Press Release
November 20, 2007

Transcript of interview with Senate President Manny Villar
with Senate reporters

Q: On World Bank

SPMBV: Dapat naming tingnan iyan. Ang Senado ngayon lahat ng mga ganyang bagay iimbestigahan namin. Siguradong merong magpa-file ng resolusyon tungkol dito at kami naman ay nakahandang tingnan ito. Gusto ko lang liwanagin na hindi naman kami naghahanap ng iimbestigahan kaya lamang dumarating ang mga problemang ganito kaya wala naman kaming magagawa dahil ito ang aming trabaho. At kagaya nito na ang World Bank mismo ay nakakita nitong anomalya na ito, talagang maoobliga kami na mag-imbestiga dito.

Q: This is an international body saying we will not give you money unless you shape up...

SPMBV: Iyong pagsasabi na corrupt ang isang bansa ay hindi masyado iyan bagamat nakakahiya. Subalit ito, specific kasi ang kaso, talagang merong isang particular na proyekto na nakakita sila ng anomalya kaya obligado tayong tingnan ito. Talagang malaking kahihiyan ang inaabot natin. Ayoko namang sabihin na lahat ng ahensya ng gobyerno ay papayagan itong mga ganitong mga transaksyon. Kaya wala kaming choice dito. Inuulit ko na hindi naman kami mahilig kaya lang wala kaming choice. Ito ay talagang obligasyon namin na mag-imbestiga ng mga anomalya.

Q: With respect to the North rail, they are seeking for a reinvestigation...

SPMBV: Ang sa akin, basta maliwanag lang na merong resolusyon, ito ay pag-uuspan namin. Depende kasi kung ano ang hahanapin natin dito. Kunwari, Speaker ang iimbestigahan natin, titingnan muna natin iyan kasi hindi naman tayo dapat nag-iimbestiga ng ibang miyembro ng co-equal branch. Pero ang North Rail naman, sinabi naman ni Speaker na merong mga iba na involved diyan at nakakaalam niyan, hindi naman niya alam iyan. Kung pwedeng gawin iyan, gagawin natin iyan titingnan natin ang North Rail.

Q: May problema kung si Speaker mismo ang iimbestigahan?

SPMBV: Hindi natin kayang ipatawag si Speaker dito, Subalit iyong mga ibang may nalalaman puwedeng ipatawag.

Q: Meron na ba?

SPMBV: Wala pa namang resolution.

News Latest News Feed