Press Release
January 4, 2008

Transcript of 777 Media Forum with Senator Mar Roxas

On the proposed suspension of VAT on oil, through Senate Bill No. 1962:

MAR: Ang unleaded gasoline, P45 per liter ang singil ng mga oil companies, ang VAT ng iyon ay P4.76. Kung walang VAT iyon, P39.99/L. So halos P5 savings bawat litro sa unleaded. Sa diesel at kerosene, ganoon din, apat na piso savings. Sa LPG, halos limang piso bawat litro, ang isang tangke ng LPG, P65 ang savings. Ang perang ito, kinokolekta ng gobyerno, at ang gobyerno ang gumagastos nito. Kung sa pangkaraniwang panahon, okey lang iyon. Pero sa palagay ko, hindi pangkaraniwan ang panahon ngayon. Sobrang mahal ang singil dito sa produktong petrolyo. Mabuti pa na imbes na ang gobyerno ang mangolekta at gumastos nito, mas mabuti na si Juan de la Cruz, na siyang kumita ng perang ito ang gumastos. Palagay ko mas mabuti iyon para sa ating ekonomiya at para sa ating lipunan kaysa gobyerno ang gumastos.

Maaari rin na sabihin ni Juan de la Cruz, 'Sandali lang, relax muna. Balik mo muna itong pera namin.' Number two, hindi naman mawawala sa gobyerno ang perang ito. Kapag itong perang ito na kinokolekta ng gobyerno ay inilagay sa bulsa ni Juan de la Cruz, gagastusin naman ni Juan de la Cruz ito. Pag gastos uli ni Juan de la Cruz ito, makokolekta muli ito. So hindi talaga mawawala ito. Kailangan lang na ang gobyerno kase imbes na mula sa tatlong oil companies at mga independent kokolektahin ito, kokolektahin ito sa mga libo-libong mga tindahan at iba pang bumebenta ng produkto. Pero iyon naman talaga ang trabaho ng gobyerno.

Ang prinsipyong ito ay simpleng-simple: pera ni Juan de la Cruz ito. Hindi pangkaraniwan ang panahon, at hindi helpless ang gobyerno. Huwag nating tanggapin ang sinasabi ng gobyerno na 'we are helpless, wala kaming magawa.' Mayroong magawa ang gobyerno - suportahan nila itong pagbalik ng pera ni Juan de la Cruz sa kanyang bulsa.

$100 per barrel is not normal. Sa lahat ng mga projections, itong $100/barrel ay mananatili at pang-mahabaan. Kung hindi $100/barrel, nasa may 80-90. Noong panahon na $20/barrel, parang hindi mababalik sa loob ng limang taon. Maaari na ang VAT on petroleum products was correct at the time when oil was $30/barrel. Tama sa ekonomiya iyon noon, pero when oil is at $100/barrel, hindi na tama iyon.

I don't know if the worst is yet to come, pero hindi na babalik ito sa $20-$30/barrel. The recent US inventory report shows that inventories in the US are actually lower than in the last seven weeks. So ang konsumo ng US is actually more than what they inventory for. Ibig sabihin ang demand nandiyan pa rin.

This month of January, we will lead the fight to get a consensus on this legislation. Unless maipakita ng gobyerno na mas maganda ang kanyang paggastos kaysa kay Juan de la Cruz, mas mabuti pa na si Juan de la Cruz, ang gumastos ng kanyang pera.

On the bicameral conference committee hearing on the Quality Affordable Medicines bill:

MAR: As you know, pasado na ang bill sa Senado. Bago nag-break, ipinasa na rin ng House of Representatives. During the break, kausap ko ang House trade committee chairman Rep. Tony Alvarez, at magse-set na kami ng pre-bicam at kung kinakailangan na bicam even during the break, para pagbalik ng sesyon ng Kongreso, marami na ang napag-usapan at mabilis na ang pagpasa nito.

Q: Will this be passed within the year?

MAR: Definitely, even within the first quarter or by February. Babalik ang Kongreso sa end of January. Hopefully, nakapag-pre-bicam na at nakapag-bicam na. We expect that we will come to the bicam and we will come to an agreement. Ang mahalaga rito ay hindi ito contest na parang tennis ang House at Senate versions. Ang importante dito ay ano ang pinakamabuting probisyon para madadagdagan ang kompetisyon dito sa pharmaceutical industry.

On the 2010 presidential elections:

Q: Senator Francis Pangilinan has said the Liberal Party has not chosen its standard bearer yet.

MAR: Tama naman. May proseso talaga ang partido, at dadating din iyon, at maaasahan na ang lahat ng partido ay magkakaroon ng proseso sa pagpili ng kanilang standard bearer.

Q: How do you react to former president Joseph Estrada's statement he may run in 2010?

MAR: Tapos na ang isyu na iyon. Si Erap mismo nagsabi na hindi na siya tatakbo. May constitutional expert at abugado na nagpaabot din ng kanilang views. Hayaan na natin sa mga abugado at political analysts ang mga bagay na iyan. Ang mahalaga rito yung laman ng bulsa ni Juan de la Cruz.

Tumakbo man o hinde si presidente Erap depende sa limitasyon ng batas, ang pagtakbo ng iba o pagtakbo ko, hindi ko naman masyadong iniisip iyon. Ang iniisip ko lang talaga ngayon ang pagtanggal ng VAT mula sa produktong petrolyo, pagtanggal ng pagpataw ng income tax mula sa mga minimum wage earners, at ipatupad natin itong Affordable Medicines bill para mabigyan kaginhawaan ang ating mga kababayan.

Ang pinag-uusapan nagyon lahat ng uri ng pulitika. Pero batay sa ano? Ito, kahit plataporma ito, makiki-alyado kami bukas sa kahit anumang grupo, partido, alyansa, NGO, sa pagsulong ng pagtanggal ng VAT sa produktong petrolyo, pagtanggal ng income tax mula sa mga minimum wage earners at ang affordable medicines bill.

We'll move the country forward, we'll give some relief to our people, and our country will be much better off, and Filipinos will be able to choose wiser. More money in the people's pockets means they are less susceptible to vote buying ang political patronage.

News Latest News Feed