Press Release
December 14, 2007

Transcript of interview with Senate President Manny Villar -- DZMM

Q. Kailan po ba ang bakasyon ng Senado?

SPMBV: Hanggang sa Miyerkules pa next week ang sesyon namin at marami pa kaming hahabuling panukala para mapagtibay bago mag-Christmas break. Noong Miyerkules, pinagtibay na namin ang budget at iyong panukala na magbibigay ng pautang sa mga magsasaka na walang interes. Kailangan kasing tulungan ang sektor ng agrikultura.

Q. Mr. Senate President, ano po ang gagawin ninyo sa mga government officials na hindi dumadalo sa pagdinig sa Senado tulad ng nangyari kahapon sa Manila Pen siege hearing ng mga senador.

SPMBV: Patuloy naming lalabanan iyan. Nais kong sabihin sa Pangulo na kaya siguro lumalabas sa survey na mas corrupt ang ating pamahalaan ngayon ay dahil sa pagtanggi ng executive department na ipadala sa Senado ang mga cabinet members. Siyempre, pag hindi mo pinadalo ang mga miyembro ng gabinete, hindi maiiwasan na i-assume ng tao na totoo ang mga bintang laban sa administrasyon. Kaya itong ginagawa ng pamahalaan ay nakakapagpalala sa imahen ng gobyerno na most corrupt. Palagay ko, dapat repasuhin ng gobyerno ang patakarang ito.

Q. Kumbaga, binibigyan sila ng pagkakataong magpaliwanag, pero hindi naman sumisipot.

SPMBV: Totoo iyan . Kasi kung hindi magpapaliwanag, iisipin ng tao na may itinatago ka at guilty ka.

Q. Mr. Senate President, mayroon ho kayong napuna na overcharging sa mga OFWs. Ano po ba ito?

SPMBV: Dati kasi ang exhchange rate nasa 51 kontra dolyar. Pero hanggang ngayon, iyon pa rin ang ginagamit na rate ng POEA sa paniningil ng membership fee ng mga OFWs kahit nasa 41 na ang level n gating piso kontra dolyar. Malaki ang matitipid ng mga OFWs kapag sinunod ang existing exchange rate kasi $25 ang membership fee bawat OFW. Pero nangako at naglabas ng commitment ang POEA na starting January 1, 2008, ibababa na nila ang sinisingil na rate sa OFWs.

Q. Kung hindi niyo pa siguro napuna, baka hindi pa umaksyon ang POEA.

SPMBV: Totoo iyan., Marami pa rin sigurong fees ang mga OFW na nakabatay sa mataas na forex kaya bubusisiin din natin iyan.

Q. Iyon po bang OMB ay may pag-asa pang mabigyan ng dagdag na pondo o zero budget na talaga ito?

SPMBV: Ako at ang iba pang Senador ay pinakiusapan ni Sen. Bong Revilla para ibalik sa dati ang budget ng OMB, as per proposed. Sa palagay namin, pwede na ring ituloy iyon.

Q. So wala ng threat na ia-bolish ang OMB?

SPMBV: dapat din kasi magtaas ng performance ang tanggapan na iyan dahil hindi talaga nasisiyahan ang Senado. Pero may mga empleyado kasi iyan kaya hindi rin basta-basta pwedeng itigil ang operasyon ng OMB.

Q. Wala na ring banta para sa eviction ni Edu Manzano?

SPMBV: Ang Senado ay tumitingin sa performance ng tanggapan at hindi ng specific o partikular na tao na nanunungkulan sa naturang tanggapan.

News Latest News Feed