Press Release
December 3, 2007

Transcript of interview with Senate President Manny Villar with Unang Hirit

Q: Mr. Senate President, ano po ang pananaw niyo sa mungkahing pagpataw ng parusa ng Senado kay Trillanes?

SPMBV: Proseso ng Senado na kapag may nag-file ng resolusyon, ay agad itong talakayin ng mga senador. Ito ay ire-refer agad sa appropriate committee at bahala na ang chairman kung iyan ay didinggin niya o hindi. Pero iyan ay numbers game. Ang desisyon ng mayorya ng mga Senador ang mangingibabaw.

Q: Under the rules of the Senate, ano po ba ang mga kaso para ma-expell ang isang Senador?

SPMBV: Yung conduct unbecoming ng isang Senador. Isang malaking isyu iyan. Pero iyan ay nangangailangan ng 2/3 na boto ng buong Senado. Hindi mo rin naman kasi basta-basta magagawa sa kapwa mo Senador na boboto ka to expel him. Napakagrabe ng isang krimen o nagawang kasalanan ng isang Senador para ang kanyang kapwa Senador ay bomoto laban sa kanya. Bagama't, bibigyan namin ng due course ang bagay na ito kung may magpa-file ng resolusyon, di rin ako naniniwala na ito ay magpa-prosper.

Q: Anong proteksyon ang pwedeng maibigay ng Senado kay Trillanes gayung yung kanyang ginawa ay labas sa kanyang tungkulin?

SPMBV: Sa ngayon, ang kaso ni Sen. Trillanes ay nasa judiciary. Mayroon din siyang petition sa Supreme Court na i-allow siya na magperform sa kanyang duty as a Senator. Iyon ang hinihintay namin. Hindi namin pwedeng saklawan ang kapangyarihan ng judiciary.

Q: Kung napagbigyan si Trillanes na makapag-attend ng mga sesyon at Senate hearing, sa tingin po ba ninyo, hindi na aabot sa ganito ang kanyang hinaing at pag-aalburuto sa gobyerno?

SPMBV: Hindi ko rin masasagot iyan. Ako mismo ay sumasang-ayon sa iba niyang hinaing dangan nga lamang at hindi naman maaari yung kanyang ginawang paraan. Hindi ko talaga masasabi kung magbabago ang kanyang mga pananaw sa kanyang pinaglalabang isyu kung pinayagan siyang makapagtrabaho bilang Senador.

News Latest News Feed