Press Release
November 19, 2007

Transcript of Interview with Senate
President Manny Villar (DZRH)

Q: Comment tungkol sa diumano ng house at senate hahawakan ang control ng inyong sariling security contingent?

SPMBV: Yun ang hihilingin namin. Dahilan sa hindi pa naman inaaprubahan yan. Noong una kasi ganyan ang sitwasyon. At nung una kasi sa AFP yan. Kahit papano ay kami ang nagpapatakbo niyan. Subalit nung mga nakakaraang panahon, ay yan ay tinake over ng PNP bagamat kami ay nababahala. Hindi ka naman pwedeng umangal. Subalit ngayon na may nangyaring bombing ay medyo kabado na kami diyan. Minarapat namin na hilingin yung PNP sa Pangulo na kami na maghawak o gagawa na lang kami ng budget para separate na ang aming police force gaya sa Amerika.

Q: Dati ang marines ang humahawak ng security dyan sa senado hindi po ba?

SPMBV: Oo at sa House at kahit paano naman ay sila ay nasa operational control namin. Ngayon PNP na. Mahirap kasi gaya nitong may bombing sa house ay may dumating na 2 trak ng police forces sa amin bagamat posible ngang intensyon niyan ay magbantay ay siyempre nakakaduda yan biglang may dumating na 2 trak na armadong mga pulis.

Lalo na't walang abiso.

SPMBV: Yun ang isa pa, walang abiso. Baka kako hindi natin malaman kung ito ba ay parang take-over, doubtful kami, dapat sana ay nagbigay ng abiso sa amin. Pero para simple na lamang at walang confusion, kami na lang sana ang mag-ko-control ng aming mga police dito.

Q: So ang Senate at House pareho na po ang gagamiting security process?

SPMBV: Pag-uusapan namin mamayang 8:30, mayroon kaming breakfast meeting with General Razon at pag-uusapan namin at sana pumayag sila at para maganda ang usapan. Kung hindi naman kasi ay mapipilitan kaming gumawa ng aming sariling budget. Para magkaroon ng sariling force ang ating Kongreso. Pero maliit lang naman. Pang-gwardiya lang naman.

Q: Kumusta sa senado? Meron bang immediate - para repasuhin ang oil deregulation law?

SPMBV: parating meron bagamat hindi makakuha ng sapat na numero kaya hindi makaabante. Ang sa amin kasi naghahanap na lang kami ng parang compromise. Kahit paano bigyan na lang ng mas maraming authority ang Department of Energy. Sa ngayon naman may authority sila, hindi lang nila ginagamit. Dapat sigurong liwanagin ito, hindi natin alam kung umaabuso ang mga oil companies.

Sa IRR may inter-agency committee na mag-ooversee ng presyo�

SPMBV: totoo naman yun, bagamat deregulated tayo ay hindi naman dapat absolute yan. Maski naman sa Amerika, ang oil deregulation nila ay hindi absolute. May tinatawag sila na anti-trust, bawal sa kanila ang mga nag-ca-cartel. Dito sa atin ay talagang maliwanag sa mga ginagawa ng mga oil companies ay may cartel talaga at ang mga ganitong sitwasyon ay bawal sa Amerika bagamat deregulated sila. Ang gusto ko sana pati dito ay ipagbawal na rin yan. Kasi sa Amerika pag nag-usap usap kayo tungkol sa presyo ay bawal yon, makukulong kayo. Kaya pag pumunta kayo sa Amerika, makikita niyong ang presyo ng gasoline roon ay nag iiba- iba bawat gasoline station. Yung ang gusto sana nating mangyari dito. Makasiguro tayong naglalaban laban ang mga gasoline companies at hindi umaabuso.

At sa amerika ang adjustment ng presyo hindi sabay sabay at hindi pare pareho.

SPMBV: Yes yan ang sinasabi ko hindi pare pareho. Merong epekto yan kasi bumaba ang presyo ng dollar. Kaya ang pagbaba nito dapat ide-deduct yan sa increase naman ng presyo ng langis.

Q: Mukhang hindi nagiging transparent ang mga oil companies, ano ho? Yung pagtaas ng halaga ng piso laban sa dolyar, pagkatapos yung adjustment ng market price ng crude oil, mukhang hindi po tama yung mga adjustment na nangyayari.

SPMBV: tama yan at malaking hinala ko talaga na gumagana na naman ang cartel sapagkat ngayon pag nagtaas sila sasabihin nila tumaas ang presyo ng langis. Hindi ipinapaliwanag kung magkano ang neto ng itinaas ng dolyar.

Pero ang Department of Energy dapat na gumagawa ng paraan tungkol dito.

SPMBV: Sa palagay ko hindi lang nila ginagawa ang tungkulin nila dahil kahit deregulated tayo ay mayroon din naman silang karapatan na tingnan ang libro at at least sabihin sa ating mga kababayan na mali yan.

Ngayon ang nangyayari Department of Energy pa ang nag-aanounce ng pagtaas ng presyo

SPMBV: Palagay ko ay kaibigan na rin kasi nila ang mga yan. Kaya dapat kumuha tayo ng talagang magbabantay.

Isa sa natatanggap naming tungkol sa pagtaas ng ekonomiya natin dahil sa peso umano kaso maraming natatakpan especially mga call center agents, yang mga may ofw na kapamilya. ano po ang kayang gawin ng senado?

SPMBV: Tinitingnan naming mabuti yan. In fact maghe-hearing ang senate committee on economic affairs ngayon para tingnan yan at makapag-participate kami at matanong lang kung ano ba talaga ang kadahilanan. Alam naman natin na siyempre kung maraming dolyar na pumasok, bababa ang exchange rate. Gusto nating makita kung may mga programa ang gobyerno o kung sila ay nakakatulong pa sa pagbaba lalo ng exchange rate. At kung meron man ay sana mabawas-bawasan yon, para hindi naman masyadong bumilis at lumalal ang pagbaba ng dolyar. Of course nais ko ring banggitin sa buong mundo kasi ang pagbaba ng currency ay tumataas laban sa dolyar. Hindi naman kasi masyadong tumataas ang currency. Ang dolyar ang bumababa. At ito ay dahilan sa maaring ngayon ay magkaroon ng recession sa Amerika - isang kadahilanan kung bakit bumababa ang dolyar.

News Latest News Feed