Press Release
September 19, 2007

TRANSCRIPT OF INTERVIEW WITH SENATE PRESIDENT
MANNY VILLAR (After senators' caucus on September 18)

RE BARANGAY ELECTIONS, EO 464

Q: Barangay elections?

SPMBV: Pinag-usapan naming mabuti at napagkaisahan naming walang kadahilanan para pigilan pa ang barangays elections. Bagamat siyempre may iba sa amin na gusting i-postpone ang elections, pero minarapat naming tapusin na itong isyu na ito (sapagkat) naghihintay na lahat, lahat ng kandidato for barangays captains, kagawad, naghihintay na pati mga local officials, so para matahimik na ang lahat gumawa kami ng desisyon, at ang desisyon namin ay ituloy na ang eleksyon.

Q: Bakit yun ang decision?

SPMBV: Kasi madalas nang ma-postpone eh. At sa aming palagay, oras na para ituloy na ito at magkaroon naman ng panibagong mandate ang lahat ng ating mga nanunungkulan na mga barangays captains at kagawad.

Q: EO 464?

SPMBV: Well okay naman. Basta ang sa amin ay sinusunod namin ang batas at hindi naman kami hihiwalay sa batas. Kung ano lang ang nandun, yun ang aming gagawin at alam naman natin na sa komite namin ay binibigyan namin ng malawak na karapatan, so kung ano ang kanilang gusting gawin, susuportahan ko. Kung sinong gusto nilang ipatawag ay susuportahan ko yan.

Q: Would you urge Malacanang to tell its cabinet members na umatend na lang to avoid another confrontation between the Senate and Malacanang?

SPMBV: Kami naman hindi kami naghahanap ng confrontation. Kami naman ay naghahanap lamang ng katotohanan, at ang gusto lamang naman naming malaman ay kung ano yung totoo 'dun sa kaso na iniimbistigahan namin. Hindi naman namin alam kung ano 'yung sasabihin ng mga witness namin. Kaya mas maganda na rin siguro na yung mga hindi magandang nasabi nung witness ngayon ay masagot nung mga opisyales ng ating gobyerno. Siguro mas maipapaliwanag nila ang kanilang panig at ang panig ng gobyerno at para nang sa ganon naman ay magkaroon ng balanseng opinion ang atin pong mga kababayan.

Q: Kusain na nila na pumunta dito

SPMBV: Sa palagay ko, dapat ipadala nga nila ang mga opisyales nila rito sa Senado sapagkat habang hindi ipinapadala dito, lalo lamang naniniwala ang mga tao na totoo 'yun.

News Latest News Feed