Press Release
January 23, 2008

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero on VAT

MORNING INTERVIEW:

On zero-percent VAT on petroleum products

Actually may House measure na isinampa, ang alam ko sinampa ni Cong. Bem Noel ng Party-list Anwaray pero hindi ko pa lang alam kung ano ang status sa komite. Maging ganunpaman importanteng marinig ng komite para matimbang na rin nang ganito kaaga magkaroon man o makapasa man ang House version diretso na namin puwedeng ihain ito sa plenaryo. Kanina ipinaliwanag ni Senador Roxas na para hindi na magpaasa sa wala ikanga maganda nang ipaintindi na kailangan ito ng House version dahil revenue measure ito, kailangan unang ipasa ito sa Kamara bago ito mapasa ng senado.

Kesa naman wala kaming gawin ngayon, tapos na naman namin halos lahat ng panukalang batas sa committee on ways and means kaysa naman tumanga na lamang kami at maghintay sa wala, maganda na unahan na namin bagaman hindi pa dumidiretso yung pagdinig sa Kamara, unahan na namin para magkaroon na rin marahil ng pressure s Kamara, dinggin na nila dahil sila naman ang may pangunahing obligasyon na dinggin ito dahil kami nga dito sa Senado na dapat naghihintay lamang ay dinidinig na ito.

Parang mahirap itulak ang ganitong measure ...

Alalahanin natin na paparating ang 2010 at papatapos ang termino ni Pangulong Arroyo, ang hawak niya sa sa mga miyembro ng kanyang kapartido gayundin sa Kamara ay marahil hindi na parehas ng mga nagdaang taon, mas sensitibo na rin na di hamak sa ngayon ang mga mambabatas sa taas man o mababang kapulungan sa sentimento at hinihiling ng ating mga kababayan, partikular na rin patungo sa darating na halalan at pagtatapos ng adminsitrasyong Arroyo. So marahil kung wala mang pag-asa nitong mga nagdaang taon, mas may pag-asa naman nang di hamak ngayon kaysa sa noon.

Proposal ng oil companies like Shell na alternative measure na lang dahil baka daw tumaas pa lalo, baka hindi na makayanan ...

Yung alternative measures dapat ginagawa yon ke may usapin kaugnay sa pag-lift o pag-alis ng VAT o wala, yung pagresolba sa problema sa pangongotong, sa kolorum, dapat talaga ginagawa na nang dati ng gobyerno yon ke mababa o mataas ang presyo ng produktong petrolyo, labas yon sa usapin sa umagang ito. Ang dapat pagtuunan ng pansin siguro kaugnay ng komentaryo ng mga oil company ibababa nga ba nila yung presyo maski na hindi na antin amyendahan ang oil deregulation law kapag tinanggal natin ang VAT, baka mamaya ibaba lang nila ng isang linggo tapos unti-unti na naman nilang itaas sa ilalim ng isang deregulated industry. Wala silang obligasyon sa totoo lang na ibaba katugma ng VATyung presyo kapagka inalis nga natin ang VAT. Para sa akin dapat kaakma o kasabay ng pag-amyenda ng batas sa VAT, dapat amyendahan din ang oil deregulation law para matiyak natin na mararamdaman ng consumer ang anumang buwis na aalisin natin.

Pabor ka ba sa sinasabi na ang magbebenefit lang ay mga rich ...

Isa yung sa dapat pag-aralan natin, sa simpleng analysis ang gumagamit ng mga sasakyan y6ung may pera, ang may sasakyan ay yung may pera, ang gumagamit ng mas maraming kuryente yung mayamang mayroon air-conditioner na nakabukas 24 oras sa isang araw. Ayon sa ilang opinion yung mahirap wala namang kotse, namamasahe lang yun, yung mahirap wala namang air-conditioner, namamaypay lamang, so kung bababaan natin ang buwis sa kuryente, bababaan natin ang buwis sa gasolina paano magbebenipisyo ang mahirap eh hindi naman siya gumagamit ng mga bagay nay an. Isa yan sa dapat na lumabas sa pagdinig na ito, isa yan sa aming masusing aalamin at titimbangin.

Relevant pa ba ito (measure) kung bumaba nang kaunti ang price?

Palaging relevant para kugn saka-sakali yung option ay palaging available sa atin, alalahanin natin hindi lamang automatikong pagtanggal ang option ng komite, pedeng stanby authority ang ibigay para bawasan at alisin ito. May ganyang kapangyarihan ang Presidente sa taripa kapagka walang sesyon ang Kongreso, may ganayng kapangyarian ang Presidente kaugnay sa pagtataas ng VAT, kung maaalala nyo 20 to 12 perecnt standby authority na ginamit niya. Kung may ganoong kapangyarihan pedeng i-delegate ang Kongreso may kapangyarihan din naman sigurong pwedeng i-delegate na ibaba yan mula sa dose pababa sa diyes o maski na hanggang zero.

As far as practicable and progressive system of taxation should be evolved, that is the provision in the constitution but being progressive does not necessarily mean you cannot reduce it. Progressive as used in the constitution would refer to actual effect of taxation on the tax payer and does not necessarily mean all these upward and never downward.

