Press Release
October 19, 2007

PAGGAWA SA SLEx MADALIIN- REVILLA

Iginiit ngayon ni Senador Ramon "Bong" Revilla Jr. sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na apurahin ang rehabilitasyon ng Southern Luzon Expressway (SLEx) upang maibsan ang pagkaabala ng mga motorista.

Ito ang panawagan ng senador bilang tugon sa dumaraming reklamo ng mga motorista hinggil sa matinding traffic jam na nararanasan sa SLEx bunsod ng iba't ibang construction works dito.

Ayon kay Revilla, dapat tiyakin ng DPWH ang maayos na pangangsiwa ng trapiko sa 30-kilometrong SLEx upang mahinto na ang sipik ng trapiko dito na umaabot ng mahigit tatlong oras tuwing hapon at gabi.

"Pabigat sa mga motoristang regular na gumagamit ng SLEx ang tiisin ang tatlong oras na biyahe nitong mga nakalipas na buwan mula sa isang oras lamang na biyahe noong nakarang taon. Mahalagang oras ang nasasayang dito," ani Revilla, chairman ng Senate Committee on Public Works.

Base sa ulat, bumagal nang matindi ang biyahe sa SLEx nang kumupad ang paggawa sa Alabang viaduct dahil sa kawalan ng pondo para sa nasabing proyekto.

Naulat rin na sinabi ng Philippine National Construction Corporation (PNCC), operator ng SLEx, na ang palpak na pangasiwa ng trapiko ay resulta ng construction delays ng Malaysian firm na MTD Capital, na siyang namumuno sa grupong gumagawa ng nasabing highway.

Ang 25- taong prankisa ng PNCC ay napaso na noong Abril 30.

Sinabi ni Revilla na dapat pagtuonan ng pansin ng DPWH ang mga naturang ulat upang madetermina kung may pananagutan ang must also PNCC at ang partner nito.

Nagbabala siyang gagrabe pa ang traffic jam sa SLEx kung magpapatuloy ang mga construction delays, lalo na't nasimula na rin ang paggawa sa extension ng Skyway.

"Dapat na ikunsidera ng DPWH ang mgga worst traffic scenarios sa SLEx bilang paghahanda sa darating na Undas at Pasko," dagdag niya. Noong nakaraang Hulyo 30, inisyu ni Presidente Gloria Arroyo ang Executive Order (EO) No. 644, na nag-aatas sa DPWH na pangasiwaan ang trapiko sa expressway.

Sa bisa rin ng nasabing kautusan ay inilipat ang superbisyon sa TRB sa DPWH mula sa Department of Transportation and Communications (DOTC).

Ang TRB ang in-charge sa aktuwal na superbisyon at operasyon na lahat ng toll facilities sa bansa.

News Latest News Feed