. Lozada ang nag appoint kay Mr. Lozada si Gloria Macapagal Arroyo hindi ang mga senador. Hindi kami naglagay sa kanya bilang consultant ni Sec. Neri. Hindi rin kami ang nag appoint kay Sec. Neri. Hindi namin project ang ZTE at hindi namin intensyon na manggulo kung may anomalya sa project at may disturbance o merong issue tungkol dyan. Hindi sa amin nanggaling ang gulo so, pag may nahuli kang anomalya hindi panggugulo yon kundi yon ang sinasabi sa check and balance. Since this morning I've been appealing for calm for peaceful for non violent means for sober means of ascertaining the truth. So, pano nila sasabihin na nangugulo lang tayo?

Sir kinidnapped na si Lozada what do you think happen na na save yung buhay nya at hindi sya nasaktan?

Sen. Alan Cayetano: Through God's grace I can say it's the vigilance of the family and of the media. Kung hindi dahil sa inyo sa media kung hindi uminit yung sitwasyon hanggang ngayon andun siya. But may isa pang element which is akala ng malacanyang he will be testifying for them, so, let him elaborate on that but, yun yung isang naganap and even yesterday I have a hint on that already but it was confirmed ngayon na isang paraan na nakawala sya akala nila yung affidavit na pinirmahan nya sya ay mag tetestify for them kaya lang napabayaan at pagkatapos hindi na nakakilos nung nag press conference at nung sinundo na siya ng sgt. at arms so, I let him testify on that just to say na he has his own side and so far it sounds logical to me dito sa isyung ng abduction.

Regarding sa role ng senate na in aid of legislation lang ang ginagawa dito at not for prosecution...

Sen. Alan Cayetano: Yes obviously it doesn't hurt the blue ribbon committee. The blue ribbon committee is not only tasked to investigate in aid of legislation and come up with recommendations of refilling or strengthening a law, but it is also tasked to investigate malfeasance and nonfeasance sa government and recommending and transmitting their findings to the ombudsman and the DOJ. I'll just tell Sec. Bunye do their job and we will do our job. Ang hinihingi lang naming, create the atmosphere of an open and independent investigation rather than that of harassment and of propaganda etc. so, sabihin nyo yung gusto nyo sabihin. but lets just both do our part.

Sir yung case involving executive order 464.....

Sen. Alan Cayetano: I think at this point in time alam mo tuwing may witness tayo na maganda yung testimony nag-uunahan pa silang mag-testify. so, at this point in time I don't even think we have to subpoena them baka nag-uunahan pa silang magpaliwanag. Hindi na nga makapaghintay ng hearing at nagpapresscon na sa malacanyang.

May sinabi pong nagsisinungaling daw po itong si Lozada kasi hindi naman daw siya dinukot at kusa siyang sumama?

Sen. Alan Cayetano: Well, tignan na lang ng ating mga kababayan yung circumstances one plus one equals two diba? So kung sasabihin nilang oposisyon ang gumawa, napakalakas naman namin sa airport. kung sasabihin nilang hindi sila eh sinong may kayang gawin yon sa airport.

Senator sya naba makakabuo ng picture dun sa ZTE deal?

Sen. Alan Cayetano: I think he can fill in many blanks and a lot of the missing parts of the equation mafifill-in but we are more concerned as senators hindi sa pambabastos sa senado kundi sa pambabastos sa konstitusyon, kung totoong in-abduct siya.

Gaano kataas yung mga nag-uutos?

Sen. Alan Cayetano: Well, sinabi na ni Gen. Razon kanina na sya mismo nakausap nya.

May Cabinet official bang kumausap sa kanya?

Sen. Alan Cayetano: From the start even before siya umalis kino-coach na siya na wag mag-tetestify at kung magtetestify magsinungalin so, after first time ko syang marinig na sa kanya nanggaling to...pero remember dapat witness na namin sya last week...narinig ko nang paalisin siya pinapabago yung storya that's why paulit ulit ako sa inyo na...ako yung naniniwala na pag nagtestify ito hindi sya magsisinungalin.

News Latest News Feed