Press Release
November 29, 2007

Tanscript of interview with Senators Mar Roxas and Noynoy Aquino
at the 'Kapihan sa Senado,' on the walkout and march of Sen. Antonio Trillanes at Makati

Q: The guys are asking for reaction from the two senators about what's happening now in Makati. I think the action is right there at the monument of the late Ninoy Aquino.

MAR: Nananawagan po kami na ang rule of law ay ang dapat na mangibabaw sa atin. Iyan lamang ang maari nating sandigan sa panahong ito. Maging mahinahon po tayo, ang karahasan ay iwasan natin at ang ating mga kababayan ay siguro dapat subaybayan ito.

Noynoy: Hindi ko alam kung bakit papunta sila sa monumento ng tatay ko. Pero masasabi nating marami sa mga tao sa bayan natin ngayon ang frustrated. Kahit kami dito sa Senado, may mga pagkakataon na lahat ng kapangyarihan ay tila nababawasan, sabihin mo na iyong pagkukumpirma sa mga secretaries sa Commission on Appointments. Noong panahon ni Secretary [Butch] Abad, record na yata na apat na beses siyang na-bypass. Iyong apat napaka-minuscule sa kasalukuyan. Pagdating sa budget eh madalas na napaparinig sa atin na manili kayo, reenacted, o tangggapin na lang ang buong-buo. Iyon ang aming mungkahi sa inyo. So, sana 'yung paghihinga natin na lahat tayo hindi lamang sa espiritu ng batas, at hindi lang sa letra masasabi natin pero pati na rin doon sa letra ng batas. At hindi lang doon sa nagmamartsa sa Makati ngayon. Pero isama na rin natin lahat ng sa gobyerno. Etong batas na 'to supposedly pangalagaan ang interes ng lahat, hindi ng iilan lang. Sana hindi tayo humantong sa panahon ng desperation, o frustration na sa maganda sumiklab sa isang bagay na walang magkakagusto.

Q: Hindi kaya medyo puno na ang taumbayan da mga nangyayari sa atin?

Noynoy: Nandoon na iyong voting with their feet. Gaano karami na ba ang OFW na nakaalis, paalis, aalis pa lang? Sa TV doon, kung hindi ako nagkakamali, napanood ko e. OFW. Nakahinto sa Morocco, tiyak na makakapasok sa Europe, tinutustusan ng mga kamag-anak sa Europe naghihintay. Miski ano pa ang gastusin na pinag-uusapan doon ay tila mas maganda pa ang hinaharap nilang hindi tiyak kaysa sa dito sa bahay natin na tiyak walang mangyayari. Pagbebenta ng mga istorya sa media noong isang araw ng mga kidney, among other things sa Baseco Compound. Hindi ba parang puro acts of desperation na rin 'yung sinasabi na iyan?

MAR: Nagpapakita ito ng kawalan ng pag-asa sa pagreporma sa kasalukuyang gobyerno. Ang sagot dito, sa gobyerno, ano? Ang sagot dito ay hindi dapat 'yung kamay na bakal upang pambawi o sa pag-walkout dito sa pagpahayag ng kanilang pananaw pero ang makabuluhang mga programa at reporma na siyang tutulong talaga sa kahirapan ng ating mga kababayan. Lahat nitong nababasa na magandang statistika sa ekonomiya ay nasa pahayagan lamang iyan eh.

Q: Is Senator Trillanes a potential Liberal Party member?

MAR: We recognize Senator Trillanes as a colleague here in the Senate. We have fought very hard at every instance to give him all the rights, the privileges, that more than 10 million of our kababayans have accorded him. We look upon him as a full-fledged senator, and I look forward to working with him once he is allowed to join us here in the Senate.

Q: Being the new LP President, what is your message to such a potential LP member?

MAR: Not in the context that he is a potential LP member, I'm not aware of any such negotiations, but I would convey to him through the media - Senator Trillanes, we hear your frustration, the cynicism, the estrangement from the government that is in your voice and in your positions. Be calm, and do not bring this to a point where our people's blood will be shed.

Q: Do you think he'll be able to bring in a large crowd?

MAR: We're not aware of these moves or these actions or these plannings. We are observing them even as you are at present.

We call for the observance of the rule of law by all sides, not just by Senator Trillanes and Gen. Danny Lim, but as well by the police officials, the military establishment, the security establishment. The lack of following the rule of law is one of the reasons na dumating at humantong na tayo sa okasyong ito.

Yung mga disappearances, yung pag-subvert ng mga institutions, yung pagbabalewala sa mga checks and balances, ang pagsasantabi ng karapatan ng ating mga kababayan as pamamagitan ng kanilang mga representante at senador na malaman ang mga detalye ng mga kontrata - lahat ito ay nag-contribute, na dumating tayo sa panahong ito na halos walang pagkatiwala ang ating mga kababayan sa gobyerno. Kaya ang panawagan natin, obserbahan natin yung rule of law.

Q: Could this have been timed with tomorrow's holiday?

MAR: Maaari. Isang makasaysayang okasyon ang ipagdiriwang bukas, yung National Heroes Day. But we're not aware of any such plans. Just the other day, we celebrated the 75th birthday or our national hero, Senator Ninoy Aquino. Pinagdiriwang natin doon ang pananaw that indeed the Filipino is worth dying for. The Filipino is worth dying for, the Filipino is worth reforming for, the Filipino is worth working hard to find solutions for, at dapat magsama-sama tayo para malutas natin ang ating mga problema.

News Latest News Feed