Press Release
September 5, 2007

Transcript of interview with Senate
President Manny Villar (Senate reporters)

Q: Sa Commission on Appointments, inaaayos ninyo ang rules, iyong mga cabinet secretaries na hindi nagsa-submit

SPMBV: Pinag-uusapan namin sa CA ngayon ang mga gagawin kapag ang isang cabinet member ay talagang ayaw mag-submit ng kanyang mga requirements, ito ay isang bagay na hindi maganda at parang inaamin ng isang cabinet member na balewala ang CA or wala siyang kakayahan para maging cabinet member. Kaya dito ay gumagawa kami ng bagong rule ngayon, magiging automatic na ang rejection kapag hindi makapag-submit ng requirements ang isang newly-appointed na Cabinet member.

Q: Isang notice lang iyon, sir?

SPMBV: Hindi naman, siguro bibigyan siya ng pagkakataon na mag-apila, one time, and then dire-diretso na.

Q: Ang problema nga lang sir, parang wala na silang pakialam sa CA, minsan kahit hindi na sila ma-confirm, naka-pwesto pa rin sila.

SPMBV: Ang sa akin, kapag hindi nakapag-submit ng requirements, then ire-reject na ng CA.

Q: Kapag rejected nga, naka-upo pa rin po sila.

SPMBV: Maaaring ipilit ng pangulo iyan subalit, at least alam ng Cabinet member na siya ay ni-reject ng CA. Hindi maganda iyan sa kanyang record. Palagay ko naman ang sinumang ma-appoint na cabinet member ay ayaw ding malagay sa pangalan niya na siya ay minsan ni-reject ng CA dahil kahit papaano naman ay nakakahiya iyan. Palagay ko naman, kung may kahihiyan din, hindi naman niya gagawin iyan.

Q: By next week daw itutuloy na nila ang pagsasampa ng impeachment against Abalos? Does that mean, sir na hindi n'yo na iimbestigahan iyan dito?

SPMBV: Iyon ang medyo mahirap na parte sa Senado kapag merong impeachment proceedings na sa House kaya talagang mao-obliga kami na hindi na masyadong mag-komenta diyan dahilan sa kung mag-prosper iyang impeachment proceedings at umakyat iyan sa Senado, kami ang uupong pinaka judge diyan. Dahilan diyan, mahihirapan kaming mag-imbestiga dito sa ZTE. Nevertheless, pinapag-aralan ito ng legal department ng Senado kung papaano namin makikita at matitingnan itong deal na ito nang hindi lalabagin iyong rule na iyon.

Q: So pwede pa rin po?

SPMBV: Hindi pa namin alam, pinapa-study ko pa ito dahil sa talagang kami, individually, baka ma-obliga kami na mag-inhibit later on kung gagawa na kami ng conclusion bago pa magkaroon ng proceedings dito sa Senate. (end)

News Latest News Feed