Press Release
September 27, 2007

Pia on JPEPA: 'Kung lalaban tayo, e para manalo 'di ba?'
Transcript of interview with Sen. Pia S. Cayetano
(Third Public Hearing on JPEPA - Environment Aspect)

Q: Ano po ang assessment n'yo sa hearing?

SPSC: Hindi ako syempre masaya sa lumabas sa pagdinig na hindi nabigyan ng gobyerno ng specific concern ang environmental issues. And not only that, meron din kasing mga probisyon dito sa JPEPA na hindi mo makikita dun sa probisyon ng ibang economic agreements ng Japan sa ibang bansa. So nung tinatanong namin bakit 'yung JPEPA merong mga kontradiksyon or inconsistency sa batas natin, tulad halimbawa ng RA 6969 o 'yung ating batas laban sa toxic waste, ay lumalabas na pwede pala nitong ipawalang-bisa ang mga kasalukuyang batas natin para sa kalikasan.

Ang kumpyansa ko sa JPEPA bilang chairman ng committee on environment at isang environmentalist, imbis na mapalakas ay parang lalo pa ngang humihina. Kahit sinasabi ng gobyerno na may assurance naman ang Japanese government na hindi objective ng JPEPA ang pagpapasok ng toxic at hazardous waste, lumalabas sa mga statistics na talaga namang ibinabato ng Japan ang tone-tonelada nilang basura sa ibang bansa tulad ng India, Thailand at maging Pilipinas, kasama na iyong tinatawag nilang 'electronic waste' o 'e-waste.'

Sa ilalim ng JPEPA, dapat tayong maging agresibo sa pagbabantay sa posibleng pagpasok ng toxic at hazardous waste. Pero hindi ito mangyayari dahil kulang na kulang pa ang ating kapasidad. Parang binibigyan pa ng daan ng JPEPA ang pagpasok ng toxic waste at pag-amyenda sa mga batas natin.

Q: Sen. Miriam was quoted saying that the administration was desperately trying to find ways to justify JPEPA

SPSC: Nagkukwentuhan nga kami ni Senator Miram. E sabi ko, "Tita, ano ba ang options natin, i-approve, i-reject or sit on it. Kasi dati ko pa ngang nabanggit 'yun as an option para hindi naman medyo supalpal sa mukha ng Executive. Sabi ko, baka naman pwedeng through back channels e mare-negotiate natin. Kasi parang lumalabas na mas maraming disadvantageous points ang JPEPA kaysa advantageous sa Pilipinas. Lalaban ka ba sa (sa ilalim ng unrestricted trade) para lang maka-one point tayo? Hindi ba kung lalaban ka e dapat para manalo? Hindi para maka point lang tayo ng isa?

Q: So do you think it would be very hard even for her (Sen. Miriam) to defend JPEPA?

SPSC: Siya na rin ang nagsabi niyan. Even ako, sinabi ko naman, I have an open mind about it, except that I'm very concerned about environment and health issues. E ngayon pati na rin trade and investment issues ay nadagdagan pa ang concern ko, dahil akala ko noon, babalansehin ng trade ang anumang disadvantage sa health at environment, na gaganda ang trade at investment. E ang lumalabas hindi rin e.

News Latest News Feed