Press Release
September 20, 2007

Transcript of interview with Senate President Manny Villar over DZMM

Q: Sir, sa final reading sa Kongreso, naipasa po itong panukalang ipagpaliban ang pambarangay at sangguniang kabataan elections. Bakit po sa senado, mukhang hindi po umubra at ibinasura ninyo?

SP MBV: well, kasi naman dalawang beses ng na-i-postpone yang barangay elections at parang ang gusto ng karamihan ng ating mga kababayan ay matuloy na yan. At kami naman ay nahihiya sa aming mga kasamahan sa mababang kapulungan at sa iba pang local officials na gusto nilang ma-postpone ito sa iba't ibang kadahilanan. Subalit dun sa caucus na aking ginawa ay karamihan ng mga senador doon, ay talagang ayaw. At dapat na raw matuloy para magkaroon ng bagong mandate ang ating mga barangay captain. Hindi naman po sa ayaw naming pagbigyan din ang aming mga kasamahan. Dangan nga lamang at ang pagpasa po ng mga panukala ay talagang may proseso po at matagal, hindi na rin naman makukuha ang oras. At saka talagang halos lahat ng senador ay may sentiment na ituloy na lang.

Q: dun po sa unang proposal na ipagpaliban ang barangay at sangguniang kabataan elections, anong taon ho gusto nilang mangyari na ito .. 

SP MBV: well, madali naman sana pag-usapan yan, na next year, yung iba naman nagsasabi na 2009. karamihan naman next year ang gusto, at di naman sana matagal, subalit ready na rin naman ang lahat, at parang mas maganda na ituloy na lang. kasi, alam mo ang problema sa postponement, ay baka masanay naman tayo na postpone-postpone.

Q: naalala nyo po ba sa mga kasamahan nyong senador kung sino ang pumaborat hindi pumabor?

SP MBV: ah, hindi naman, basta isang caucus naman yan. Kaya parang hindi naman diretso, although, merong akong mga nakakausap na senador ngayon na nakikiusap naman na magvoting kami sa session.

Q: So, pormal na botohan sa session?

 SP MBV: oo, pwede din naman yun at para mag-express lahat ng kanya-kanyang saloobin, at yan ay kung may kahilingan na ganyan, pagbibigyan din naman natin, dahil sa maaaring gusto din naman ng mga kababayan natin na malaman kung sino ang bumoto ng laban dito o para ditto.

Q: ang nakakalungkot lamang dito, ay nag-ubos na naman ng panahon at pera mula sa taumbayan, tagal pong tinalakay ito sa kongreso, pagkatapos eh hindi din pala magkakasundo pagdating sa senado.

SP MBV: well, hindi naman talaga ganun, dahil sa talagang lahat naman ng panukala ganyan, di naman nagkakasabay yan na pareho. Subalit, at least alam natin ang mga sentiments ng mga bawat isa. Sa amin po naman, nagkataon po lamang na magkaiba ang aming pananaw sa mababang kapulungan. At kami naman ay nagko-cooperate sa maraming mga panukala na ibinibigay nila sa amin. Hindi po ito nangangahulugan na nag-aaway ang mababang kapulungan at ang senado. Hindi po, ito ay nagkataon lamang, na talagang nagkakaiba sa isang panukala.

Q: hindi naman kaya, pagdating po sa kongreso, ng inyong ipapanukalang batas dyan, eh magkakaroon naman ng problema. By the way, anu-ano po ba ang mga priority bills ang inyong aaprubahan before Christmas.

 SP MBV: ang totoo nyan, busing-busy kami sa JPEPA ngayon, saka sa budget.

Q: ano po iyong JPEPA?

