Press Release
October 5, 2007

Transcript of interview with Senate President
Manny Villar (DZXL) on FG and ZTE October 5, 2007

Q: Sabi ng Malacañang hindi puwedeng dumalo si First Gentleman sa pagtawag ng Senado?

SPMBV: Iniimbita lang naman. Pagkatapos subpoena na. To be fair, inilalagay natin sa ayos ito kaya naman humingi ng konting panahon ang committee para isaayos ang mga bagay na ito dahil napakaraming developments na dapat din namang tingnan. Kasi nag-resign si Chairman Abalos at kinansela itong deal at nag-adjourn ang Senado. Tapos nag-caucus uli ang committee, ang dami pang mga impormasyon na hinihintay pa nila at maraming testimony. Kasi ang hearing, dalawang beses sa isang linggo iyan, masyadong mabilis. Kaya nga minarapat ng committee na medyo huminga muna, mag-consolidate muna at nag-form sila ng mga committee yata para ayusin lahat pati iyong mga legality dahil inaasahan naman natin iyan. Sinabi ko nga sa kanila na 'you know, ang problema kailangang tingnan ninyo ang legality.' Okay lang naman ako sa lahat ng gagawin nila kaya lang kailangang handa ang mga legal. Kasi sigurado mo namang hindi darating. Halimbawa, kung tatawagin natin si Chairman Abalos, nagsabi na siya ay hindi sisipot. Si Secretary Neri ay hindi rin sisipot, ang First Gentleman hindi rin sisipot. Dapat ihahanda mo na ang legal options para hindi naman magmumukhang-tanga ang Senado.

Q: Medyo nagugulumihanan lang ang taong-bayan, nag-aaway-away na po diyan. Kayo ang binabanatan at saka si Cayetano na wala raw po kayong ginagawa, to the point na pinagre-resign na din po kayo?

SPMBV: Alam n'yo naman, tatlong buwan na iyan. Noon pa iyan sa eleksyon ng Senate presidency. Anyway, dapat maisip nila na 23 ang senador at ako bilang pangulo ng Senado halimbawa, hindi naman puwedeng isa o dalawang senador lamang ang aking pakikinggan nang pakikinggan. Ako naman ay kinakausap din ng ibang senador at sila ay may mga opinion din. Alam n'yo ba na may mga senador din na ang gusto ay itigil na dahil sa cancelled na ang deal. Titingnan ho natin lahat ng senador natin dahil sa syempre kagaya nito, meron tayong siyam na panukala na naipasa. Lahat iyan inihahabol namin at bawat isa diyan ay malaking trabaho. Meron din namang imbestigasyon sa Garci, meron din namang budget hearings na halos araw-araw ginagawa. Tuloy-tuloy din ang JPEPA hearings. Kamakalawa kami ay humarap sa Supreme Court para naman ipagtanggol ang karapatan ng Senado na mag-imbestiga sa Garci dahil iyong wiretapped material ang gagamiting ebidensya. Ang dami pong nangyayari sa Senado at hindi na puwedeng isang senador o dalawang senador ang gusto nila ganito ganito. Hindi po ganyan. Syempre namamahala tayo ng pangkabuuan at 23 po iyan.

Q: Sabi ay meron kayong bagong ka-phone pal na mestisuhin. May rason po ba na paniwalaan sila sa kanilang paratang?

SPMBV:Ang sabi ko nga ako ay walang natatanggap na tawag maliban sa asawa ko. Wala po akong natatanggap na tawag sa Pangulo at sa businessman po na iyan. Ang sinumang magsabi na tumawag iyan sa akin na tigilan iyan ay nagsisinungaling. At masasabi ko ho iyan sa lahat po ng kababayan natin. Wala hong tumatawag sa akin. Palagay ko kilala n'yo naman ako at ang aking reputasyon din na sabi nga nila medyo matigas ang aking ulo. Ako ay independent ho. Kaya naman tayo kahit papaano ay naghanap-buhay noong araw, para sa ganitong panahon hindi naman tayo kayang sabihan ng maski sino.

Q: Iyon ay kay Razon, paano kung si misis?

SPMBV: Ibang usapan iyan.

Q: Kumusta na ho ang Cheaper Medicines bill?

SPMBV: Pasado na iyon. Hindi lang iyon, siyam na panukala ang ipinasa namin pati iyong pantulong sa mga maliliit na negosyante, iyong Magna Carta for Small and Medium Scale Enterprises pasado na rin. At saka ipinasa na ang panukala na nagpataas ng penalty sa cellphone theft.

Q: Hindi natin napapansin. Ang napapansin lang natin ay ang broadband deal na ito.

SPMBV: Kasi away lang, pero ang nine na iyan ay iyong aking inaapura nga. Nagulat nga ako dahil ako naman ay bilang Pangulo ng Senado talagang dini-delegate ko iyan. Ayaw ko nang makialam sa mga committee chairman dahilan sa napakarami ko nang inaasikaso.

Q: Iyang Cheaper Medicines bill, kailan ho iyan puwedeng maramdaman ng tao?

SPMBV: Kailangan pa pong ipasa sa Mababang Kapulungan iyan. Sa amin pa lang pasado.

Q: Sana naman ay maging pamasko sa atin ito.

SPMBV: Oo nga, kakausapin ko nga ang ating mga kasamahan doon para aprubahan hindi lamang ang isa na iyan, pati iyong walo pa, katulad ng cellphone snatching, mahalaga rin iyan. Marami ring namamatay na nananakawan ng cellphone ngayon. (end)

News Latest News Feed