Press Release
February 5, 2008

Transcript of interview with Senate President Manny Villar with Senate reporters

Q: Supreme Court issued a status quo order...

SPMBV: Kung natanggap na natin ang order na iyan ng Supreme Court, okay naman iyon. Igagalang natin iyan. Mabuti naman at maliliwanagan na natin itong issue na ito. Siyempre sasagutin natin ang issue na iyan sa Supreme Court at paghahandaan natin ang oral arguments. Wini-welcome ko iyan para at least ay maresolba natin ang issue na ito; malaman na natin kung ano ang extent ng kapangyarihan ng Senado para magpatawag at mag-issue ng mga arrest orders at ng executive naman para malaman nila ang hangganan ng kanilang hindi pagsunod sa ganyang mga subpoena.

Q: Do you think this is a slap sa face ng Senate?

SPMBV: Hindi ko nakikitang slap ito. Ito naman ay bilang pagbibigay lamang sa Supreme Court ng pagkakataon na mapakinggan ang mga arguments. Hindi pa naman sila nananalo. Hindi pa naman nagde-decide ang Supreme Court. Ang hinihiling lang nila ay habang hindi pa sila nagde-decide kung maaari ay huwag na munang i-implement ang arrest order.

Q: Hindi kaya mag-signal ito sa iba na kung ayaw nilang mag-appear i-invoke lang ang executive privilege?

SPMBV: Hindi naman ganoon kasimple iyon kasi kailangan nilang pumunta sa Supreme Court. After this, magkakaliwanagan na kung ano ang mga rules sa mga arrest orders na ganyan. Kasi parating nagkakaroon ng impasse sa ganitong mga bagay. Gusto ko na ring liwanagin ng Supreme Court ito para hindi na nag-aaway ang executive at Senado. Mabuting i-define na nila nang maliwanag kung ano ba talaga ang extent ng kapangyarihan ng Senado at ano naman ang extent ng kapangyarihan ng executive on this issue. Kaya iyan ay okay sa akin. Kami ay susunod muna sa utos ng Supreme Court sa issue na ito.

Q: Arrest warrants will be deferred?

SPMBV: Dito lamang kay Secretary Neri. Si. Mr Lozada ay hindi naman kasama sa order, tuloy pa rin iyon.

Q: On the speakership row

SPMBV: Siguro sa mga darating na araw, malalaman natin kung si Speaker de Venecia ay papangatawanan ang kaniyang mga accusations. Sa Senado naman, nakahanda naman tayong i-welcome siya kung gusto niyang magsalita dito. On-going pa rin ang hearing sa ZTE deal. Puwede pa siyang magsalita dito. Kaya lamang, hindi ko alam kung ano ang binabalak ni Speaker de Venecia at ayoko namang pangunahan siya. Meanwhile, igagalang ng Senado ang nangyari sa Mababang Kapulungan. Bilang Pangulo ng Senado, pipilitin ko rin naman na maging maayos ang samahan natin sa Mababang Kapulungan sa pamumuno ni Speaker Nograles para hindi naman maabala ang mga serbisyo natin para sa bayan.

Q: Sa Senado baka daw magkaroon din ng leadership revamp.

SPMBV: Everyday naman puwede iyan dito. Pero hindi ko naman iniisip masyado ang bagay na iyan. Palagay ko naman wala.

Q: Welcome ba si JDV sa NP?

SPMBV: Ayoko namang pangunahan si Speaker Joe. Kaibigan ko si Speaker Joe at ayokong pangunahan siya sa pamamagitang ng pang-iimbita baka maapektuhan ang kanyang relasyon sa Lakas. I'm sure by now ay iniisip na niya ang kanyang gagawin sa Lakas dahil bilang pangulo ng Lakas, syempre iyon ang malaking problema muna niya, ano ang gagawin niya sa Lakas party. Lahat ng options I'm sure, ay pinag-iisipan na niya.

News Latest News Feed