Press Release
January 24, 2008

Transcript of Interview Senate President Manny Villar -- DZRH

Q; Mr. Senate President pinag-uusapan po naming itong panukala ni Senador Juan Ponce Enrile, na alisin na ang EVAT sa kuryente pero anticipating kung ano ang negative reaction dito ng Malacañang. Sinasabi po namin na baka kailangan i-modify, alisin natin ang EVAT para dito sa small users o mahihirap na mamamayan, samantalang sa mayayaman ay manatili ang EVAT.

SPMBV: Maganda yan Joe, ang gusto ko d'yan hindi naman kailangan panglahatan yan basta ang mahalaga sa ating mga ginagawa ay para sa mahihirap ang benepisyo, halimbawa yung oil tax natin pagka sa kuryente dapat siguraduhin lang natin, dahil pag yun nilahat mo malaki rin ang epekto sa pananalapi ng bansa kaya mas tama yung sinabi mo na yun na lang mahihirap, siguraduhin na yung mga mahihirap ang magbebenepisyo.

Q: Iba ito sa Vat on oil, yung sa Vat on oil di natin malalaman kung sino yung mahihirap o mayayaman na gumagamit ng langis, whereas dito sa kuryente madali nating made-determine kung sino ang small users at big users.

SPMBV: Magandang suggestion yan, dito naman ma-identify mo kung sino ang magko-konsumo ng maliit yun ang small user, yun ang mahirap. At kung nagtitipid naman talaga, ayaw ng epekto ng Vat ay magtitipid ng kuryente para sa mababang consumption.

Q: Halimbawa gumagamit ng 1000 kilowatt hour per month o 500 kilowatt per month gawin nating incentive na sa Value Added Tax malaking tulong na po ito sa pangkaraniwang mamamayan Mr. Senate President.

SPMBV: Alam mo totoo yon Joe, ang sinasabi ko nga itong mga bagay na ito ay para makatulong sa ating mamamayan ay kinakailangan bigyan ng detalyeng pag-aaral, na mabilisan di naman yung pag-aaral na taon kundi yung mga ilang araw lamang o ilang linggo, sapagkat ang magagandang panukala na pwede naman gawin na hindi maaapektuhan ang pananalapi natin pag talagang napag-aralan lang at ginawang programa yung para lang talaga sa mahihirap ang epekto, yung sa mayaman naman, di naman kailangan yon, atleast di masyado malaki tama sa pananalapi natin.

Q: Kani-Kanina nakausap namin ang Chairman ng Waste and Means Committee ng Kamara De Representante na si Cong. Ex Javier sa resumption ng session sa Monday, first hour on Monday ipa-file niya ang isang panukalang batas na nagbibigay ng exemption sa mga small users ng kuryente.

SPMBV: Maganda yon, Susuportahan ko yan Joe,dahil talagang marami na ang umaaray sa dito sa kuryente natin at marami na ang umaangal dyan at wala pang nagagawa ang gobyerno sa kanila sa kabila ng ilang taon nang paghihimutok sa taas ng kuryente. So, okey na din yan at mabuting malimit naming mapag-uusapan yan sa pagbubukas ng sesyon.

Q: Maiba naman ako ng paksa ng ating usapan, ano po ba ang layunin ng byahe ninyo ni Pangulong Estrada sa lalawigan ng Bataan kahapon?

SPMBV: Well, yun naman ay bilang pagbisita lamang sa bayan natin, dahil bayan ng nanay ko yung Bataan dyan tayo madalas, dyan naman tayo halos lumaki nung araw ay binabalikan natin at ang Pangulo ay mahal din ang mga taga Bataan, kaya tamang tama sabi ko'y doon kami pumunta. Wala naman kaming ginawa doon, pumasyal lamang, nagsabay kami sapagkat kami naman ay magkaibigan at magandang magsabay din sa mga lakad na pareho naming mahal ang lugar.

Q: Sa inyong ho bang pagkakape kahapon ay walang napag-usapan tungkol sa 2010?

SPMBV: Wala naman Joe, alam mo medyo maaga pa ang mga bagay na yan at sa totoo lang ay di namin pinag-uusapan. Basta kami naman ay magkaibigan lamang at alam namin na sa takdang panahon ay yun namang mga bagay na yan ay pag-uusapn namin ng maayos.

Q: Mr. Senate President, gusto lang po naming kumustahin ang Senate Hearing kahapon on VAT naman po on oil?

SPMBV: Well, hindi naman dumating ang ating mga government officials katulad ng ating inaasahan, subali't tuloy tuloy yan at mabuti naman din. Yan nga ang gusto ko ibalita sa mga kababayan natin na ang Senado po bagamat hindi pa nagre-resume ang sesyon ay tuloy tuloy na ang trabaho at hindi po tumitigil ang ibang komite sa kanilang paghe-hearing at para pag-open namin sa Lunes ay tuloy-tuloy na yan, yung mga hearing na yan, ung mga panukala sa kuryente, panukala sa gasolina, panukala sa budget yan po ay paspas naming gagawin. Bagamat hindi po dumadating ang ating mga government officials na pinapatawag, ay mapipilitan kaming gumawa ng konklusyon ng wala yung kanilang panig kung sila'y di papayag at kung medyo mabigat yung kanilang hindi pagsipot mapipilitan naman kaming gawin yung karapatan namin bilang Senador.

News Latest News Feed