Hindi ba magugulo yung tax system natin...

Isa yun sa pag-aaralan sa ngayon. Pero kung maaalala ninyo, bakit kung pataas mula dyis paakyat ng dose hindi naman nagulo ang sistema ng gobyerno ang tax system. E di kung ibababa rin naman siguro mula dose pababa sa dyis o anupamang numero, di naman siguro dapat silang maapektuhan dahil pataas nga nagawa nila. Kaya rin naman siguro nilang gawin pababa.

Isa pa, ang mas importante na lumabas sa datos ng Department of Finance at Department of Energy, lumalabas kung magkano talaga ang nawawala tila sa smuggling.

Ayon sa datos ng Department of Energy, ang kinokonsumo nating mga produktong petrolyo kada taon ay 12 litro. Ayon naman sa BIR at sa Bureau of Customs, ang volume ng langis, ng produktong petrolyo na nagbabayad ng buwis ay 8 bilyong litro lamang. May diperensyang 4 na bilyong litro. Ito yung binabanggit kanina ng isa sa mga resource persons na may smuggling na nagaganap. Sa 4 na bilyong litro kada taong nawawala, revenue din ng pamahalaan ang nawawala patungkol sa mga produktong petrolyo na ito. Kung apat na pisong VAT lamang ang pag-uusapan, times 4 ... 16 billion agad ang nawawala sa pamahalaan. Hindi pa natin pinag-uusapan ang excise tax. Hindi pa natin pinag-uusapan ang tariff na pwedeng iimpose sa mga produktong petrolyong inaangkat o ini-import. Ito ang dapat na pagtuunan ng pansin. Buti sana kung yung ini-i-smuggle ay binebenta rin ng mas mura. Problema, yung ini-i-snuggle na langis binebenta pa rin sa parehong presyo. Hindi na nga nagbayad ng buwis, mas mataas pa ang benta o pareho pa rin ang benta sa produktong petrolyong binabayaran ng buwis.

Iko-confirm namin mamaya yan sa DoE base sa papers na isinumite prior to the hearing. Subalit sa simpleng computation nga, sabihin na nating exempted ba ito o hindi dahil duda naman ako kung exempted yan dahil wala namang exempted sa ilalim ng umiiral na batas. At bakit ganun kalaki ang diperensya? At kung smuggled nga yan, saan at paano ipinapadaan yan at paano rin mapipigilan yan?

Parang sa una pa lang wala na ngang ___ sa __ na ito dahil marami namang bagay na pwedeng gawin para mahabol yung nawawala gaya sa smuggling. Bakit kailangan pang....?

Well sa pagdinig na ito nalaman namin yung mga bagay na iyon so ito marahil ang naging susi para masilip at makita ang mga bagay na iyon at bilang chairman ng komite ayokong pangunahan ang magiging desisyon hindi lamang ng komite pero ng senado. Subalit obligasyon naming dinggin ang bill na ito upang makakalap ng impormasyon at desisyon. Ayokong sabihing wala nang halaga ang bill na ito hangga't hindi nagdedesisyon mismo ang komite.

Annual ba ito?

Annual. Ang nakuha naming datos ay last year lamang. Pinapakumpleto namin at sumulat na kami kay Sec. Reyes at sa Department of Finance para makuha pabalik yung amount of consumption sa ating bansa at yung amount of imported products na nirereport sa Bureau of Customs at ng BIR.

Do we have a way of knowing its worth under GMA as compared to Erap and Ramos?

We will try to get the data as far back as we can. Pero ang objective ay hindi yung makumpara lamang ang mga nakaraang administrasyon. Ang objective ay makita kung magkano nab a ang nawawala sa ating bansa? Magkanong gastos ba ang pwedeng habulin at sino ang dapat managot?

..may pag-abuso daw si GMA sa prerogative sa...

Well sumisimpatiya ako kay Chairperson David subalit sayang lamang at ngayon lamang natin nalaman ang bagay na ito kung kailan patapos na ang kanyang termino. Independent commission ang Civil Service Commission. Sana ito ay naipagbigay alam. Sana ito ay nagawan ng paraan bago pa man magretiro si Chairperson David upang mapagtulungan naming ang bagay na ito, hindi lamang ako marahil, ang senado mismo na ma-check at magawan ng paraan na iwasan ang bagay na ito.

..on appointment powers of the president

Para sa akin dapat naman talagang pag-aralan ang appointment powers ng presidente. Pag-upo ng maski na sinong pangulo ang inaapoint niyang opisyal ay humigit kumulang na 6,000 tao. Masyado naman yatang maaraming posisyon ang kailangan niyang punan at minsan 2 taon nang nakaupo ang sinumang pangulo, hindi pa napupunuan yung 6,000 na pwestong dapat niyang i-appoint. Ito ay nakakapekto rin sa continuity ng mga proyekto't programa ng pamahalaan at ito ay nagbibigay din ng kulay pulitika sa maraming proyekto ng pamahalaan. Pinag-aaralan na namin ito at dapat naman talaga na bawasan yan. at yung mga trabaho at function na wala dapat kinalaman ang pulitika, tanggalin na natin ang kapangyarihan ng presidente na i-appoint sila at gawin nating co-terminus dapat ang mga opisyal na ito. Continuous ang kanilang service at considered civil servants sila upang hindi basta-basta na lamang napapalitan.