SP MBV: ito yung agreement between japan and the Philippines, na ito ay magkakaroon ng mga bigayan sa trade, primarily, ito yung magpapamura sa mga produkto natin na papasok sa japan. Kaya lamang, merong nangangamba na baka daw mag-export ng mga toxic waste sa pilipinas. Kaya sinisiguro namin na hindi mangyayari na mag-export ng toxic waste dito sa pilipinas. At gusto namin maliwanagan talaga kung ano ang mga benepisyo na mkukuha dito sa agreement na ito. At kaya masusi naming pinag-aaralan yan, at saka ito pa, labing-apat na panukala, ang binibigyan namin ng prayoridad bago kami mag-adjourn. Sa dalawa, tatlong linggong nalalabi ngayon. Kasi malapit na kaming magkaroon ng first adjournment. At dito ay napagkasunduan namin na labing apat na panukala ang bigyan naming ng prayoridad. Kasama na riyan yung sa Pamantasan ng Pilipinas, kasama na riyan ang cheaper medicine bill, kasama na rin yan yung karapatang pantao na kasama sa mga bilanggo. Kasama na rin dito yung six term sa ating pong chief of staff, kasama na rin po yung pagbibigay ng karagdagang retirement benefits para sa ating mga judges and justices. At marami pa pong iba ang bibigyan natin ng prayoridad.

Q: Ok, dito naman po sa pagdinig ng senate blue ribbon committee, lalo itong ZTE broadband deal. Mr. senate president, palagay ko, kontento na po ang inyong mga kapwa senador dahilan sa wala ng kagatul-gatol na dadalo po lahat ng isinasangkot na myembro po ng gabinete ng pangulo.

SP MBV: well, mabuti naman at ako po ay natutuwa at nagbago ng isip ang ating mga cabinet member. Itong mga cabinet members naman na ito ay dapat naman talaga ay aatend sa mga committee hearings. Ito naman po ay kasama sa kanilang obligasyon, at mahalaga din naman na ipaliwanang nila sa taumbayan kung ano talaga ang kanilang panig sa ZTE deal na ito. Kaya itong pagpapalit nila ng isipan, magandang balita iyan sa amin at inuulit ko na hindi naman po kami nakikipag-away sa executive department. Ginagawa lamang po namin ang aming tungkulin, at hindi naman po personal iyan. Kaya kung magkakaroon naman sila ng pagkakataon na ipagtanggol naman o sabihin ang kanilang panig, ay ok din po samin yan. Magandang balita po sa amin yan.

Q: mr. senate president, sa inyong palagay ay naapektuhan po ang dati nating magandang relasyon, particularly yung pagsuporta po ng House speaker kay pangulong macapagal arroyo dito sa issue na ito na nahaluan ng politika.

SP MBV: wag naman sana, subalit hindi natin masisisi at hindi ko malalaman ang pananaw ng pangulo sa bagay na ito. Syempre, kahit na papaano, pag asawa ang involve o naituro, di ko naman sinasabi na na-involve, ang naituro, syempre me konting mararamdaman yan. Subalit si speaker naman, medyo me edad na rin itong si joey at hindi naman masasabing sya talaga ang nasa likod niyan. Sapagkat, may edad na rin itong si joey at may sariling hanapbuhay din naman, at nagsasarili. At maaaring ginawa nya ito sa kanyang sarili lamang. At syempre naman, kapag ang anak mo ay meron ding ganyan, mahirap din naman pigilan. At kaya hindi po natin masasabi. Masyado pong maaga pa para sabihin kung magkakaroon ng pag-aaway o hidwaan ang pangulo at speaker de venecia. Subalit, palagay ko ay di tayo magugulat kung magkakaroon nga ng ganyang kalagayan.

Q: legal opinion lang po mr. senate president, bagamat ito ay tinangka pa lamang ni joey de venecia sa kanyang kumpanyang Amsterdam holdings inc. na pumasok sa kontrata ay papasok po sila sa paglabag dun sa isa pong batas na nagbabawal po sa mga kamag-anak, kapamilya hanggang third degree of consanguinity sa pagpasok nya pos a kontrata, dahilan sa ang kanyang ama ay speaker of the house.

SP MBV: ito po ay meron silang sagot dito, at titingnan po namin sa komite yan. Dahilan sa yan ay binring-up din, subalit meron din silang sinasabing batas din naman, at tinitingnan namin yung batas na yun. Lalabas din po naman iyan sa aming review sa committee. Pero, titingnan po natin ang magkakontrang batas po na iyan bago po natin sabihin na mali o tama itong si joey de venecia. At syempre, yung issue po naman ay kung tama din ba iyung kanyang sinabi. Iba namang isyu kung tama yung sinabi nya, sa kung meron syang nagawang kamalian, sa kanyang pag-bid o wala.

News Latest News Feed