Press Release
October 2, 2007

Transcript of interview with
Senate President Manny Villar (DZMM)

Q: Nasorpresa po ba kayo sa pagre-resign ni Chairman Abalos o inaasahan niyo na rin na iyon ang mangyayari?

SPMBV: Inaamin ko na ako ay nagulat at di ko inaasahan na magre-resign si Chairman Abalos pero kung iisipin mo ang takbo ng mga pangyayari, hindi rin kataka-taka ang kanyang ginawa. Tapos na rin kasi sa Pebrero ang term ni Chairman Abalos at di na siguro niya gustong ubusin ang kanyang mga nalalabing buwan sa Comelec na gini-grill ng kongreso tungkol sa NBN deal. Tuloy pa rin ang gagawing imbestigasyon ng Senado tungkol sa ZTE deal at iba naman ang personal na buhay ni Chairman Abalos sa isyung ito.

Q: Sa palagay po ninyo, tama ang kanyang desisyon na mag-resign?

SPMBV: Para sa akin tama iyon. Pero tama man o mali, iyon ay desisyon ni Chairman Abalos. Di naman natin alam ang nangyayari sa personal niyang buhay. Hindi rin madali yung nararanasan niya ngayon dahil nalalagay siya sa kahihiyan at ang kanyang pamilya. Kung anuman ang kanyang naging desisyon, iyan ay aking iginagalang. From there, titingnan ng Senado kung ano ang mga gagawin. Tuloy pa rin ang imbestigasyon ng Senado sa ZTE deal dahil marami pang isyu na dapat harapin at kalkalin sa bagay na ito.

Q: Si Chairman Abalos po ay private citizen nang maituturing dahil effective immediately ang kanyang resignation. Pwede pa rin po ba siyang ipatawag ng Senado?

SPMBV: Pwede pa rin. Kaya lang, marami ng komplikasyon bungsod ng kanyang resignation. Inaamin ko na ang Senado ay mag-iisip ng mabuti sa mga pangyayari. Magre-review ang mga komite ngayon at pag-uusapan namin kung ano ang mga gagawing hakbangin dahil biglaan ang mga pangyayaring ito at talagang nagulat kaming lahat.

Pwede rin niyang tanggihan ang imbitasyon ng Senado dahil pwede rin naman niyang sabihin na sa husgado na lang niya haharapin ang mga kontrobersiya dahil masyado daw siyang pinipitpit sa Senado.

SPMBV: Maaaring ganoon ang gawin ni Chairman Abalos para ika nga ay mabawasan ang init sa isyu. Gusto ko ring sabihin na ang pagre-resign ni Chairman Abalos ay magandang simula para sa mga public officials dahil hindi uso sa Pilipinas ang nagre-resign dahil sa delicadeza. Kailangan din nating papurihan ang ginawa ni Chairman.

Q: Si Sec. Neri po ba ay ipapatawag ng Senado?

SPMBV: Posible iyon. Pero di pa sigurado. Pero iyan ay pinag-aaralan pa namin kung kinakailangan pa.

Q: Ilang araw na lang magbabakasyon na kayo, may mga panukalang batas na bang sumulong sa Senado?

SPMBV: Magandang balita iyan dahil nagpatibay kami ng tatlong panukala mula nang magbukas ang 14th Congress. Normally kasi kapag mga unang araw ng sesyon ay puro referrals lang muna sa mga committees pero kami sa Senado ay nakapagpatibay na ng 3 panukala at madadagdagan pa iyan ngayong linggo, kabilang na yung pagbibigay ng dagdag na pension sa mga judge at justices, dagdag na benepisyo sa mga bilanggo at pati yung panukala na magpapababa sa presyo ng murang gamot at pautang sa mga magsasaka. Abala din kami ngayon sa pagtalakay sa 2008 National Budget.

Q: Balita ko, may panukala din kayo laban sa cellphone theft?

SPMBV: Malapit na ring ma-approve iyan. Minamadali ko talaga iyan dahil marami nang patayan at krimen na nangyayari dahil sa cellphone theft. Hanggang 20 years na pagkabilanggo para sa mga magnanakaw ng cellphone at kapag may namatay, maximum penalty na ang ipapataw sa kanya. (end)

News Latest News Feed