May liability ba sa pag-appoint?

Itsetsek namin yung mga appointments na ginawa dahil pag dineny ng Civil Service at may pending appeal, wala pa namang violation. Kapagka inappoint at sinubukang i-appoint pero hindi natuloy dahil sinabi ng civil service na bawal... depende sa kada kaso. Kailangang masusing tingnan yung datos na ipepresenta ni Chairperson David. Pero ang klarong posisyon na dapat ay hindi na ginagalaw: undersecretary for planning, director for planning ng kada departamento. Hindi na dapat saklaw ng kapangyarihan ng pangulo ang mamili kung sino yan kada may bagong uupo sa Malaanang. Dapat kung sino ang nadyan maliban na lamang kung may kasalanan, siya pa rin ang manatiling nandyan upang tuloy-tuloy ang programa ng kada departamento sinuman ang umupong pangulo o kalihim.

Hindi ba't bayad utang naman ito?

May mga bayad utang naman talaga. Meaning may political favors na kailangang ibigay ang sinumang magwawagi sa anumang halalan. Subalit hindi dapat niyan maapektuhan yung trabaho mismo ng pamahalaan. Positions of confidence that demand loyalty on the part of certain officials sige. May ganyan naman talagang poisyon sa ilalim ng ating Civil Service Law. Pero yung mga may kinalaman sa patuloy na programa ng pamahalaan, hindi dapat yun saklaw ng kapangyarihan ng kahit na sinong appointing authority kung kailan nya gusto.

Which law ang pwedeng maghit sa powers ng presidency on appointment?

The administrative court of 1987. yun ang dapat maamyendahan at kasalukuyan na naming nirerepaso upang makapaghain ng batas para mabawasan itong 6,000 inappoint ng pangulo kada may bagong uupo.

Yung tungkol sa pagtulong daw ng isang reporter para makatakas si Capt. Faeldon...

Ang daming reporter na kumausap sa mga pumasok sa Pen, ang daming footage na iniinterview pa nga nila at nakita natin sa telebisyon, ang dapat sigurong makitang ebidensiya o pagbatayan ng ebidensiya kung saka-sakali documentary video at testimonial evidence. May tumetestigo ba na ang rason kung bakit siya nakatakas ay tinulungan ng diumano ng isang reporter? Pangalawa mayroon bang video footage na nagtuturo at nagsasabi na inalalayan pa niyang palabas ng Pen at siya pa ang ginamit na sangkalan sa mga sundalong nakabantay doon? At ang pangatlo mayroon din ba silang video na nagpapakita kung saka-sakali ng bagay na yon. They cannot blame third party for their incompetence, pinalibutan na nila ang buong Pen, ialgn libong sundalo at pulis na ang nandoon paano naman makakatakas ang nag-iisang tao eh kakaunti lamang naman at di hamak na kilala nila kung sino itong si Faeldon.

Tinatapos pa lang ng committee on justice and human right ang committee report kaugnay sa hearing na isinagawa sa paghuli ng media. May nakabinbin na ring petisyon sa Korte Suprema kaugnay ng bagay na ito. Personally ang paniniwala ko mali at illegal yung ginawa ng pulis sa pag-aresto sa media. Ito ay nagpadala ng chilling effect sa media kaugnay ng kanialng paghuli at ito ay pakikialam na at paglabag at paglapastangan sa freedom of the press na ginagarantiya ng Saligang Batas.

On economic recession worldwide...

Nakadepende tayo sa Amerika, sa pagbagsak ng ekonomiya ng Amerika marapat nating tingnan ang iabng alternatibo na pedng pagkunan n gating economic activity. Kabialng na dito ang mga bansa sa Southeast Asia kasama na marahil nag China. Ngayon pa lang dapat mag-diversify natayo at talaga namang nagda-diversify na ang Pilipinas kaugnay ng tarde sa iba't-ibang bansa. Bagaman pinakamalaking trading partner pa rin natin ang Estados Unidos hindi na ito katulad ng mag nagdaang dekada na halos 90% ng ating trade napupunta ta nanggagaling sa Estados Unidos. May epekto palagi ito subalit kung maaga tayong kikilos pede tayong magprovide ng safety partikular sa mahihirap nating mga kababayan na pagkain na ang tatamaan at hindi yun kawalan lamang ng ilang luxurious item na hindi naman nila mabibili.

On the proposal to amend VAT law...

Sisikapin namin ang pagdinig na ito sa araw na ito, hindi man isa pang pagdinig upang kumalap ng inpormasyon. Pero ibibinbin namin ang pag-file ng committee report hanggat wala kaming natatanggap na approve House version sang-ayon sa Saligang Batas.

News Latest News Feed