Press Release
November 5, 2007

TRANSCRIPT OF INTERVIEW WITH
SENATE PRESIDENT MANNY VILLAR

Q: Senate Agenda?

SPMBV: Sa pag-resume ng session, siyempre lahat ng tinatalakay namin noon na hindi natapos ay tatapusin, pero ang budget ang pinakamahalaga diyan. Sa palagay ko kasi papasa na ang budget sa mababang kapulungan. Kinakailangan nang paghandaan namin pero maganda naman ang takbo dito sa finance committee, naniniwala ako na kayang pumasa ang budget bago matapos ang taon - eto ang isang bagay na gusto naman natin talaga at gusto nating magkaroon ng budget before the year ends. Dito naman sa dalawang treaty na naghihintay ng rejection o ratification - etong JPEPA at Australian Philippines Visiting Forces Agreement ay yan ay bibigyan din natin ng prayoridad. At bukod diyan, yung iba pang mga panukalang naglalabasan na sa iba't ibang mga komite ay pipilitin nating maaprubahan upang maipagpatuloy natin ang tradisyong nasimulan na - na maraming naipapasa ang Senado. Yung mga imbestigasyon naman tuloy rin yon. Wala naman tayong ipagpapaliban, ang lahat ng imbestigasyon na nakasalang ay itutuloy at kung mayroong mag-pa-file ng resolusyon sa iba't ibang topic basta in order ay yan ay tuloy tuloy nating tatalakayin. Sabay-sabay gagawin ito - yung pagpapatuloy ng imbestigasyon, pagsisimula ng mga bagong imbestigasyon yung mga pagtalakay sa budget pagtalakay sa mga treaties pagtalakay sa mga panukala at ang iba't iba pang trabaho ng Senado gaya ng pagdulog sa supreme court ang lahat ng iyan ay sabay sabay nating gagawin para makarami tayo ng accomplishment bago mag-adjourn for Christmas.

Ang style naman natin ng management ay multi-tasking. At sabay sabay nating gagawin yan. Hindi tayo yung style na ipagpapaliban, pagka may ginagawang isa ay ipagpapaliban muna ang isa. Lahat ng trabaho natin ay sabay sabay nating gagawin nang sa ganon ay manatili tayong pinakamasipag na ahensya ng gobyerno sa Pilipinas.

Q: Budget?

SPMBV: Well ang budget siyempre kung magkakasundo tayo ng mababang kapulungan dito. Pero kung kami ang tatanungin, siyempre mas gusto naming mapasa ng madali yan. Sapagkat napakahalaga sa isang bansa na mayroon tayong budget - bagamat siyempre hindi natin masisiguro na wala tayong makikitang dapat ipaliwanag ng executive department diyan, kinakailangan nilang ipaliwanag to our satisfaction yung mga problema na yon. So assuming kung walang masyadong magiging suliranin sa budget, papasa yan bago magtapos ang taon.

Q: tandem for 2010

SPMBV: Maganda namang tandem yon, ang sinasabi ko lamang ay maaga pa ang anumang pag-uusap sa mga tandem. Napakarami talagang mangyayari sa mga darating na taon. At bagamat lahat yan ay qualified, lahat ay pwedeng magpresidente, ang kapalaran lamang ang makakapagsabi kung ano ang mangyayari sa 2010.

Lahat naman yan ay nasa tambiolo at bubunutin na lamang ang bola kung sino ang mabubunot sa 2010.

Q: Villar-Jinggoy?

SPMBV: Lahat naman yan ay posible, pwede ring Jinggoy-Villar, lahat ay posible subalit sa ngayon masyadong maaga pa at ang sa akin ay hindi natin iniisip yan. Napakahirap mag-isip sa mga bagay na ganyan napakarami pang mangyayari.

Q: Hindi niyo iniisip na threat si Jinggoy?

SPMBV: Hindi, wala naman tayong iniisip na threat sa ngayon, sa tingin ko kailangang masiguro muna natin na magkakaroon ng eleksiyon sa 2010.

Q: May Clout pa ba si Erap

SPMBV: Oo. Ang pangulong Estrada ay isa pa ring iginagalang at lider ng oposisyon. At sa mga miyembro ng oposisyon hindi naman dapat pre-pressurin ang dating pangulo at kalalabas lamang ay binibigyan kaagad ng malisya o kung anu-anong masamang ispekulasyon. Hindi naman fair yan para sa dating pangulong Estrada. Naniniwala ako na 6 na taon siyang tumutulong sa oposisyon, dapat namang kilalanin yon at bigyan siya ng sapat na panahon para makapagbigay ng statement sa isyu na ito.

Q: Kaya bang manalo ng isang opposition member without erap endorsement?

SPMBV: Hindi natin masigurado kung sino yan pero sa palagay ko malaking tulong ang endorsement ng dating Pangulong Erap Estrada.

Q: Andaming nasa tambiolo

SPMBV: Hindi naman lahat yan tatakbo maraming nakapasok lang ang pangalan sa ultimo hora hindi naman lahat yan tatakbo

Q: Do you support kiko on alternative politics

SPMBV: Pwede rin yan. Ang totoo niyan ay maraming mga nangyayari at bigla-biglaan na lamang halimbawa nananahimik tayo, biglang may sumabog sa Makati at hindi naman natin alam ang kadahilanan. Ang mga ganyang bagay ay nagpapakita lamang na may mga nangyayari na posibleng maganap na magpapabago sa landscape sa pulitika.

Q: Yung lakas may lakas pa ba

SPMBV: Merong pang lakas. Malakas pa rin ang lakas, malaki lang ang inihina. Tayo naman ay open invitation sa lahat ng magagaling na sumama sa Nacionalista Party.

Sa tingin ko makakabangon pa rin ang lakas, depende kung sino ang makakasama nila sa darating na panahon.

Q: Kaya ba ng NP na bumuo ng third force?

SPMBV: Hindi ko naman sinasabing third force, ang sinasabi ko lamang ang Nacionalista Party ay makapagbubuo ng ticket from the President down to the councilors.

Q: With or without erap's endorsement?

SPMBV: Maski na anong partido na inaanyayahan naman naming mag-form at siyempre lahat naman ng posibleng endorsement ay kukunin natin at isang malaking bagay kung ang partido naman ay ie-endorse ng Pangulong Erap.

Q: Macarambon? Chances sa CA?

SPMBV: To be fair with Judge Macarambon, hindi ko kilala si Judge Macarambon, masasabi ko lang nawalan ng pagkakataon ang Pangulo na magpakitang gilas sa appointment ng commissioner ng Comelec. Kung sana isang kilalang impartial at objective ang na-appoint doon ay malaking bagay ito sa image ng Comelec. Subalit to be fair with Judge Macarambon, hindi ko masasabi ang kanyang fairness and objectivity at hindi ko masasabi ang performance niya at iyon ay susuriin naming mabuti sa Commission on Appointments.

Q: Dapat bang ituloy ang impeachment?

SPMBV: Yan ay iniiwan ko sa mababang kapulungan, sa aking pagkakaalam ay pinapag-aralan ngayon kung itutuloy ang impeachment, aamendahan, aling impeachment ang ipa-file, hindi natin malaman kung iaamenda lang ang impeachment nung isa at kung babaguhin o magpa-file ng bago. Pero ang alam ko may mga rules ngayon na kung nairefer na, mahirap nang baguhin so kinakailangang pag-aralang mabuti ang legal aspects.

News Latest News Feed