Press Release
November 5, 2007

TRANSCRIPT OF INTERVIEW WITH
SENATOR JINGGOY EJERCITO ESTRADA

Jinggoy-Binay tandem in 2010?

SJEE: Hindi totoo yan.

Binay-Jinggoy?

SJEE: Hindi rin totoo yan. Walang totoo roon. Nasabi lang ni Sen. Maceda during the visit of Pres. Erap in Tondo. I think he just said that in jest. Maybe they are exploring the possibility. Pero ako magta-trabaho muna ako bilang senador sa nalalabi kong taon dito sa Senado.

Ayaw niyo bang puntahan ang narating na tugatog ng tatay niyo?

SJEE:: Sino ba naman ang ayaw? Sinasabi ko sa talumpati ko, lahat na halos kinaya ko. Nag-artista siya, nag-artista ako. Nag-mayor siya, nag-mayor ako. Nag-senador siya, nag-senador ako. Nagpalaki siya ng tiyan, nagpalaki din ako. Nagpakulong siya, nagpakulong din ako.

Magba-vice ka muna?

SJEE: Wala akong sinasabing ganun.

Nag-presidente siya, magpe-presidente ka rin?

SJEE: Wala aking sinasabing ganun.

Strong vice president daw kayo, kung sakali?

SJEE: Hindi ko alam. It's up to the people to decide. I'm still not thinking about it. Ang iniisip ko lang ngayon ay kung paano makakapag-pasa ng batas na mapapakinabangan ng ating mg kababayan. Ngayon, na-aprubahan na ang isang batas ko ngayon, Batas Kasambahay. Mag-iisip pa ako ng mga batas lalo na para sa mga overseas Filipino workers.

Ang pag-iikot daw ngayon ni Erap ay pangngampanya na, to feel the pulse of the masses?

SJEE: No, hindi naman. Siya ay umiikot sa Metro Manila para magpasalamat sa mga supporters, na hanggang ngayon ay naniniwala sa kanya.

Kung lalaban kayong vice-president, kalaban niyo si (Sen.) Bong (Revilla)?

SJEE: Hindi. Malayo pa yan, tatlong taon pa yan. Bahala na. Marami pa namang mangayayari. Pwedeng tumakbo ako bilang senador ulit.

Sa mga lumulutang, sino ang pinakamatibay na panlaban ng oposisyon?

SJEE: Lahat naman sila matitibay. Nandiyan si Senator Loren, si Sen. Villar, Sen. Roxas. Lahat yan matitibay.

Kahit sino sususportahan niyo?

SJEE: Kung sino ang mapipili ng oposisyon. Siyempre ang partiodo muna ang magdede-desisyon kung sino ang napupusuan nilang tumakbo.

Tatanungin muna kung sino ang willing...

SJEE: Lahat naman sila willing.

Pati kayo?

SJEE: Wala pa naman akong iniisip. Nung isang linggo lang lumabas sa diyaryo yan. Pati ako nagulat.

Matingkad pa ang Erap factor?

SJEE: Yes, definitely. He's still a force to reckon with.

Hindi pa ba nababawasan ang galit niyo kay FVR?

SJEE: He's the one who started it all. When Pres. Arroyo was about to give the pardon to Pres. Estrada, I saw him on TV saying that we will have a terrible calamity, once Pres. Estrada gets the pardon. Siya ung tunay na kalamidad. Akala mo kung sino siyang malinis. Nung panahon niya, lumbas ung mga scams, mabibigat. Ung mga pinirmahan niyang mga kontrata sa IPP, lahat yon may "under the table."

May dating pa ba sa tao si FVR?

SJEE: Tingin ko wala na.

Anong role ni Erap sa 2010.

SJEE: He will still be the figurehead of the opposition, up to now.

Can he unify the opposition?

SJEE: Yes, definitely. Especially now that he's outside.

Isa lang ang magiging kandidato ng oposisyon?

SJEE: Palagay ko. Hopefully.

News Latest News Feed