Press Release
December 11, 2007

Transcript of interview of Senate President Manny Villar

SPMBV: Ito po si Manny Villar na bumabati sa inyong lahat ng isang maligayang pasko at. . .

Q: Marami daw po kayong hinahabol kaya kayo nagkokomersyal?

SPMBV: (Laughing). . . Sinong hinahabol ko?

Q: ChaCha sir! Binubuhay yung ChaCha sa House.

SPMBV: Yung ChaCha naman ay inaasahan natin na may magbubuhay niyan at iyan na nga ba ang sinasabi ko na merong mga mag-uulok sa pangulo na pagbumaba siya sa 2010. Sana hindi siya magpa impluwensiya diyan, dahilan sa talaga namang maraming magagalit at magugulo ang sistema ng ating gobyerno. Basta may proseso tayo at huwag nating shoshort-katin.

Q: Magagalit din kayo?

SPMBV: Matagal ko nang inaanticipate na merong magbribring-up kasi niyang mga ChaCha pag malapit na ang 2010. At ngayon nga ay medyo napaaga, 2007 pa lang ay may nagbring-up na. Nagmamadali naman pero sana tingnan natin kung ano ang mga iniisip ng tao at gawin natin ang lahat nang naayon sa ating konstitusyon.

Q: So you're saying that it's the plan of the president to stay on for at least . . . (inaudible)

SPMBV: Ako'y naniniwala na marami sa mga kaalyado ng pangulo ang magsasabi sa kanya o mag-uulok sa kanya na magtagal beyond 2010 at sana ay huwag naman siyang maniwala sa mga nag-uulok na yun dahil maganda na rin naman na maayos ang sistema ng ating gobyerno at naayon sa konstitusyon ang lahat n gating ginagawa.

Q: What prompted the moves for ChaCha?

SPMBV: Yung ChaCha talaga ay buhay naman. Iyan ay nawawala lang at naitatabi subalit hindi yan nawawala ng lubusan. Siyempre parating merong magpropropose niyan at malalaman natin kung dadami iyan o hindi depende sa kung itutulak yan ng pangulo sa mga darating na panahon.

Q: Hindi pa nakakarating sa Senado ay patay na. . .

Q: Sir, may isang libong pulis at military ang nagbantay kay Trillanes sa hearing sa Makati , warranted po ba yun o hindi?

SPMBV: Overkill naman yung isanlibo, sayang naman baka marami tayong mga krimen nangyari sa dami ng pulis na nagbabantay kay Sen. Trillanes pero gayunpaman ay siguro gusto lamang nilang ipakita na sila ay mahigpit sa pagbabantay kaya marami sila.

Q: Nilayo yung media, hanggang tanaw tanaw nalang.

SPMBV: Kala ko kayo ang binabantayan. . . (Laughing)

Q: (inaudible) . . . yung resolusyon ni Sen. Miriam?

SPMBV: Ah yung resolusyon ni Sen. Miriam na humihingi ng pag-imbestiga kay sen. Trillanes ay nirefer na sa ethics committee at titignan naman ng Senado iyan sa tamang panahon. Mas maganda siguro kung titignan na lamang iyan pagkatapos ng pasko na kung saan maliwanag na ang mga pangyayari, maliwanag na ang naging role ni Sen. Trillanes, at matahimik na, makikita natin sa tamang perspektibo ang nangyari.

Q: What do you mean, obstacle daw po yung the composition of the ethics committee?

SPMBV: Ang ethics committee naman ay binubuo ng mga miyembro na nominated ng minority o majority. Wala tayong magagawa kung sinu-sinong miyembro yan at in the end, buboto naman ang lahat diyan kung anuman ang magiging desisyon laban kay Sen. Trillanes. Ang lahat naman ay magkakaroon ng pagkakataon na bumotto kung saka-sakali ito ay pagpapasyahan ng ethics committee.

Q: Hindi pa nga buo eh, will you nominate o (inaudible) . . .

SPMBV: Pwede rin naman, hindi naman tayo nagmamadali sa pagbuo niyan. Sa akin ay maliwanag na gusto ko sa Senado na unahin itong mga panukalang nakasalang sa ngayon. At sa pagreresume ng sesyon naming na January ay saka na anatin bubuuin yang ethics on committee.

Q: Pero assured naman na hindi kayo mananahimik on Trillanes case?

SPMBV: Hindi naman, gusto lang naming maging maliwanag muna para hindi paulit-ulit ang imbestigasyon.

Q: Sa LEDAC, ano yung update? Yung pinag-usapan sa LEDAC, kasama na ba yung cheaper medicines bill?

SPMBV: Hindi, pasado na eh.

Q: Pero sa . . .

SPMBV: Sa priority? Oo, parating namang pareho ang priority. Hindi naman nawawala. . .

Q: Pinapabayaan sa House eh.

SPMBV: Ah hindi hindi, kasama sa priority ko yan, sa budget, number one sa priority. Ang budget, ang cheaper medicine, ang amnesty. . .

Q: Yung JPEPA?

SPMBV: Hindi pa, hindi na natapos yung JPEPA.

Q: Sa toyguns nalang po, pakiulit, kasi may nabiktima na sa Laoag eh.

SPMBV: Yung sa toyguns, ako'y naniniwala na dapat talagang ipagbawal yan sapagkat marami talagang gagamit niyan sa masamang paraan kaya mabuti pa habang maaga ay itigil na ang pagbebenta niyan.

News Latest News Feed