Press Release
September 12, 2007

Transcript of interview with Senate President Manny Villar

Q: Bakit nag-open and close lang ang session, sir?

SPMBV: Hindi nag-open ngayon ang mababang kapulungan at palagay naman namin ay maraming mga senador ang gustong mag-isip ng mga bagay-bagay ngayon. Medyo masama rin ang panahon, so nagkasundo na lamang kami na iklian na lamang ang sesyon ngayon.

Q: May kinalaman sa Erap verdict kanina?

SPMBV: Hindi naman. Nag-decide lamang kami na iklian ang session ngayong araw na ito.

Q: On Erap verdict

SPMBV: Nakakagulat din naman itong verdict kay Erap. Syempre nakakalungkot iyan. Pero palagay ko, bagaman hindi pa tapos iyan, marami ring tao ang nagulat at muling nabuhay ang pagmamahal kay Erap. Kaya maaaring natalo siya sa round na ito, pero palagay ko nanalo siya sa isang bagay na nabawi niya ang pgamamahal ng maraming tao sa nangyari.

Q: Noong binalikan kanina ang timeline mula impeachment hanggang ngayon sa verdict, naalala muli ng tao na kayo mismo ang nanguna ng impeachment sa Kongreso.

SPMBV: Iyong impeachment naman ay pag-galang sa proseso. Noong panahon namang iyon, isinampa natin ang impeachment sa Senado dahilan sa meron namang 73 signatures. At ayon sa ating konstitusyon, kapag may 73 na pirma ay kailangan nang ipadala sa Senado. At iyon ang ating ginawa bilang pagtupad sa ating tungkulin. Subalit hindi iyon pagdeklara na guilty ang dating Pangulong Erap. Iyon ay para lamang pag-usapan sa Senado at doon siya magkakaroon ng hearing. Kaya nakakapanghinayang na hindi natapos iyong kaso na iyon sa Senado, nagkaroon ng walkout. Ngayon naman ay nakita natin na nagkaroon ng hearing ngayon. Hindi ako sumasang-ayon sa naging desisyon dito. Bagaman hindi pa naman tapos ang kaso, I'm sure na mag-aapela pa ang mga abogado ni Erap. Pero sa palagay ko ay hindi naman talagang natalo ang Pangulong Erap. Palagay ko, mas lalo ngayong nagising ang pagmamahal sa kanya ng bayan.

Q: Sir, pinagsisihan n'yo ba ang ginawa ninyo noon?

SPMBV: Hindi naman. Iyan naman ay paggawa lamang ng tungkulin at iyan naman ay consistent tayo sa paghahangad na gawin nating ang ating tungkulin sa anumang bagay. Subalit kamukha ng sinabi ko kanina, iyon naman ay para pag-usapan na ang kaso sa Senado at hindi para i-convict ang Pangulong Erap.

Q: You see this as a precedent or it serves notice to future high-ranking public officials

SPMBV: Maraming interpretasyon itong desisyon na ito. Syempre, kasama na ang precedent na ito sa mga darating na kaso sa mga manunungkulan sa ating bansa. Pangalawa, syempre hindi natin maiaalis ang political aspect nitong kaso na ito. Kagaya ng sinabi kanina ng isang abogado, karamihan, kung hindi man lahat ng kaso na nagbuo ng isang special tribunal para dinggin ang kaso, halos lahat ay nagwawakas sa conviction. Umaasa pa rin ako na magkakaroon ito ng katapusan sa mga darating na panahon at magkakaroon ng pagkakataon ang Pangulong Erap na ma-acquit o mabawi ang kanyang pangalan.

News Latest News Feed