Press Release
October 17, 2007

KIKO, HINAMON SI PGMA: PAIMBESTIGAHAN
ANG PAMUMUDMOD NG PERA SA PALASYO!

Hinamon ngayon ni Sen. Majority Floor Leader Francis Kiko ang Malacanang na "magsagawa ng imbestigasyon" kaugnay ng umano'y pamumudmod ng pera sa mga kongresista at ilang pang lokal na opisyal noong isang linggo.

"Alamin natin ang katotohanan sa insidenteng ito. Iba't-iba ang kanilang sinasabi, iba't- iba ang mga dahilan, kung kanino ba talaga nanggaling ang perang ipinamudmod sa mga konresista at gobernador. Ang hamon ko ngayon sa Malacanang, kung talagang interesado silang malaman ang katotohanan sa pinakabagong alegasyon ng panunuhol, magsagawa sila ng isang public investigation para malaman ang puno't dulo ng umano'y panunuhol," giit ni Kiko.

Ang panawagan para sa isang imbestigasyon ay bunsod na rin ng pag-amin ng dalawang gobernador na sina Fr. Ed Panlilio ng Pampanga at Joselito Mendoza ng Bulacan, na nakatanggap nga sila ng kalahating milyong piso, matapos ang isang breakfast meeting kay Pangulong Arroyo noong Huwebes.

Ayon pa kay Kiko, kataka-taka ang patuloy na pananahimik ng Pangulong Arroyo sa isyu.

Kung talagang wala raw kinalaman ang Pangulo dito, maigi umanong atasan niya ang Presidential Anti-Graft Commission na pangunahan ang isang imbestigasyon kaugnay ng umano'y suhulan na nangyari mismo sa loob ng Malakanyang.

"They do have investigative powers. Mayroon silang PAGC, gamitin nila. Ngayon kung 'di nila ito gagamitin, mukhang hindi sila interesado sa katotohanan. Dahil kung talagang wala silng itinatago, wala silang dapat ikatakot," dagdag pa ni Kiko.

News Latest News Feed