Press Release
November 23, 2007

Transcript of ambush interview with Senator Mar Roxas on Liberal Party
and Pardon of Pablo Martinez

On the Liberal Party National Executive Council meeting on Monday, November 26:

MAR: Yung executive committee ng Liberal Party ay magpupulong sa Lunes, at isa ako sa lalahok sa pagkapangulo ng Partido Liberal. Hindi ko alam kung mayroon pang iba, o baka isa lang.

Q: Ano'ng ibig sabihin nitong pagiging LP President?

MAR: Mabibigyan tayong pagkakataon hubugin ang plataporma ng ating partido, at dalhin ang partido natin sa, sa aking palagay, makabuluhang mga concern ng ating mga kababayan, yung kakulangan ng pagkakakitaan, yung sobrang mahal ng bilihin, yung mga extrajudicial killings and other assaults on civil liberties. Ito yung mga concern ni Juan de la Cruz, at inaasahan ko na ang Partido Liberal ay magiging kabahagi ng solusyon dito sa mga problemang ito.

Q: Sabi ni Environment Sec. Lito Atienza na challenge sa inyo na pag-isahin yung dalawang paksyon ng LP.

MAR: Sisikapin natin ang lahat ng magagawa natin na mapag-isa nga ito. Sa palagay ko naman, walang magdi-disagree na itong mga problema, mga kakulangan ng pagkakakitaan, sobrang mahal ng bilihin, yung kakulangan ng trabaho at hanapbuhay sa ating bansa, yung assaults on civil liberties, ay yung mga dapat bigyang atensyon ng ating mga pulitiko at ng ating partido. Of course, kabahagi natin iyan, ang pagkontra sa korupsyon, sa katiwalian. Ang Partido Liberal ay kabahagi sa laban na iyan, at maaasahan na hindi natin uurungan, hindi natin aatrasan iyang laban na iyan.

Q: So welcome yung Atienza wing sa Monday.

MAR: I think that there will be many of them who will be there. Imbitado naman silang lahat. And we look forward to a successful Monday.

On the pardon of Pablo Martinez, suspect in the killing of Sen. Ninoy Aquino:

MAR: Nakakalungkot na pinagkaloob nitong pardon. Hindi natin dine-deny na ang pardon ay isang kapangyarihan ng pangulo, at hindi rin natin dine-deny yung policy na seventy years old. Ang sinasabi lang natin ay kataka-taka na biglaang lumabas ito, marami pa namang seventy year olds na hindi binibigyan ng pardon. Pangalawa, napakalapit ito sa araw ng pagkapanganak ng ating bayani si Ninoy Aquino. Kataka-taka yung timing. Anyway, nandiyan na iyan, at para sa ating sambayanan, kilala naman na ang sakripisyo ni Ninoy Aquino ang siyang naging mitsa para makamit natin uli ang ating kalayaan.

Q: Could it be a means of getting back for former President Corazon Aquino's calls for PGMA's resignation?

MAR: Anything is possible, maaaring ganoon ang nangyari. E kung ginawa ng gobyerno na gumawa ng listahan ng mga seventy years old, at pare-parehas ang treatment sa mga ito, mas mauunawaan na hindi ito personal laban sa pamilyang Aquino o laban kay dating Pangulong Cory Aquino. Kataka-taka na biglang lumabas ito, wala namang clamor, wala namang notice, walang paabiso at ito lang ba ang seventy year old? Ano ba ang katangian ng kasong ito na nabigyan ito agad-agad kontra sa iba.

News Latest News Feed