Press Release
October 5, 2007

Transcript of interview with Senate President
Manny Villar (DZBB on Brgy. Elections and ZTE)

Ito pong barangay at SK elections, kailangan pa ng pagpapatibay ng Senado bago ito mapostpone.

SPMBV: oo, pero nag-adjourn na kami. Magkaka-eleksyon na tayo.

Ang dami po kasing nagtatanong tungkol dito dahil akala nila ay hindi tuloy.

SPMBV: Tuloy ang eleksyon. Kaya nga ako nagpatawag ng caucus noon pa para malaman ang sentimyento ng Senado tungkol dito. Pinag-usapan din naman yan sa Senado, nag-debate at ang nagsalita ng matindi laban sa election postponement ay si Sen. Pimentel at sa tingin niya at ng ibang Senador ay oras na para magkaroon ng eleksyon sa barangay at SK. Kaya dapat nang magkampanya yung mga kandidato dahil talagang tuloy na ang eleksyon.

Yung SK naman kasi ngayon, matatanda na Senador.

SPMBV: Totoo iyan. Ito ay isang bagay na dapat na rin nating harapin pagdating ng panahon. Kung ang SK ay dapat pa ring manatili o alisin na lang.

Paano niyo ba sasagutin yung sinabi ni Sen. Madrigal tungkol sa imbestigasyon ng ZTE deal. Ano ba yung tycoon daw na tumawag sa inyo para di matuloy ang hearing sa ZTE?

SPMBV: Walang tumatawag sa akin na sinuman para pigilan ang NBN investigation. Walang tumatawag sa akin na businessman maging ang Pangulo. At kung sino man ang nagsasabi niyan ay nagsisinungaling. Ang Senado ay hindi madidiktahan at iyan ang patakaran ko magmula nang ako ay maging Pangulo ng Senado. Maging ang Pangulo ay hindi nakakapagdikta sa amin at sa karanasan ko bilang isang public official, naipakita ko na ang aking pagiging independent na hindi kayang diktahan ninuman. Nalulungkot ako sa mga ganyang akusasyon. Hindi fair iyan. Maliwanag na walang tumatawag sa akin at nagsasabing tapusin na ang imbestigasyon.

So wala po kayong plano kay Sen. Madrigal?

SPMBV: Wala naman.

Pwede naman siyang mag-file sa Ethics Committee kung naniniwala siya sa kanyang impormasyon.

SPMBV: Totoo iyan. Pwedeng gawin iyan. Walang problema diyan. Ayoko nga lang talagang makipag-away sa mga kapwa Senador dahil noon pa man ay di ko na sinasagot yung mga isyu sa akin. Ngayon nga lang dahil baka isipin ng mga tao na totoo yung mga akusasyon, kaya nagsalita na rin ako. Gusto kong linawin, na hindi ako nakikialam sa mga komite. Hindi ako nakikialam sa mga committee hearings. Bilang Pangulo ng Senado, marami akong trabaho, pangkalahatan ang tinitingnan kong trabaho. Kaliwa't-kanan ang hearing sa Garci, JPEPA, budget, ZTE at iba pa, siyam ang panukala na inihabol namin at nagpunta din kami ng Supreme Court para ipagtanggol ang tungkulin namin na mag-hearing sa Hello Garci. Sabay-sabay nating ginagawa iyan. At para magawa mo ang lahat ng iyan, iiwanan mo na lang sa mga chairman yung mga desisyon sa kani-kanilang komite. 23 ang Senador, hindi naman pwedeng yung gusto ng isa o dalawang senador ang masusunod. Yung ibang senador kasi iba din ang paniniwala. Yung mga chairman naman ng mga komite ay binabalanse lahat ang opinyon ng mga miyembro.

Q: So welcome kayo kung magpa-file ng kaso si Sen. Jamby?

SPMBV: Okey lang. Walang problema sa akin iyon.

Q: Hindi naman itinigil, ipinagpaliban lang diba?

SPMBV: Hindi talaga. At wala talagang tumatawag sa akin. Hindi ko rin binigyan ng instruction si Sen. Alan para itigil ang hearing. 3 ang chairman na humahawak diyan. Sila ang nag-uusap diyan at sila ang nagde-decide. Hindi mo pwedeng utus-utusan ang mga chairman na iyan kung ano ang dapat gawin. Hindi mo basta-basta bibigyan ng instruction ang mga Senador dahil may mga kusang palo iyan at matitigas din ang ulo ng mga iyan kaya hindi mo pwedeng diktahan.

Q: Ano po ang magiging hakbang ng Senado dito sa hangarin ng Pangulo na magpasa ang kongreso ng panukala protecting military secrets ?

SPMBV: Lahat ng panukala ay pwede naming tingnan. Magandang palakasin na rin ang mga ganyang bagay na may grey area tulad ng executive privilege. Napapahiya kasi ang Senado dahil hindi dumadating iyong mga pinapatawag sa imbestigasyon.

Yung counterpart mo sa kamara Senador, may mga nananawagan ng pagbibitiw ni Speaker de Venecia.

SPMBV: Maski sinumang grupo na makakakuha ng mayorya ay pwedeng magtanggal ng pinuno ng kongreso. Pero kung wala kang mayorya, wala ka ring magagawa.

Q: So tuloy po ang eleksyon?

SPMBV: Tuloy ang eleksyon. (end)

News Latest News Feed